Chapter 30

127 4 7
                                    

Errors ahead

Chapter 30
Fraternity



"Wala akong alam sa mga sinasabi mo!"


"Then, you should know." Ngumisi ito na nakapagpadulot sa akin ng kaba.


"I know you are part of that group right now. Look at you." Isinenyas niya ang kamay niya mula sa ulo ko pababa.


Pinagmasdan ko ang suot kong uniporme. Isa lamang itong simpleng uniporme anong mali rito? It's just the pin and the blouse, the skirt. Navy blue na above the knee skirt. White long sleeve blouse na may ribbon necktie na kulay navy blue rin. Nasa kaliwang bahagi nito nakalagay ang pin at ang logo na rosas.


"It should be USF not a logo of that fucking black rose." Nandilim ang paningin nito nang makita niya ang rosas na itim. Agad may nabuong konklusyon sa utak ko.


Miyembro ba nito 'yung nagbigay sa akin noon ng itim na rosas? O sila ba 'yung nang-kidnap sa akin dati? Then what's the meaning of this Black Rose? Sindikato ba ito? Pinasok ba ako ng magulang ko rito? Parte ba ako ng sindikato na 'yun?


Ang dami-daming pumapasok sa utak ko. Ang gulo, ang gulo-gulo na ng buhay ko.


"Nang pinasok ka nila rito, gumulo na talaga ang buhay mo, Xieryl." Tila ba nabasa niya ang lahat ng nasa utak ko. Naningkit ang mga mata ko.


"How did you know my second name?" Pinagsalubong ko ang mga kilay ko.


"Hmm...Easy. Hindi naman mahirap hanapin 'yung background mo Wilson. Nabigla ka ba? Hindi ba't dati naman na akong nagmamasid sayo." Pagak itong tumawa.


"So it was you."


"Yes. Paano mo nga ba makakalimutan itong kulay abo kong buhok hindi ba?"


"Kung ganon? Bakit sa tuwing lalapitan kita ay aalis ka kaagad?"


"Bakit gusto mo pa ba akong makasama?"


"No, she don't want." Agad na sumulpot sa tabi ko si Tuazon. 


Muli ako nitong inakbayan at bahagyang pinakadiinan ang pagpisil sa balikat ko at binigyan ng may kasalanan ka pa sa akin look. Agad natahimik si Khai sa biglaang pagdating ni Tuazon.


"T-tyler?" Nauutal at tila kinakabahang bigkas nito sa pangalan ni Tuazon.


"Yes, ako nga. Long time noo see, brother."


Brother?


Agad akong napatingin sa buhok nilang dalawa. Kay Khai lang ang gray habang brown na ang kay Tuazon.

The Badass Girl in Boys Town | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon