Fifth Chapter

23 3 3
                                    

Fifth Chapter. White Bear

Florence

"So, how's your date?" Inirapan ko si Kia at nagpatuloy sa pagsukat ng mga measurements niya. Kanina niya pa ako pinapaulanan ng mga tanong at assumptions niya mula nung dumating siya dito. Curse my cousin for being so chatty.

"I told you it wasn't a date! Kasama pa nga namin si Lillian tsaka si Cody." Ilang beses ko ng ulit sa kanya. "We're just friends."

Nawala ang ngiti niya at tinaasan ako ng isang kilay. "Says who?" Inis akong bumuntong hininga at binaliwala na lang siya. Pumunta ako sa aking sewing machine.

"Fine. Who's your date then, at the Festival?" She placed the last bolt of fabric over to the shelf it belonged on and took a step back to admire her work. Isang oras na ang nakakalipas nung dumating siya dito para tulungan akong gawin yung dress na isusuot namin sa Festival pero hanggang ngayon wala pa rin kaming nasisimulan dahil binagyo itong boutique. Bagyong Kookie, Snow at Bloom.

I shrugged and sighed exhaustedly as I look around the tidied workroom. "Pasensiya ka na kung nasayang ang isang oras natin sa pagligpit ng gulong ginawa ng kapatid ko at ng mga kaibigan niya. Alam ko namang mabuti ang intensyon nila kaso mas ma-appreciate ko sana kung maayos nilang ginawa ang pagliligpit."

Ngumiti siya sa'kin. "Okay lang. For all the times you've helped me clean up the library the least I could do is return the favor." Nagtawanan kami nang biglang kumulo ang tiyan niya. Nagutom siya kakaligpit.

"Wag na natin sayangin ang oras dito. A cup of coffee and donuts sounds good to me. Bababa lang ako saglit para isarado itong shop." Pagkatapos kong ilagay ang closed sign ay agad akong umakyat.

"Tara na. Nagugutom na din ako." Natatawang sabi ko. Natahimik ako nung hindi niya narinig ang sinabi ko kaya lumapit ako sa kanya dahil mukhang malalim ang iniisip niya.

"Something wrong, Kia dear?" I asked, concerned for my friend's silence and frozen stance.

"Wala naman..." Nakangiti na siya nung humarap sa'kin. "...White Bear." Ani Kia at pinakita sa'kin ang isang luma at maliit na costume. It was a kid-sized costume in the shape of a bear.

Suminghap ako at agad kinuha ang puting costume na hawak niya. Ibinalik ko ito sa pinakataas ng shelf. "P-Paano yun napunta sa'yo?" Naguguluhan kong tanong. "At... teka, paano mo nalaman ang tungkol..."

Tumikhim siya at pinabata ang kanyang boses. "Roger that, White Bear. Fight for the library!" aniya at muling ngumiti.

"Book Tower..." Bulong ko habang unti unting bumabalik sa'kin ang nakaraan. Noong nasa lungsod ng Barceville pa kami, noong six years old pa lang ako. "Imposible... ang tagal na nun, that was..."

It came to me in an instant; isang araw na hindi ko na masyadong maalala dahil maraming taon na ang lumipas. Binalik ko ang tingin ko sa costume. And felt a mixture of feelings, surprise and confused. But more than anything else I felt rather amused at the discovery. Ipinanganak ako sa Barceville at mula noong iniwan kami ni Mom, kinailangan naming lumipat noong labing tatlong taon ako sa Castedura. At doon ko nakilala si Kiara at Asher. Pagkaalis ni Asher papuntang abroad, dumating naman ang mag-childhood friends na sila Lillian at Shannon.

"Ang liit talaga ng mundo, hindi ba?" Natatawa niyang tanong. Wala sa sarili akong tumango dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa katotohanan na matagal na pala kaming magkaibigan, na siya pala si Book Fort.

Stitching It TogetherWhere stories live. Discover now