Chapter 7

13 0 2
                                    

IHYMILY

Sungit

Ellise's POV

Kakaalis lang namin galing parking lot kung saan namin nakita si Queen.

"Bitaw" Malalim na pagkasabi ni Aethan

Oo nga pala nakahawak pa ako sa kamay nya agad ko namang binitawan yon.

"Dadaanan ko lang si Lee saglit then ihahatid na kita sainyo" Sabi nya tsaka pinaandar yung kotse

Wala akong magawa kaya medyo nag daldal ako kay Aethan, medyo lang.

"Ano to?" Tanong ko sabay turo sa pa box sa baba ng aircon

Hindi sya sumagot tila may kausap akong bato at dahil ayaw nya sumagot kaya akma ko sanang bubuksan yon.

"Baril yan ni tito" Hindi ko na naituloy yung pag bukas dahil sa sinabi nya

"Bat lagi mo dala yon?" Tanong ko ulit

"Bakit andami mong tanong? Can you please shut your mouth" Masungit nitong pag kasabi


Ang sungit sungit may dalawa ka ba? Ewan ko ba sa lalaking to, ilang minuto ay nakarating kame sa tila ba tambayan nila meron doong 4 na lalaki yung isa kulay asul yung buhok.


"Lee!" Pag tawag ni Aethan, agad naman lumapit yung Lee saamin and nag usap lang sila saglit


Kinalikot ko muna yung kotse ni Aethan pero hindi pa ako makuntento kaya tinignan ko pa yung ibang sasakyan na nakaparada doon.


"Antagal naman mag usap" Bulong ko sa sarili ko

At sa hindi malamang dahilan bigla akong natapilok at napasandal sa isang sasakyan dahilan para tumunog ito.

"Aray!" Mahina kong sigaw


Nakita ko agad na tinitingnan ako ni Aethan.


"Pinaglihi ka ba ni manang sa katangahan?" Sumusobra na talaga yung ugali ng lalaking yan!

"Patulong naman hindi ko mahakbang paa ko" Pag hingi ko ng tulong kay Aethan, ngunit parang may kausap nanaman akong bato at iniwan lang akong nakatayo dito

Agad akong nilapitan ng lalaking kulay asul yung buhok at inalalayan ako sa kotse ni Aethan at pinaupo.

"Salamat" Sambit ko at tumango lang sya at bumalik sa kinauupuan kanina

Gwapo sya at matangkad bumagay sakanya ang asul na buhok nya.


Hindi nag tagal ay sumakay na din si Aethan sa sasakyan at pinaandar ito at ilang minuto ay nakarating kame sa bahay.


Tatayo na sana ako pero bigla akong napaupo dahil sa sakit ng paa ko.


I Hate You Means I Love You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon