Mahal ko o Mahal ako?

49 1 0
                                    

Madami nang nagtatanong ng ganyan sakin.

May kanta na ngang Mahal ko o Mahal ako eh.

Pero kung ikaw ang tatanungin Sinong pipiliin mo Ang taong mahal mo o ang taong nagmamahal sayo?

—————————

Sinong pipiliin mo ang taong mahal mo pero hindi ka mahal o ang taong mahal ka pero hindi mo mahal?

—————————

Ang taong mahal ako kahit hindi ko mahal.

BAKIT?

Kasi matutunan ko din siyang mahalin. Maalagaan niya ako. Maproprotektahan niya ako. At higit sa lahat mamahalin niya ko. Alam kong isang araw mamahalin ko din siya katulad ng pagmamahal niya sakin nang dahil sa efforts na pinapakita niya.

But on the other hand Nakasakit ako. Hindi ko siya mahal ang tanging magagawa ko lang ay iappreciate ang efforts niya. May mali kung hahayaan ko siya na mapalapit sakin. Maaring mas lumalim ang nararamdaman niya kung hahayaan ko lang siya. Maguguilty ako. Kasi hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya. Masasaktan ko lang siya. Aasa lang siya na balang araw ay mamahalin ko din siya na hindi naman sigurado. Paasahin ko lang siya sa isang bagay na malabong mangyari.

————————

Ang taong mahal ko kahit hindi ako mahal.

BAKIT?

Kasi gusto kong ipakita sa kanyang mahal ko siya. Hindi ako magapapakaduwag na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. My goal is to win his/her heart. Gagawin ko ang lahat makuha lang ang loob niya. Mahal ko kaya gagawin ko ang lahat.

But on the other hand Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi ang taong mahal ko hindi ako mahal. Ang taong mahal ko walang pakialam sa nararamdaman ko. Ang taong mahal ko may mahal nang iba.

Masasaktan lang ako sa kanya pero mahal ko kaya titiisin ko, kumbaga magpapakamartyr ako. Hahayaan ko siyang lumigaya. Kung saan siya masaya, masaya na rin ako.

—————————

Pwede bang wala na lang akong piliin.

BAKIT?

Kung dun ako sa taong nagmamahal sakin masasaktan ko lang siya. Makakasakit lang ako. Magpapakaduwag lang ako kasi ayokong masaktan pero ako naman ang nanakit.

Kung dun ako sa taong mahal ko. Masasaktan lang ako. Magpapakatanga. Aasa sa wala. Hindi ako magiging masaya.

Wala na lang akong pipiliin.
Dun na lang ako sa taong mahal ko na mahal din ako.  Kasi mamahalin namin ang isat isa kung masasaktan man kami ay dahil na yun sa mga away namin. Iingatan at aalagaan namin ang bawat isa. Magmamahalan kami. Magiging masaya pa ko. Kasi hindi ako nakasakit at hindi rin ako nasasaktan.

~everything has it own reason. And a lesson to learned~

————————
A/N

Hi gals!! Miss me? Sorry tagal ng update broken hearted si author djk. Busy lang po ako. Sorry at blanko utak ko these past few days sorry talaga.

Dedicated po to kay Ate Pilosopotasya. Inspired po ako sa story niyang Just One Answer.

Yun lang po. Love yah gals!

It is all about loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon