(2)

44 19 6
                                    

Chapter 2: Tattoo

Tahimik kong pinagmamasdan ang naga-guitarang si Kuya Ethan. Kasalukuyan kaming nasa living room kasama ang iba pa naming pinsan. Kaaalis lang din nina Mama at Tita para mamili ng pang-handa bukas.






I sighed. Kararating lang namin kahapon at medyo pagod pa ako sa naging biyahe.






Hindi ko alam kung bakit nakakapagtaka si Kuya ngayon. I admit. This passed day siya lang ang tinitignan ko, hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari kahapon lalong-lalo na nung nasa kotse kami.






"Kuya, are you sure na—"




"Oo nga! Ang kulit!" hinampas niya ang manibela ng sasakyan.







Wow ha! Ang OA naman nito masyado.






"Ba't ka galit?" pang-aasar kong tanong sa kaniya. I rolled my eyes at tumingin nalang sa bintana.








"E, kasi nga paulit ulit mo nalang 'yang tinatanong,"







Nye nye nye...




Hindi ko nalang siya pinansin at nanatiling nakatingin sa bintana. Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Sumandal ako sa upuan bago kinuha ang ukelele ko na nakalagay sa backseat.


Maka-tugtog nalang nga! Para hindi ma-bored. Ubos na kasi ang battery ng phone ko dahil hindi ko pala napatay 'yung mobile data kanina.




I started strumming the ukelele habang pumipili ng magandang tutugtugin.





Maybe, Kathang isip nalang by Ben&Ben.








I played the chord of C then G para sa intro.







"Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako...." mapait akong napangiti. "Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon..."







Ramdam ko ang mga tingin sa akin ni Kuya. Alam kong alam niya ang nagyari sa amin ni Cyrel, pero pinili niya ang manahimik.









Nilingon ko siya, agad naagaw ng pansin ko ang hikaw nito sa kanang tenga. Napahinto ako at maigi 'yong tinignan. Kailan pa siya nag-pa butas ng tenga? Sa pagkakaalam ko ay umalis kami kaninang wala siya hikaw doon. Okay... Ang strange lang sa feeling. Kasi pakiramdam ko hindi si Kuya ang kasama ko ngayon. But what if... siya nga. I shrugged at hindi nalang pinansin iyon.






"Ate Eya?"








Napabalik ako sa kasalukuyan at agad napalingon sa katabing si Eion.









"Ha? Bakit?" tanong ko, nagtataka.






Bahagya siyang lumapit sa tenga ko. "Alam niyo po 'yung larong STS?" bulong nito.






Kumunot ang noo ko bago umiling. STS? Parang familliar, parang narinig ko na kasi ito sa mga classmates ko nung grade 10.









"Ano ba 'yong STS?" tanong ko ulit. Wala kasi akong alam sa mga games na 'yan 'tsaka hindi naman ako mahilig maglaro.







"Summer time saga po," simple nitong sagot pero pabulong lang. "Gusto niyo po, i-share it ko sa inyo?"









Pilit akong ngumiti. "Sorry, pero low batt pa ako, e. Mamaya nalang." I said. Sunod-sunod naman siyang tumango.









Living In A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon