YASMIN.
Natapos ang lunch namin ng payapa. Agad bumalik sa classroom sina Wendy at sila Ken naman daw ay vacant ng isang oras kaya manonood daw muna siya ng practice namin. Si Justin lang ang wala dahil nga may klase kami.
Nang makarating sa gym, naupo muna kami sa bleachers dahil wala pa naman ang iba pati si Dion, wala pa. Nagla lunch pa yata.
"Kailan performance nyo, Yas?" tanong ni Pablo kaya natigilan ako at agad nag init ang pisngi ko.
Hoy po! Crush ko itong kumausap sa akin!
"Ehem..." tikhim ni Stell. Alam kong mang aasar na naman yan.
"S-sa Sabado na," sabi ko saka ngumiti
"Sabado? Nice, manonood kami," sabi nya saka ngumiti sa akin.
Oo, sa akin! Ngumiti si Pablo sa akin!
"Oo nga para may support ka, Yasmin pati si Annika. Para mainspired kayong sumayaw ng maayos," sabi ni Stell saka ngumiti. 'Yung ngiting nang-aasar.
"Ayos yon. Game ako!" sabi ni Josh at agad naman syang kinantyawan ni Stell. Si Stell lang talaga ang nag iingay ngayon.
"Yasmin, Annika, start na daw." Lumapit si Queenie at tinawag kami. Nahihiya pa syang bumaling kela Stell. Nako, kay Wendy na 'yan si Stell.
"Sige na, practice na kayo," sabi ni Ken kaya tumayo na kami ni Annika at pumunta sa gawi nila.
Alas singko ng hapon nang matapos kami. Nanghiram na lang ako ng notes sa mga kaklase ko para makopya at mapag-aralan ko sa bahay.
Naabutan ko sila sa may parking lot. Naroon na din si Wendy at Justin na sumalubong sa akin nang makita ako.
"Yasmin!" tawag ni Wendy.
"Bat hindi ka pa nauwi?" tanong ko.
"Nag aaya kasi itong si Justin. Punta daw tayo dun sa may bagong bukas na milk tea shop," sagot ni Wendy.
Bumaling muna ako kay Ken na tumango lang biglang hudyat na pumapayag sya. Bahala na. Kapag nagtanong si mama at papa kung bakit ginabi kami, si Ken na ang bahalang magpaliwanag.
"Nasaan si Annika?" tanong ni Josh bago luminga linga.
"Umuwi na sya," sagot ko.
"Aww. Better luck next time, dre," sabi ni Pablo habang tinatapik tapik yung balikat nya.
"Tara na," sabi ni Ken bago sumampa sa motor nya. Bumaling ako kela Stell para magtanong.
"Saan kayo sasakay?"
"Ah, may sasakyan si Pablo. Si Josh, may motor," sagot ni Stell.
Bumaling ako kay Wendy at ngumisi dahil sa naiisip ko.
"Justin, kay Josh ka na sumabay tapos si Wendy at Stell, kay Pablo sasabay," sabi ni Ken pero nagsalita ako.
"Hindi, mas maganda kung si Stell at Wendy sa motor ni Josh. Diba, sabi mo Stell, gusto mong magdrive ng motor?" tanong ko kaya kunot noo akong tiningnan nung tatlo. Si Josh, Pablo at Jah.
"Oo, gusto ko. Kaso, ayaw yatang ipahiram nito ni Josh. Brand new pa naman," sabi ni Stell kaya tiningnan ko si Josh.
"Matagal pa ba yan?" tanong ni Ken na nakaupo na sa motor nya.
"Sige na, Josh. Kapag pumayag ka, lalakad kita kay Annika," sabi ko sabay kindat. Agad umaliwalas ang mukha nya.
"Oh, tara na dre. Jah, sa kotse tayo ni Pablo. Ano pa bang inaantay niyo?" Natawa ako nang sya pa mismo ang humila kay Pablo at Jah papasok sa kotse.
BINABASA MO ANG
JUST FOR YOU | SB19 Ken ✓
FanfictionThey grew up together, spending half of their lives together. Yasmin and Ken already know each other, despite the fact that they aren't blood related. They both know and understand, even though they aren't talking. That's how close they are. But whe...