Third Chapter. What's Funny?
Florence
No. That can't be. Guilty lang ako kaya kinakabahan ako sa kanya. Right, I just feel bad... for breaking his sweet little heart back then.
Nauuna kaming naglalakad ngayon ni Lillian sa kanilang tatlo nila Kia. Pasimple akong lumingon sa likod at tumigil para hintayin si Shannon. At para tignan kung kasama pa rin namin siya. Nakita ko siyang nakikipagkwentuhan sa kapatid niya. Lumapit agad ako kay Shan nang mapatingin si Asher sa amin ni Lillian upang hindi niya isipin na nakatingin ako sa kanya at napadaan lang ang tingin ko.
"You okay, Rence?" Shannon asked while frowning. Tumango naman ako agad at diniretso ang tingin sa daan. Naglalakad na kami papunta ngayon sa Fun Field Arcade. Kiara suggested it but Shannon seems to dislike the idea. Pinilit nila siya sumama kaya nakasimagot siya ngayon.
Mostly students ang pumapasyal at tumatambay dito. Malapit lang kasi ang Mall sa Campus. Kaya 'di na nakakapagtaka kung may makita man akong kakilala namin. Dumiretso na kami sa loob ng Arcade at excited na pumunta si Kia sa Just Dance. At binigyan ng ngisi si Shannon. Umirap ako at umiling, better get this recorded.
Shannon is good at dancing. Her kind of dancing is mainly all about hip hop, jazz and ballroom. She dislikes contemporary and ballet. While Kia and I were trained back when we were only thirteen. And I do say she's one of the best dancers in our class.
Kinuha ko ang phone ko and focused it on the two. And they pick a fast energetic song while warming up, waiting for the music to start.
Their dance battle started and we were cheering for them. Even the quiet Lillian! Lumapit kami sa isa't isa nila Lillian at Asher dahil unti unti kaming napapalibutan ng mga tao lalo na nang uminit ang dance battle nilang dalawa. Paniguradong gusto 'to ni Shan, she loves showing off her talents. And I for one will always be amazed by my friend's talents. Natapos na silang sumayaw at naghiyawan ang mga audience na isa pa. At dahil dun nakisali kaming tatlo sa paghiyaw. "Isa pa!"
Nagulat ako ng pinili ni Shan ang kantang Señorita at nagsimula silang sumayaw. Kia's like a bookworm in our group, the chic nerdy type. Nakakagulat na hindi pa rin siya tumitigil sa pagsayaw pero mas naging maliit na lang ang galaw niya, wala ng sigla. While Shan gives her all, she's still dancing gracefully.
"Wooooo! That's my girl!" I heard a man's voice cheering coming from the audience. Lumingon ako at nakita ang ibang familiar na mukha. Puro babae ang kilala kong nakapalibot sa'min pero nasilayan ko rin si Mason na nakahalukipkip habang nakangiti pati ang mga kaibigan niya na nagsisigawan at tumatalon. Those boys. Mahilig magloko at magbiro.
'Schoolmate ko yan!'
'Uy! Mason!'
'Sana all, dancerist!'Madalas ganyan ang naririnig kong cheer at hiyaw nila. I chuckle and turn my attention to my friends. Kumunot ang noo ko nang mapansin medyo nagdahan dahan at humina na rin ang pagsayaw ni Shan. Mas mukhang masigla tuloy si Kia. I wonder what's bothering her?
"Say hello to the camera, Flurry." I turn around to see what Asher's talking about and I was caught off guard when his phone greeted me. He was smiling while focusing his camera on me. Lumipas pa ang sampung segundo bago ako natauhan. Ngumiti ako at kumaway sa video na kinukuha niya. Inakbayan at sinali ko na rin si Lillian sa video at kumaway din siya. Biglang napawi ang ngiti niya at nag thumbs up bago bumalik sa pwesto niya kanina.
Okay, what was that?
"Hey, Florence!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko si Charlotte na naglalakad papunta sa'min. Napasimangot ako nang makita ang mga shopping bags na buhat buhat niya. Halos mapuno ang mga kamay niya dahil sa dami ng mga dala niya.

YOU ARE READING
Stitching It Together
Teen FictionFlorence Palmer is a simple girl who strives for her dream to be both as a fashion designer and a seamstress. To have her very own shop once she's graduated so everything was planned out. It's not long, however, until the returned of her best-friend...