Fourth Chapter. Kookie's Crush
Florence
"Sorry, nagpromise kasi ako sa kapatid mo na ipapasyal ko siya sa amusement park, pero may lakad ako ngayon. So, could you take her instead?" Maaga akong nagising dahil sa ingay ng katok ni Dad. Balak ko pa naman sanang lubusin ang araw na 'to para magpahinga at matulog.
"Wow, Dad. I'm amused." Humikab ako at sumimangot. Alam ko naman kung saan ang lakad niya, I mean lakad nilang dalawa ni Tita Felicia.
"Come on, sweetie. Just for this day, okay? And besides, hindi ba masayang gumala kasama ang kapatid mo?" And right after he said that, I heard a loud crash right next to my room. Specifically, my little sister's room. Tumaas ang kilay ko at tinignan si Dad.
"Yes—no. Paniguradong mapapagod lang ako kapag binantay ko silang tatlo. At tsaka planado na ang buong araw ko, I have a tight schedule." Yup, tight schedule indeed. But I wonder what activities and shenanigans my sister and her friends are up to this time. Si Kookie, Bloom at Snow gumawa sila ng secret society para hanapin ang passion nila at kung anong gusto nila paglaki. They've tried juggling, acting, magic tricks, square dancing, fishing, hairdressing, swimming, carpentry, stunts, baking and so on. Siguro nainspire sila sa sinabi ko.
"Gusto ko rin maging seamstress! Can you please teach me?" Pagmamakaawa niya pagkatapos makita ang isa sa mga kaklase niya na nanalo sa cooking contest sa school. Kumunot ang noo ko at hinatak ang braso kong kinakapitan niya.
"Why? Whatever do you mean by that? Akala ko ba mas gusto mong maging nurse?" Pinagpatuloy ko ang pagtatahi ng damit para kay Choco. She let go of me and pout.
"Tungkol ba ito sa nanalo mong kaklase?" Hindi siya umimik kaya napabuntong hininga ako bago magsalita. "Kookie, maswerte ka kaya." This time, she was the one who gave me a confused look as if like I'm not making any sense to her.
Tumawa ako. "Bata ka pa kaya marami ka pang mararanasan. Pwede mo pa maranasan ang pakiramdam ng pagdiskubre kung sino ka at kung ano talaga ang gusto mong maging. And you have all the time for yourself to figure it out." Nginitian ko siya at binalik niya rin sa'kin iyon.
"At saka Dad, akala ko niyo po ba hindi ako nakakahalata? Posible po bang may gusto kayo kay Tita Felicia?" I crossed my arms and gave him a suspicious look. Tita Felicia is Kiara's mother and Asher's adoptive mother. Nakakalungkot lang na maagang nawala ang papa ni Kia pero napakabait at maalaga ni Tita Felicia! Parang nanay na rin ang turing ko sa kanya kaso ayaw ko naman siya para kay Dad. Kontento na ako sa pamilyang mayroon ako. Kahit na tatlo lang kami, apat kung isasama si Ate Lotte. Unfortunately, our mother left us. At tsaka ayaw ko rin naman maging stepbrother si Asher.
"What? No. Bakit mo naman naisip iyon? Anyway, kaya ko naisipang igala si Kookie dahil aalis yung mga kaibigan niya. So, she will be left here alone and bored. Eh, nakalimutan kong may lakad pala ako ngayon kaya sayo na lang ako hihingi ng favor. Tutal nandito ka rin naman." Nagkibit balikat ako.
"Ate Flurry!" Lumabas ako ng kwarto at sinalubong ako ni Kookie ng mahigpit na yakap. I puffed my cheeks out, barely breathing because of Kookie's tight hug.
"How's your camping?" Dad asked her. Kumalas ako sa pagkakayakap at pumunta sa kitchen. At nandoon naman si Charlotte, kumakain ng breakfast. Umupo ako sa tapat niya at kumuha ng tinapay at bacon.
"Bakit ganyan itsura mo? Para kang nakipagsabunutan dun sa kanto. You look ugly." Ngumunguya niyang sabi. I cringe and stood up, my bacon sandwich in my hand.
YOU ARE READING
Stitching It Together
Teen FictionFlorence Palmer is a simple girl who strives for her dream to be both as a fashion designer and a seamstress. To have her very own shop once she's graduated so everything was planned out. It's not long, however, until the returned of her best-friend...