(3)

31 17 1
                                    

Chapter 3: Surprise!


Nagising ako nang makaramdam ng sobrang init. Agad akong bumangon sa kama para tignan ang electric fan na ngayon ay nakapatay na.






"Brown out?" napatanong ko sa sarili. Alas otso palang ng umaga pero sobrang init na! Ano 'to summer? Tsk!







Tumayo na ako atsaka kinuha ang towel na naka-hanger sa may cabinet. Simula bata pa ako ay gawain ko ng maligo ng maaga, ayaw ko kasing malipasan ng ligo dahil maingat ako sa sarili at katawan.







I took a quick shower bago lumabas ng banyo.







Wearing a black t-shirt paired with sweat pants dali-dali kong sinuot ang adilette slippers ko bago lumabas ng kwarto.








Naabutan ko sa baba sila Mama na abala sa pagluto ng handa para sa Noche Buena mamaya. Lumapit ako sa ref para kumuha ng chips. Sa totoo lang, I don't really like to eat rice every morning, kahit may kasabihan pa na 'Breakfast is the important meal'









"Eya, paki abutan nga ako ng kutsilyo." nilingon ko si Tita Joy bago tumango. I took the knife from its container bago inabot kay Tita na busy sa paghalo ng itlog sa mangkok.










"Nga pala, magpasama ka kay Annie. Kunin niyo 'yung inorder kong puto doon kila Ate Neneng. Sa may tabi lang ng plaza ang bahay nila." dagdag pa nito.










Tumango ako ulit. "Okay po."








"Bayad na 'yon ha!" pahabol pa nito.





Pumunta na ako sa sala kung saan naga-TikTok ang dalawa kong pinsang babae.






"Annie, samahan mo daw akong kumuha ng puto sabi ni Tita."








Hindi niya ako pinansin dahil sumasayaw pa sila. I sighed. Humalukipkip ako at tinignan silang mabuti. Luh? Parang mga tanga 'to. Naka suot sila ng croptop, bahagya pang nakataas ang mga short shorts nila. Tsk! Lagot talaga ang mga 'to kapag nakita sila ni Lola.







"Ate, ikaw nalang kumuha. Alam mo naman 'yung bahay nun diba?"






I raised my brow. Aba't!







Pumikit ako ng mariin. Kalma ka lang bhie. Bata ang mga 'yan.






Huminga ako ng malalim bago padabog na lumabas ng bahay. Kahit may pagka-tahimik ako (minsan o lagi) ma-attitude din ako no!







Napakamot ako sa ulo habang nakatayo sa isang kulay orange na bahay. Ito na ba 'yun? Ang sabi kasi ni Tita nasa may tabi lang ng plaza ang bahay nila, e itong lang ang katabi ng plaza.








"Tao po!" sigaw ko. Agad akong napaatras sa gulat nang may tumahol na aso sa may gate nila. Buti nalang at nakatali ito. "Tao po!" ulit ko pa, kinakabahan. Takot kasi talaga ako sa aso. Good thing at may lumabas ng matandang babae.








"Ano iyon?" tanong nito sa akin, nakangiti. Ako naman ay umiisip pa ng sasabihin. "Uhm... Si Ate Neneng po, nag-order po kasi si Tita ng puto sa kaniya." sagot ko habang iniiwasan ang ma-eye to eye contact siya.







"Ay! Ikaw ba ang apo ni Kumare Lina? Osiya, pasok ka muna. Hindi pa kasi tapos magbalot si Neneng." binuksan nito ang gate kaya mas lalong tumahol ang nakataling aso. "Pasok ka, iha. Hindi 'yan siya nangangagat." sabi pa nito sa akin. Pilit akong ngumiti bago tinignan ang asong galit na galit.








Hindi ko maiwasang mamangha sa bahay nila. Simple lang ito sa labas pero pagpasok mo sa loob ay sobrang ganda.






"Upo ka muna," she said, pointing the sofa before going straight to the kitchen.







Nahihiyang ngumiti ako bago umupo sa sofa nila. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Maraming nakasabit na certificate sa pader habang nakalagay ito sa frame. May ilan ding medals at mga trophies na nakalagay sa isang cabinet.






Napatingin ako sa hawak na cellphone nang sunod-sunod itong nag-vibrate. Kumunot ang noo ko sa nabasang mensahe galing sa isang unknown number.



From: +63********

(12) 2>5/ 1-3:5 (1*13)



Huh? Ano daw? Tinitigan ko pa 'yong mabuti pero agad ding nabaling ang tingin sa may kusina nang lumabas ang babaeng nasa mid-30s, naka-suot ito ng daster at may bitbit na isang malaking bilao.





Ngumiti siya nang makalapit. "Ikaw na ba si Eya? Dalaga ka na, ah!" she commented, inabot niya sa akin ang bilao na agad kong kinuha. Tanging ngiti lang ang iginawad ko atsaka tumayo.




"Ah, opo ako na po 'yun." I smiled again. "Thank you nga po pala dito." itinaas ko ang hawak na bilao. She just nodded before accompany me to their gate.




Nakatulala lang ako habang naglalakad. Nagtataka pa rin ako doon sa message. Ano kaya 'yun? Baka wrong send lang.




I shrugged my shoulder and ignore all the kids na naga-catcall sa akin.





Ramdam ko ang pawis nang makarating sa bahay. I also frowned because we seemed to have a visitor.





Dumiretso ako sa kusina para ibigay ang bilao kay Tita pero si Mama ang naabutan ko doon.






"Ma, oh," inilapag ko sa lamesa ang bilao. "Sino pala 'yung bisita sa sala?" tanong ko.





Napahinto si Mama sa paghiwa ng karne. "Girlfriend ng kuya mo," sagot nito na nagpakunot ng noo ko. Girlfriend?





I immediately ran to the living room. Muntik narin akong madulas dahil sa natapakang tela.






Tuluyan ng gumuho ang mundo ko sa nakita. Wtf?! Anong ginagawa niya dito? I thought?








"Eya!" nakangiting lumapit si Ate Angel sa akin at mahigpit akong niyakap. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan at nanatiling gulat. "Kumusta ka na?"








I did not answer her because no word seemed to come out of my mouth, and still... can't believe what is happening now.








'Yung totoo... Prank ba 'to?

Living In A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon