(5)

40 16 7
                                    

Chapter 5: Chad

I was still crying while looking out the bus window.

It's already 6:47 in the morning. Pinagmamasdan ko ang sumikat na araw pati narin ang mga bundok na aming nadadaanan. Luckily may nakita akong bus kanina na walang masyadong pasahero. Noong una ayaw pa nila akong pasakayin dahil nga sa itsura ko na sobrang dungis, pero buti nalang at napapayag ko sila.


"Kuya, s-sige na po. Magbabayad po ako kahit ilan, p-pasakayin niyo lang ako." I begged and cried habang diretsang nakatingin sa driver ng bus na kasalukuyang nakatingin din sa akin. I don't care if mag mukha na ako ditong tanga o baliw.


"Bakit kasi ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ng konduktor kaya agad kong binaling ang tingin sa kaniya.

"Uhm... Nadulas po kasi ako sa putikan kanina." paliwanag ko which is true. Hindi ko kasi makita ang daan kanina dahil masyado pang madilim at hindi pa gumagana ang flashlight ng phone ko. Muntik na rin nga akong makatapak ng tae ng kalabaw.


Ilang segundo silang nakatingin sa akin bago sunod-sunod na tumango. Napatalon ako sa tuwa bago sumakay.

Hindi ko alam kung ilang oras ang naging biyahe basta pagkarating na pagkarating ko sa Puerto ay agad akong bumili ng ticket papuntang Manila. Buti nalang at may tinitindang mga damit sa barkong aking nasakyan kaya mabilis lang akong nakapagpalit.

Kasalukuyan akong nakahiga habang inaalala ang mga nangyari kanina. From the gunshots to the corpses lying in the living room.

"Oh my gosh!" napatili ako habang nakatingin sa bangkay ni Mama na nakahandusay sa may sahig. May butas ang ulo nito tanda na binaril siya doon. Napaluhod ako sa sahig dahil sa nasaksihan. Hindi ko akalain na mangyayari iyon sa ganitong edad ko.

Nanginginig kong nilapitan si mama.


"M-ma?... g-gising, ma..." dahan-dahan kong hinaplos ang mukha ni mama. "Ma... please... H-hindi ko k-kaya..." mahinang bulong ko. Napayuko ako at parang nag-flashback sa akin lahat ng mga ala-alang kasama ko si Mama, pati narin si Papa. 'Yung mga panahong masaya pa kami kahit maraming problema.

"Mama naman... 'Wag mo 'kong iwan..." inalog-alog ko siya, umaasang magigising ito at sasabihin sa aking hindi totoo ang lahat.

Gusto kong maglaho. Para bang wala ng silbi ang buhay ko dahil nawala na sa akin ang mga taong importante sa buhay ko.

How? Papaano ako mabubuhay kung wala na si Mama. Papaano ako mabubuhay kung pakiramdam ko ay nag-iisa nalang ako ngayon?

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo na naman. Maybe that's my karma because of my ugly attitude. Huminga ako ng malalim bago tumayo at binuksan ang aking bag na walang gaanong laman, tanging ang maruming damit at wallet lang. Kinuha ko ang aking wallet na ngayon ay mayroon nalang bente mil. I tried to withdraw earlier but it was said that my credit cards were no longer valid.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa pagtungtong sa Manila. I also don't know much about its places because I was only a child when I last came here. Good thing at may napagtanungan ako kung paano sumakay papuntang Taguig City.

When I arrived in Upper Bicutan I immediately found an apartment to live in. Namasukan din ako bilang cashier sa 7-Eleven para makapag-ipon ng tuition fee sa papasukang Unibersidad. But it also became difficult to me dahil hindi ko pa alam sa Manila.

I smiled as I watched the setting sun. Ang malamig na hangin ay patuloy na umiihip sa maikli kong buhok. This is the day I will witness the sunset. Tatlong taon na ang lumipas pero walang araw na hindi ko naaalala ang nakakatakot na aking naranasan. Pero siguro nga 'Everything happens for a reason.'


I took the phone out of my pocket when it rangs. Agad ko 'yong sinagot nang makitang tumatawag ang kaibigan ko.

"Hello? Bakit?"

[Eya, sama ka milktea tayo ngayon?] bungad na tanong ni Jasmine sa kabilang linya. Tumawa ako bago ulit nagsalita.

"Sige! Saan ba?"

[Sa may tabi lang ng University. Nandito na kaming lima, ikaw nalang kulang.]

"Wow! Okay, sige. OTW na." binaba ko na ang tawag bago mabilis na ininom ang kape na ngayon ay malamig na. Nag-suot lang ako ng jacket bago kinuha ang sling bag kong itim.

Saktong paglabas ko ay agad kong nakasalubong ang landlady.

"Oh, iha. May naghahanap pala sa 'yo kanina sa labas, pero agad din namang umalis." sabi nito sa akin.

I frowned. "Sino daw ho sila?"


"Hindi nagpakilala, e. Basta marami sila."

"Ah, ganun po ba. Baka po classmate ko lang." ngumiti ako kay manang bago nagpalaam na aalis na. Mabilis lang akong sumakay ng tricycle dahil buti nalang at may dumaan agad.



"Hoy, babae. Kanina ka pa tulala diyan. Okay ka lang?" kinalabit ako ni Mica. Kararating ko lang at medyo lutang pa.


Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Ha?" tanong ko. 

"Hatdog!" Nicole and Dominique both said and laughed. I rolled my eyes at umiwas nalang ng tingin. 


"Attitude nito!" turo sa akin ni Jasmine kaya sunod-sunod na tumango si Nicole.


"Porke't birthday niya na bukas."

I tsked at hindi nalang sila pinasin.

"Oo nga pala, anong plano mo tommorow?" tanong naman ni Faye.


Umiling lang ako bilang sagot bago uminom sa hawak na milktea.




"Sleepover kaya tayo," Jasmine suggested na sinag-ayunan ng lahat. Umiling ulit ako. "May duty ako bukas," sabi ko pa.


"Ngi, ang KJ naman nito! Hindi ka na nga sumasama sa mga gala natin."

I laughed sarcastically. "Sa susunod na linggo nalang ako babawi. Busy pa kasi ako ngayon, sunod-sunod ang exam namin." paliwanag ko pa. Umismid naman sila bago ako tinarayan. "Wow ha! Porke't tapos na mga exam niyo."

"Dapat kasi nag-tourism ka nalang." Mica said kaya tumango na naman sila.

"E, kung nag-tourism si Eya, hindi niya makikilala si Ross." Nicole added kaya inasar na naman nila ako.

I rolled my eyes and flipped my hair. "Duh! Friend ko lang 'yun, I mean seatmate pala." tumawa ako.



Ilang oras pa kaming nag-kwentuhan bago napagpasyahang umuwi na. Hinatid kami ni Mica dahil siya ang may kotse sa amin.

"Thank you! Ingat!" sabi ko bago sinara ang pintuan ng kotse at bahagyang kumaway. Sobrang sakit ng tiyan ko sa ininom na milktea. Feel ko nga masusuka na ako anumang oras.

Nagmamadali kong kinuha sa bulsa ng bag ang susi ng apartment dahil naiihi na rin ako. Pero napahinto ako nang biglang bumukas ang pinto.

Gulat ko itong tinignan habang dahan-dahang pumasok. Binuksan ko ang switch ng ilaw pero hindi ito gumagana. Ang tanging may ilaw lang ngayon ay ang sa may kusina. Kinuha ko sa bag ang cellphone para sana tawagan ang mga kaibigan ko pero napatalon ako sa gulat nang bigla itong lumitaw sa ere.

Wtf?!

"Long time no see..."

Nabaling ang tingin ko sa lalaking lumabas sa kusina. May hawak itong mansanas habang dahan-dahang lumapit sa akin. Tatakbo na sana ako sa may pintuan pero agad itong sumara.

"Opss, not so fast." he said, laughing. My tears started to fall. I did not know what to do when he got close to me.

"It's been a while..." bulong niya sa akin.

My knees are trembling. Gusto kong sumigaw upang humingi ng tulong pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living In A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon