Prologue:
Kasalukuyan kong hinihintay ang target ko… tarantado eh… lakas ba namang pag bantaan ako? Hindi nya ata kilala pinag babantaan nya!
Nang makita ko syang palabas na ay agad kong kinabitan ng silencer ang dala kong baril… mahirap na't baka may makarinig eh mahuli pa ako!
Habang inaayos ko ang tamang posisyon para sakto sa sintido nya ng hindi na maka ulit pa ay saktong napalingon sya sakin at parang nakita ako, akmang tatakbo na sya ng barilin ko sya…
"Pinahirapan pa ako!" bulong ko… bumaba ako ng puno at dahan dahang lumapit sakanya…
"P-Paki u-usap w-wag m-mokong p-patayin!" utal nyang saad, aba! Inutusan pa ako!
"Mas marunong kapa sa papatay sayo noh!" sarkastiko kong saad, tsk! Kung hindi sana ako pinag bantaan ay paniguradong buhay pato bukas!
"P-Parang a-awa m-mona!" lumuluha nyang saad… walang epekto sakin yan!
"Hindi kita papatayin wag kang mag alala, gusto ko lang ng laruan sa ngayon." sabi ko habang naka luhod kapantay nya… sa tagiliran ko pala sya natamaan…
"s-salamat!" sabi nya habang iniinda ang sakit… mag dusa ka!
Pero imbes na iwan sya ay tinulungan ko syang tumayo…
"Ngayon lang kita tutulungan matapos barilin! Dahil sa susunod na ulitin mo ang masasama mong gawain ay tutuluyan na talaga kita… maliwanag?" Maotoridad kong saad… ayoko kasi talaga ng kagaya nila!
"O-Opo!" nahihirapan nyang saad…
Isinakay ko sya sa kotse at dinala sa ospital…
"Ano pong nangyari sakanya Ms.?" pag tatanong ng pakielamerang nurse
"Nabaril…" Sagot ko na parang mag kasing tanda lang kami…
"Nino po?" Sabi pa ni Pakielamera
"Ko… Nabaril ko! Gusto mo ikaw isunod ko?" Mataray kong saad, siraulo eh! Mag tatanong pa! Halata namang natakot sya,
Psh! Hindi ko tuloy napatay yung totoo kong target! Kabwisit! Dalawa silang target ko sana kaso yung isa hindi lumabas… baka alam na!
…………
Vote,Comment and follow
Hana~
BINABASA MO ANG
Ms. Nobody is A Mafia [University Series #1]
ActionIsang dalaga na kung tawagin ay 'Ms. Nobody' ay isa palang Mafia? Ang inaalipusta ng lahat ay kaya pala silang patayin sa isang pikit mata lang? Ang inaakalang mabait ay masama pala? Ang inaakala nilang may mabuting puso ay... mabuti naman talaga...