Chapter 3

20 2 0
                                    

IHYMILY

Queen

Ellise's POV

Seryoso ba yon? Hinalikan ako ni Aethan? Ng hindi manlang nag paalam?!

Ilan yan sa mga tanong na kanina pa tumtakbo sa utak ko.

"Hoy!" Mahinang sigaw ni Nate dahilan para bumalik ako sa reyalidad

"Baket nanaman?" Sagot ko

"At baket mo ko iniwan don sa library kanina? Ang bilis mo pa tumakbo para kang kabayo" Pang aasar pa ni Nate

"Ewan ko sayo" Sagot ko ulit sabay taray kay Nate

"Aba attitude! Sabay tayo uwe mamaya ha?" Pangungulit nito

"Oo na, pero dapat ilibre mo ko" Mautak ata ako noh!

"Syempre ikaw pa!" Sambit nya ulit

______

Ilang oras pa ay nag uwian na kami at hanggang ngayon nasa isip ko pa din yung pag halik saakin ni Aethan.

"Hoi kanina ka pa tulala di na kita ililibre!" Sambit bigla ni Nate habang tinatapik tapik yung ulo ko

"Edi wag" Wala kong ganang sagot sabay naunang nag lakad

"Sungit" Bulong nito at tsaka ako sinundan

Ilang minuto pa ay nakarating na kame sa sakayan ng jeep at sumakay na para makauwi.

___

"Salamat Nate ma-una na ako" Pag paalam ko dito at pumasok na sa loob ng bahay

Tinanaw ko sa bintana si Nate habang nag lalakad na palayo dahil hindi naman kalayuan ang bahay ni Nate mula saamin.

"Anak kumain ka na, mukhang pagod ka galing school" Sambit ni mama na palabas ng kusina

"Sige po ma mag bibihis lang po muna ako" Agad akong dumiretso sa kwarto ko at nag bihis

Pag baba ko ay kumain na agad ako at nang matapos ako ay nag hugas agad ako ng plato at binuksan ko ang cellphone ko.

~Bwiset Na Aethan~

Aethan:
Nasaan ka?

May na recieve akong text galing kay Aethan sinave ko na number nya nung huling text nya saken, ganda ng name diba? HAHAHAHA

Me:
Kakauwi ko lang, baket?

Aethan:
Susunduin ulit kita bukas wag ka mag sayang ng pamasahe, kung san kita sinundo dun kita hihintayin

Me:
Sige ikaw ang bahala.

Hindi na sya nag reply at nag pahinga na ako.

Sinamahan ko si mama sa palengke
Time check 5:40 na ng hapon.
Nag ikot ikot lang kame at namili ng ulam, ilang oras lang ay natapos na kami at nakauwi na.

"Anak ikaw na ang mag luto dyan sa baboy, adobohin mo nalang" Utos ni mama at agad naman akong sumunod

Nang matapos ako mag luto ay ako na rin ang nag hugas ng mga plato ilang minuto matapos kong gawin ang lahat ng aking gawain ay natulog na din ako

___________

Huwebes

Aethan's POV

Maaga akong nagising at ngayon ay nandito ako kung saan ko sinundo si Ellise nung nakaraan. Ilang minuto lang ay natanaw ko na si Ellise at tsaka sinenyasan ito na sumakay.

"Kailangan ba talaga na sunduin mo pa ako?" Bungad nito saakin

Hindi ko sya sinagot at pinaandar ko ng matulin ang sasakyan.

"Bagalan mo naman!" Sigaw nito saakin dahilan para bagalan yung takbo ng sasakyan

Walang kaming kibo sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating sa eskwelahan, pinark ko yung sasakyan ko at tsaka sinenyasan si Ellise na ngumiti.

"Kailangan ba talaga natin to gawin?" Tanong nito muli

"Sabayan mo nalang yung gagawin ko okay? Stop asking" Medyong iritado kong sagot

Tumango nalang sya at bumaba sa sasakyan, hinawakan ko ang kamay ni Ellise sa harap ng maraming tao at dirediretsong nag lakad.

"Aethan?" Napihinto ako ng marinig ang boses na yon

"Hey, Queen" Tama nga ako si Queen nandito na sya ulit sa pilipinas

Nagulat ako ng biglang bumulong si Ellise saakin.

"Sya ba yung Queen na sinasabe mo?" Bulong nito

Nginitian ko nalang sya at tsaka tumango.

"If you don't mind nag mamadali kase kame ng girlfriend ko, see you" Nakita ko ang reaksyon sa mukha ni Queen bago kame tuluyang umalis ni Ellise

Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang bumitaw sa hawak si Ellise.

"Teka nga lang, bakit ba kailangan natin tong gawin? Mukha namang mabait si Queen ah?" Tanong ni Ellise, she literally don't know what's going on

"Mukha lang mabait yon, did you know that she cheated on me, three times?" Kitang kita ko yung gulat sa mukha ni Ellise nang sabihin ko yon

"Mukha lang pala, sige na papasok na ako pumunta ka na rin sa room nyo and wala ng tao di na natin kailangan maging sweet" Biglang sabi ni Ellise at tsaka nag lakad ito palayo

Hindi muna ako dumiretso sa room dahil hinanap ko muna si Lee, si Lee ang bestfriend ko since childhood.

"Hey bro!" Sigaw ko ng makita ko si Lee sa garden

"Uy bro!" Sigaw nito pabalik

"Balita ko nandito na yung ex girlfriend mong cheater HAHAHA!" Bungad agad ng loko saakin

"Baliw ka talaga, oo andito na yon and dapat lang sya mag ready"

"Hahabulin at hahabulin ka non hindi ka titigilan non" Sambit ni Lee habang ngumigisi pa

"Alam ko bro kaya nga nandyan si Ellise para tulungan ako" Sabi ko dito at tsaka tumayo para dumiretso na sa room

----------------------------------------

Ngayon nalang ulit
nakapag update!!

I Hate You Means I Love You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon