🎩 Chapter 2: Inteleonna

4 0 0
                                    


           Let me be honest with you. When I first read the word Inteleonna, none of these has ever entered my mind. Siguro nga ay naweirduhan ako sa pangalan dahil, first, ngayon ko lang ito narinig. Second, masyadong maraming loopholes yung letter para maintindihan ko lang mag-isa. Nakapagpadagdag pa sa hinala ko ay yung mga naging reaksyon at paliwanag nina Kuya at Lolo.

Noong nasa gubat ako, naisip ko nalang na baka isang organization nga for indigenous people ang lugar na yon dahil nga sabi ni Lolo, tago ito at hindi alam ng lahat. Pero weird pa rin dahil kailangan ba talagang sabihin muna ang salitang "sai dove" na hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin? But all the possibilities I have come to think of disappeared when I saw what's under the door.

Masyado nang malayo sa hinagap ko ang mga nakikita ko ngayon.

Some of you might wonder, weird ba talaga ang tingin ko dito? When all of my life, I've been living with weird things around me. Not completely weird, pero siguro, masasabi kong unusual kumpara sa buhay ng iba. Kakaibang mabuhay na puro magic lang ang gustong matutunan, panonood lang ng circus ang tanging kasiyahan, at mamuhay ng detached sa mga tao. Bata pa lang ako, alam ko nang hindi ako kapareho ng iba. Kahit dati pa naman nasa akin na yung pakiramdam na yon. Wala naman akong ibang mapagtanungan dahil 'di ko kasama parents ko. Ang alam ko nagt-trabaho sila abroad kaya naiwan kami sa pangangalaga ni Lolo.

But as I watch my reflection at the window, unti-unti na namang bumabalik sa isip ko ang lahat ng mga nakita ko ngayon-ngayon lang. This whole trip is really something. Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon pero may tiwala naman ako sa direction na ibinigay ni Lolo sa akin.

Atsaka mukhang safe naman dahil marami ring tao ang pasahero ng tren na 'to. Kanina pa ako kating-kati na magtanong tungkol sa lahat ng mga nakita ko pero natatakot ako, lalo na't hindi ko naman sila kakilala. Tandang-tanda ko pa lahat ng dinanas at nasaksihan ko para lang marating ko 'to. Pakiramdam ko marami pa akong dapat ikagulat.

Mahigit isang oras na rin ang nakalipas simula nang umandar ang tren pero hanggang ngayon ay patigil-tigil pa rin ito. Nang tignan ko kung bakit, nagsasakay pa pala sila ng pasahero, lalo na kapag napupunta kami sa mga lugar katulad kung saan ko nakita 'tong tren na 'to.

Grabe nga, eh, ang dami pa palang stations, and to think na sa ilalim 'to ng bundok? Wow. Ansabe ng gobyerno dito?

Isa pa, mukhang iisang lugar lang din naman yung patutunguhan namin kaya lalong lumakas ang loob ko.

Unconsciously, napatingin ako sa singsing na ipinasuot ni Lolo.

"Hay, ano na naman kayang mangyayari mamaya?" Bulong ko sa sarili.

Para naman malibang ko ang sarili ko, napagdesisyunan kong ilabas ang mga cards ko at maglaro. Cards. Iisipin siguro ng iba na masyado nang laos ang mga card tricks pero para sa akin, nasa magician yon kung paano niya gagamitin ang mga ito and even though it's the most used thing, cards are still cards. A tool for winning and losing, a tool for entertaining, and a tool for magic. Real magic. Not just for tricks, but also for whole blown performances.

Binalasa ko ang mga cards, inayos at pinagsama-sama. Hinagis ko ito sa ere kung saan sila nagkawatak-watak. Bago pa ang mga ito isa-isang mahulog, bumalik ang mga ito sa dating ayos at nahulog sa kamay ko nang isahan. Napangiti ako.

Magic is power. If you know you can do it, things will go as what you assumed and planned. You do not follow tricks. It is not a step by step process that you can learn in a single sitting, but a process of simply understanding all of them beyond their given explanation. The tricks follow you.

Ganun lang ang ginawa ko pampalipas ng boredom. Wala naman kasi akong pwedeng kausapin katulad ng mga kasabayan ko rito na ang iba ay kasama yata ang mga kaibigan nila, anak, o mga kapamilya. Wala rin akong katabi at pinili kong dito nalang maupo sa may bandang likod para hindi ako ma-out of place.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Journey to Inteleonna: A Magician's AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon