Chapter 4

1.6K 72 7
                                    

YASMIN.

"Sarap ba?" Sarkastikong tanong ni Josh kay Ken dahil walang tigil sa paglantak ng chicken ang kapatid ko. Nakailang balik rin siya sa counter at naka-ilang ulit sa pagbili.

"Yap, brother," sabi ni Ken. Napairap na lang ako saka uminom sa juice na nasa harap ko. Ang tagal kasing kumain ng kapatid ko kaya ayan, natagalan kami.

"Bro, ibalot mo na lang yan at sa classroom ka na kumain. Tagal mo," reklamo ni Pablo. Kumakamot pa siya ng ulo habang nakakunot noo. Cute.

"Wait lang bro, malapit na," sagot ni Ken na ikinairap ko.

"Yas, CR muna ako," sabi ni Wendy sakin. Lumingon ako sa kanya at tumango kaya tumayo sya at umalis.

"Saan siya pupunta?" Tanong ni Stell. Napangisi ako at agad silang nagtaka.

"CR lang daw?" sagot ko saka inubos yung fries. Inagaw naman ni Ken yung ketchup ng fries ko at nilagyan ang chicken nya.

"Bro, bilis!" Sabi ni Stell saka kumamot sa ulo nya. Naiinip na yan for sure.

"Malapit na," sagot ni Ken.

"Pang-siyam na beses mo nang sinasabing malapit na tapos nalantak ka pa dyan!" Iritadong sabi ko saka binato sya ng tissue.

"Shut up." Aba, the audacity to roll eyes at me!

"Tara na nga. Bahala ka na dyan," sabi ni Josh saka tumayo na kaya tumayo na rin kami. Bahala na soya d'yan.

"Yasmin!" Sabi ni Ken kaya lumingon ako sa kanya pero paglingon ko, sumapul sa mukha ko 'yung tissue na binato ko kanina sa kanya.

"Bwisit ka, Ken Suson!" Sigaw ko saka tumakbo palapit sa kanya pero tumakbo sya palabas ng cafe.

"Yas, tigilan nyo na," saway ni Josh sakin kaya bumalik ako sa kinauupuan ko at kinuha ang wallet at phone ko.

"Langyang Ken. Matapos tayong paghintayin, lalayas na lang? Hindi man lang naglinis?" Iiling iling na sabi ni Pablo saka nagsimula nang magligpit. Tumulong na din kami para mapabilis.

"Oh, bakit andyan pa kayo? Nauna na si Ken ah. Nakasalubong ko," sabi n Wendy paglapit samin.

"Nauna na nga eh. Matapos kumain, lumayas na," sabi ni Stell kaya namula na naman ang pisngi ni Wendy kaya napailing ako.

"Tara na sa room," aya ni Justin paglabas namin nang cafe. Wala na ring gano'ng estudyante dahil nasa classroom na. Malapit na rin kasing magtime.

"Sige. Mauna na kami," paalam ni Pablo at nakipaghigh-five sila kay Jah at samin. Nahawakan ko na naman ang kamay ni Pablo. Hehe.

"Bye!"

Sabay sabay kaming pumunta sa room at buti na lang wala pang teacher. Kundi, sasakalin ko talaga si Ken mamaya kapag napahiya kami dahil late kami.

Naupo kami sa upuan at pansin ko si Denver na may sinesenyas kay Justin at ganon din si Jah sa kanya.

Oh. Mukhang nagpapatulong nga si Denver kay Justin. Mukhang gagawa na ng move si Denver ah.

Nag-aayos ako ng gamit ko nang marinig ko ang pagtawag ni Denver sakin.

"Yas..." Sabi nya kaya lumingon ako agad sa kanya.

"Hmm?" Tanong ko.

"Pwede ka bang maaya mamaya? May gusto lang akong sabihin sayo," sabi nya habang nakaiwas ng tingin. Kumunot naman ang noo ko. Bakit ako ang inaaya nya? Si Wendy yung crush nya diba? Well, hindi naman nya sinabi pero ramdam kong si Wendy ang crush nya. Ramdam ko yon.

Kay Wendy siya may gusto... o hindi?

"Huh? Uhh... sige. Saan ba?" Tanong ko sabay lingon kay Jah na tumango lang.

"Sa may waiting shed sa labas. Pwede ba?" Tanong nya. Tumango na lang ako. I guess, kailangan ko munang sabihan si Ken mamaya. Baka magalit 'yun kapag nagpunta dito sa room nang wala ako.

"Magpapaalam ako kay Ken mamaya," sabi ko saka siya tumango at humarap na sa harapan. May sinenyas sya kay Jah at tumango lang si Jah.

Napakurap ako nang tapikin ako ni Wendy kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Yieee, ikaw ah! Mukhang may upcoming lovelife ka na," nang-aasar na sabi nya.

"Luh. Anong upcoming lovelife? Nag aya lang, lovelife na?" Tanong ko saka tumingin sa bintana.

"Ganun na din yun, 'te! Inaaya ka nya sa isang date," sabi ni Wendy kaya dali dali akong napalingon sa kanya.

"Date? That's not a date. Maybe, magpapatulong," sabi ko saka nagkibit balikat.

"Saan naman, aber?" Tanong nya. Natahimik lang ako at 'di na sya sinagot. Ang malisyosa nya.

Dumating na din ang prof namin kaya natahimik na kami at nagsimula na din ang klase. Buong oras ng klase ay sinubukan kong makinig pero hanggang subok lang talaga. Kaya mabuti na lang at natapos na rin ang klase matapos ang ilang oras.

"Tara na?" Aya ni Denver nang matapos ang klase. Tumikhim naman si Wendy kaya napairap ako. Ma-issue.

"Ah, sige. Wait, magpapaalam muna ako kay Ken," sabi ko at saktong ilalabas na ang phone ko nang maaninag ko sina Ken sa labas. Nandyan na pala sila.

"Saglit lang," sabi ko saka kinuha ang gamit ko at naglakad papunta kay Ken.

"Hi Yasmin!" Bati ni Pablo kaya napangiti ako. Owemji! Binati ako ng crush ko!

"Hello," nahihiyang bati ko pabalik bago balingan ang kapatid kong nakatingin lang rin sa akin. "Ken..." Tawag ko at lumapit sa kaniya.

"What?" Naka taas na ang kilay niya.

"Mauna na kayong umuwi. May pupuntahan pa kami ni Denver," sabi ko saka nilingon sina Denver, Jah at Wendy na papalabas sa room.

"At saan naman kayo pupunta?" Nanliliit ang mata ni Ken nang tumitig sakin.

"Uhh... may sasabihin lang ako sakanya," sabat ni Denver pero tiningnan lang siya ni Ken at bumaling ulit sakin.

"No."

Agad akong napakagat sa labi. "Pero, Ken, malapit lang naman kami," sabi ko. Humarap ako kay Denver at nagtanong. "Diba? Malapit lang naman tayo?"

"Yes. Sa labas lang," sabi naman niya kaya muli akong bumaling kay Ken na ngayon ay nakahalukipkip na.

"I said no," sabi ni Ken saka tumalikod na at naglakad palayo. Napanguso ako at napabuntong hininga.

Sungit.

-

Edited Version.

JUST FOR YOU | SB19 Ken ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon