CHAPTER 12

109 40 69
                                    

~NIKE'S POV~

"Where is Alex?" mahinahong tanong niya sa akin habang sinusuri ang loob nang bahay

"She will be here in just a few minutes pa."

Shit! Umuwi ngayon dito si papa sa bahay.

Mahigit 4 na buwan na kasing hindi umuuwi dito si papa sa bahay dahil busy ito sa trabaho niya at doon nalang siya umuuwi sa ipinatayong bahay namin sa manila.

Hindi kasi biro ang pagiging isang Police General kaya madalang na lang kung umuwi dito si papa at umuuwi lang siya kung may mga importanteng okasiyon o di kaya kung kinakailangan talaga.

"Ano ba ang ikinapuputok nang butse mo Kevin?"

Pinandilatan ko nalang nang mata si Alex nang marinig ko ang boses nito habang papasok sa loob nang bahay, kasama nito ngayon si Kevin. Hindi nito siguro nakita si papa sa loob nang bahay kasi abala ito sa pagtatanong kay Kevin.

"Papa?!" narinig kong sabi ni Alex sabay tayo nito nang matuwid

agad naman nitong binitawan ang uniporme ni Kevin na hila-hila nito kanina

"General.." biglang sabi ni Kevin sabay saludo kay papa

tumango lang si papa bilang tugon

Ni hindi nga kami makahinga nang maluwag dahil sa tensiyon sa loob nang bahay. My father changed when my mother passed away, yung pagiging makulit, masayanhin at palabiro nito ay bigla nalang naglaho. His heart is full of anger and guilt because of what happened to my mother.

"Where are you from?" tanong nito kay Alex

"From my mother" pabirong sabi pa ni Alex at sinamahan pa nito nang tawa na ikinagalit naman ni papa

I know that she really tried her best to break the wall but every time she tried mas lalong nagagalit si papa sa pagiging casual nito kung sumagot

"ehheeemm..." biglang naging seryuso si Alex "Nag-usap lang po kami nina Loren at Raven" sabi nito nung makaupo na siya sa Sofa na nasa harapan ni Papa. Nagkatinginan lang kami ni Kevin na hanggang sa ngayon ay nakatayo parin.

Nakatayo ako sa likod ni papa habang siya naman ay nakatayo sa gilid ni Alex.

putang*na! parang personal bodyguard ang kinalabasan namin ngayon ni Kevin! Bakit ba kasi umuwi si papa, letse! baka gisahin nito si Alex sa nangyari.

"Is that true?" seryusong tanong ni papa kay Kevin

"Yes General, but-----"

"Kuya! diba may duty pa kayo ni Kevin?!Diba?!" biglang sabi ni Alex na ikinangiwi lang namin dahil sa lakas nang boses nito

"Diba?!" nanlalaking mga matang tanong nito ulit niya sa akin na para bang sinasabi nito na dapat makikiayon lang ako sa sasabihin nito

parang may tinatago ang isang ito ah

"Speak." baling nito kay Kevin na nakatayo parin sa gilid ni Alex

wala bang plano si papa na paupuin kami?! psh!

"ah! Kuya----"

"Sit." mariing sabi ni papa kay Alex nung bigla siyang tumayo

Walang choice si Alex kundi sundin si papa.



"Continue....." then he is looking now at Kevin

Undeniably Falling for YouWhere stories live. Discover now