Chapter 15

33 2 0
                                    

IHYMILY

Jealous

Ellise's POV

6:30  na ng umaga at nandito ako ngayon sa garden nila Aethan at nag mumuni muni.

Ba't ba ganon yung reaksyon na eh tinatanong ko lang naman sya. Habang tinitingnan yung mga halaman nila bigla nag message si Aethan.

~Aethan~

Aethan: sorry

Aba marunong pala sya mag sorry, hindi ko sya nireplyan at sinara nalang yung phone ko. Hindi nag tagal ng ilang minuto muling tumunog yung cellphone ko at nang tingnan ko ito nakita ko yung message ni Nate.

~Nate~

Nate: umuwi si tita Bernice nag padala sya ng mga damit, meron ka dito mga apat dalhin ko nalang dyan.

Me: nakila Aethan ako

Nate: sige idadaan ko dyan maya maya

Hindi ko na nireplyan si Nate. Pumasok ako sa loob para tulungan si mama sa mga gawaing bahay.

"Ako na po dyan ma" Ani ko at ipinagpatuloy ang hinuhugasang plato ni Mama.

Nang malapit ko na matapos ang hinuhugasan ko biglang pumasok si manong guard

"Ma'am Ellise hinahanap po kayo ni Nate daw po"

Agad kong pinapasok si Nate at pinaupo sa sofa

"Eto na yung damit" Sabay abot nito saakin ng paper bag

Tinignan ko yung mga damit at ang gaganda galing ibang bansa.

"Aray!" Mahinang sigaw ni Nate at nang tingnan ko sya ay kinukusot kusot nya ang kanyang mata

"Anong nangyare?" Ani ko habang tinitingnan ko ang mata nya

Siguro napuwing ang loko, hinipan ko mata nya

"Okay na?"

"Hindi pa!"

Hinipan ko ng hinipan ang mata nya at nagulat nalang ako ng bigla syang tinulak ni Aethan.

"Ano ba?!" Sigaw ko

Tama bang bigla bigla nalang siyang nanunulak ng ganon, parang hindi pinalaki ng maayos.

"Did you just kiss him?!" Galit na tono ni Aethan. Agad kong tinakpan ang bibig nya at tsaka siya hinatak palayo kay Nate

"Baliw ka ba?!"

"Nakikipaghalikan ka sa lalaking yon? Malandi ka ba? Pag mo akong mahalikan? Nagyon si Nate naman?" Napatigil ako sa sinabi ni Aethan at tila gustong gumalaw ng mga kamay ko at sampalin sya

"So naalala mo?"

Hindi siya sumagot at parang gusto ko nang tumulo ng mga nag babadyang luha sa mata ko.

"It's not important! Nakikipaghal--"

"Second cousin ko si Nate at FYI hindi ako nakikipaghalikan sakanya, napuwing siya" Hindi ko na sya pinasagot pa at tinalikuran para puntahan si Nate

Nahihibang na ang lalaking yon at naalala nya pala at hindi man lang niya sinabi saakin? Gustong gusto ko nang isampal ang pagmumukha nya ang mga palad ko.

"Pasensya na Nate" Ani ko sakanya at hinatid ko siya sa gate

Umalis na si Nate at nakita ko naman si Aethan na nag aabang habang nakaupo sa sofa, nang makalapit ako ay mag sasalita na sana siya pero hindi ko na ito pinagsalita pa.

"I hate you so much!" Sigaw ko sakanya at dumiretso sa guest room

Hindi naman tama yung ginawa niya kay Nate at nag sinungaling siya saakin dahil sabi niya wala daw siyang naalala.

Ilang minuto lang nakarinig ako ng pag katok

Inirapan ko lang siya at akma ko na sanang isasara na ang pinto pero mas malakas siya saakin kaya napigilan niya ako.

"Ano bang problema mo?" Habang pinipilit pa din isara ang pinto pero mas mapwersa si Aethan kaysa saakin

Aethan's POV

I really don't know where it starts but the only thing I know is I like Ellise, gumising nalang ako na isang araw gusto ko na si Ellise and ayoko na ipakita sakanya yung real feelings ko for her.

"Ellise, I'm sorry" Nang banggitin ko yon ay hinayaan ako ni Ellise na pumasok sa kwarto.
"Sorry if hindi ko sinabi sayo na naalala ko yon"

"Bakit ba hindi mo agad sinabi saakin?"

"It's just a kiss" Sagot ko

"Just a kiss? Aethan first kiss ko yon!" Sigaw nito saakin

Tila ba nabato ako sa sinabi niya saakin dahil kung ganon ako pala ang nakakuha sa unang halik ni Ellise.

"I'm really sorry" Ani ko sakanya nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit saakin at tsaka inabutan nya ako ng kamay

"Hayaan nalang natin yon" Hayaan? Ganon nalang sakanya yon? Hindi ko pinansin ang kamay niya sa halip ay binigyan ko siya ng mainit na yakap

Bakas sa mukha ni Ellise ang pagkagulat, kumalas ako sa yakap. "Babawi ako promise" Ani ko sakanya.

Lumabas ako sa kwarto kung nasaan si Ellise at tsaka ako pumunta sa kwarto ko. Sa ngayon wala muna akong balak na sabihin kay Ellise yung nararamdaman ko. When my hate turn into love.

Para akong pinapaikot sa sistemang pag kagusto kay Ellise pero hanggat maari ayoko munang malaman nya, dumiretso ako sa kusina at nakita kong nag hahanda ng pagkain si manang Esther kaya naman agad akong lumapit.

Akma sanang kukuha ako ng tinapay sa ref nang biglang mag salita si manang. "Inaway ka nanaman ba ni Ellise?" Tanong ni manang

"Nako hindi po manang, ako po ang nangbwiset kaya ganyan" Pagbibiro ko nakita ko naman ang pag tawa ni manang

Dumiretso ako sa sala para buksan yung tv at nanood dahil ayoko munang guluhin si Ellise para makapag isip sya.

----------------------------------
Wavyou all!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate You Means I Love You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon