🎩 Chapter 1: The Adventure

2 0 0
                                    


                 Uwi ka na raw. Tama na kakalakwatsa. May utos si Lolo.

           Napabuntong hininga ako nang mabasa ang text na ipinadala sa akin ni Kuya. Ang akala ko pa naman ay masosolo ko ang araw na 'to pagkatapos kong pagurin ang sarili ko kakaaral sa naging exam namin the whole week. Last na exam na kasi namin yon as 2-year-course college students kaya hindi pwedeng hindi seryosohin. Mahirap na at baka mapunit pa yung diploma.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang entabladong nasa harapan ko. Hindi pa rin tapos yung trick pero wala naman akong ibang choice kung hindi umuwi nalang. Iba rin kasi trip ni Lolo sa buhay, tsk.

Nandito ako ngayon sa isang circus para sana magliwaliw. Hindi ko naman din masasabing sayang ang pagpunta ko dito dahil marami na rin naman akong napanood at pangalawa nalang sa panghuli ang magic performance na 'to. Ewan ko ba. Palagi ko nalang nakikita ang sarili kong nagpapabalik-balik sa circus kahit na wala naman akong napapala productively. Tanging sense of peace lang yata ang nakukuha ko dito, pati na rin sa kagustuhan kong pansamantalang tumakas sa mundo. Isa rin naman akong magician kaso iba pa rin ang feeling kapag nakakakita ka ng mga taong sa tingin mo ay katulad mo.

Isinakbit ko na ang bag ko at nagpa-excuse sa mga taong nanonood habang tinatahak ko ang daan palabas sa theatre. Hindi ganoon karami ang nanonood pero masasabi mo na ring halos napuno na nang mga audience ang lugar. Hindi araw-araw bukas ang circus kaya tinyempohan ko talaga itong puntahan nang malaman ko ang naging schedule nila.

Pagkalabas ko sa buong lugar kung saan nakapwesto ang circus, napag-isipan kong magtricycle nalang para isahan nalang ang byahe, kaysa kapag nag-jeep pa ako, mura nga pero tatlong beses ko pang kailangan sumakay ng jeep para makauwi. Isa pa, marami pa naman natirang pera sa wallet ko dahil halos di ko naman nalibot ang kabuuan ng circus. Well, balak ko sana kaso biglang nag-text si Kuya.

Pagkarating ko sa bahay, naabutan ko si Kuya sa may terrace at as usual, kinakalikot na naman niya ang laptop niya. Tatanungin ko sana siya kung alam ba niya kung anong sasabihin ni Lolo kaso bago ko pa magawa yun ay sinara na niya ang laptop niya at tumayo.

"Asa likod si Lolo. Kanina ka pa pinapauwi." Saka pa ito ang naunang pumasok sa'kin sa loob. Anong problema nun? Parang iba ata kinikilos ngayon, ah.

Napailing na lamang ako at pumasok muna sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagkarating ko sa likod ng bahay, nandoon nga si Lolo at nagp-paint. Nung sinabi ko sa inyong iba ang trip ni Lolo, hindi ako nagbibiro. Katulad nalang ngayon. Gabing-gabi na at sobrang dilim pero nandito pa rin siya at nagp-paint.

"Lolo, oras na po, ah?" Tanong ko para na rin malaman niya na nakauwi na ako.

"Finishing touches nalang tapos ay titigil na ako." Sagot naman nito habang nasa painting pa rin ang atensyon. Nang maobserbahan ko ang ginagawa niya, nakumpirma ko ngang final touches nalang ang dinadagdag nito. Maliban sa puro paint na ang nasa damit niya ay napansin ko ring isang protective na bagay na hindi ko alam ang tawag nalang ang inilalagay niya doon.

Napatigil naman ito saglit at napasulyap sa akin, "Ah, oo nga pala. May tumawag sa akin kanina at pinapabigay sayo 'yang envelope na 'yan," sabay turo sa isang kulay cyan na envelope na nakapatong sa mesa, malayo nang kaunti kung nasaan ang mga gamit ni Lolo.

Kinuha ko naman ito kaagad at binasa muna ang nakasulat sa mismong envelope. Infairness, ah, mukhang mamahalin pa 'tong envelope na 'to. Halatang-halata base sa kapal at paraan ng pagkintab nito.

Inteleonna. Nakasulat sa pinakagitnang bahagi ng envelope. Sa ilalim naman nito ay ang address ng bahay namin pero ang weird lang dahil wala nang ibang nakasulat na address after non. Saang lugar ba nanggaling 'to?

Journey to Inteleonna: A Magician's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon