Chapter 12

12 0 0
                                    

IHYMILY

Thankful

Ellise's POV

Malapit na mag uwian at nauna si Nate umuwi dahil may pustahan sila sa basketball.

"Ellise!" Pag tawag saakin ni Aethan

Lumapit ako sakanya dahil sinenyasan nya akong lumapit, nakasandal sya sa sasakyan nya at nang makalapit ako ay pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Aethan!" Sigaw ng isang babae at nang tinanaw namin ito ay nakita namin si Queen

"Please let's talk!" Mukha itong lasing, hindi ata sya pumasok dahil hindi naman sya naka uniporme

Muntik na itong madapa pero sinalo agad sya ni Aethan.

Pinaupo ni Aethan si Queen sa passenger seat at ako naman ay nanahimik lang sa shotgun seat.

"Hey b*tch!" Sigaw ni Queen, halata mo sa boses nya na lasing talaga sya

"Alam mo ba? Na ikaw yung dahilan kung bakit di ko na makuha si Aethan!?" Galit nitong tanong saakin

The hell? Bat ako? Nako kung hindi nga lang sya lasing baka pinatulan ko na 'to!

Maya maya pa ay nakatulog na si Queen and nauna na namin syang inihatid sa bahay nila.

"Wake up" Pag gising ni Aethan habang tinutulungan itong makabangon

Nagulat ako nang biglang hatakin papalapit ni Queen si Aethan at tuluyan s'yang hinalikan.

"Stop!" At mahinang naitulak ni Aethan si Queen

Hindi ako makapaniwala at nag panggap nalang na parang walang nangyari.

Nang makapasok na sa loob si Queen ay umalis na kami ni Aethan.

"Pwede bang wag ka muna umuwi?"  Sambit ni Aethan habang nag mamaneho

"Why?"

"Chill muna tayo sa favorite place ko"
Tatanggi sana ako pero muli s'yang nag salita

"I hate rejections"

Hinayaan ko nalang si Aethan dahil alam ko na hindi ko ikakapahamak ang pag sama sakanya.

****

"We're here" Ani ni Aethan at tsaka ito naunang bumaba

Agad akong sumunod at tsaka tinanaw ang magandang view palubog na ang araw at sabay naming pinanood yon ni Aethan.

"Peaceful" Sabi nito at lumanghap ng sariwang hangin

"Mas pogi ka kapag hindi ka galit" Kita ko naman ang pag babago ng ekspresyon ng mukha ni Aethan

"Pinagsasabi mo? Tara na nga"

Nauna s'yang pumasok sa sasakyan at tsaka ako sumunod.

Sa totoo lang mas maganda tingnan kapag kalmado lang si Aethan.

"Thank you"

Napatitig naman ako sakanya dahil ngayon ko lang siyang narinig mag pasalamat.

"Para saan?"

"Wala basta thankful ako" At tsaka itinuloy ang pag mamaneho

Maya maya pa ay naka receive ako ng text message galing kay Mama.

~Mama~

Mama: Anak, mag grocery ka muna dahil walang laman yung ref natin.

Me: opo.

"Aethan? Pwede mo ba ako ibaba sa grocery store?"

"Sure, intayin na din kita"

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa grocery store at ako naman ay namili ng mga pagkain at sabon.

Pag kabalik ko sa sasakyan ay ibinigay ko kay Aethan yung inumin na binili ko, ngumiti ito at muling nag maneho.

***

Nang makarating kami sa bahay ay agad na akong nag paalam kay Aethan, nag ligpit ako sandali at nang matapos ay inilabas ang aking mga libro at tsaka nag review.

Last quiz na namin bukas and finally graduate na sila Aethan at kami naman ay mag sisilbing seniors sa school, kailangan ko 'to maipasa dahil marami akong pangarap para saaming dalawa ni mama.

Habang nag rereview ako bigla akong nakarecieve ng text

~Aethan~

Aethan: Goodluck sa exam bukas!!

Me: thank you! You too!

Sinara ko na yung phone ko at muling nag review.

Di ko na keri sobrang i-stress ko na kaka-review sana naman may pumasok sa utak ko kahit papano, bumaba ako sandali para kumuha ng makakain dahil sobrang pagod na ako kaka-review.

Maya maya lang ay tumunog nanaman yung phone ko

~Aethan~

Aethan: kung nahihirapan ka sa Differential Equations

Aethan sent a photo.

Me: Super thank you!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Me: Super thank you!

Aethan: welcome💜


Helpful din pala 'tong si Aethan. Nag simula na ulit akong mag review hanggang sa antukin ako.

***

Morning

Maaga pa para exam nag linis muna ako at nag handa ng almusal ko. Time check 7:45 at 8:30 pa naman yung pasok ko kaya may oras pa.

Naligo ako at tsaka nag ayos and as usual iintayin ko dito si Aethan.

Nireview ko ng pa ulit ulit yung mga lessons hanggang sa bumusina si Aethan and patuloy lang ako sa pag rereview kahit na nasa loob na ako ng sasakyan.

"Still studying?" Tanong ni Aethan at tsaka pinaandar ang kotse

"Ayoko talaga bumagsak"

"Nice"

"Ikaw bat parang chill ka lang?"

Parang hindi man lang kinakabahan si Aethan, ni hindi man lang ata 'to nag review.

"Don't worry about me" Sabi nito at tsaka ngumiti

Nakakapressure pa din kahit na nakapag review na ako.

Hindi nag tagal habang nag rereview ako ay nakarating na kami sa school.

"Goodluck" Bulong nito saakin bago humiwalay ng daan

"Uy!" Sigaw saakin ni Nate

"Hoy nakapag review ka ba?" Tanong ko dito

"Oo naman ay nako! Ayoko na bumagsak"

Buti naman at nag aaral na 'tong mokong na ito at hindi na ako mahihirapan kaka explain sakanya.



--------------------------------------
Fighting!!💜

Hahabaan ko na
next UD ko

I Hate You Means I Love You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon