Chapter 10

763 37 3
                                    

Chapter 10

Zap POV

*K*I*N*A*B*U*K*A*S*A*N*

Nagising ako sa amoy ng nilututo nila, hindi naman kasi ako mahilig mag luto, pero marunong ako.

"Good Morning Zap!" Bati ni Charlie pag kakita sakin kaya naman tinanguan ko lang sya at naupo sa harap ng lamesa.

"Si Artemis?" Pag tatanong ko pa, maaga kase nagigising yon kesa sakin.

"Nag aayos na kaya bilisan mo na jan, pinaalalahanan ko nadin sila Aphro na sa lobby nila hingin ang card para maka pasok dito." Pag papaliwanag nya na wala naman akong naintindihan kaya naman tumango nalang ulit ako tsaka humigop sa kape ko.

Matapos kong mag almusal ay agad akong pumasok ulit sa kwarto ko at nag ayos na.

[After 50 Minutes]

Nang makalabas ako sa kwarto ko ay nakita ko agad silang dalawa na naka upo sa sofa at nanonood ng TV. Srly? Sofia The First? Ano ba tong mga to bata?

"Gaja." Sabi ko agad tsaka sinuot yung salamin ko, sumunod naman sila sakin palabas.

"Sya ngapala Zap, alam na ba ni Aphro na wala si Luis?" Tanong pa ni Artemis habang naka tingin sakin.

"Bakit? Ano bang meron sakanila?" Pang uusisa ko pa.

"Wala bakit? Porke ganon sinabi may namamagitan agad sakanila?!" Pag sasabi pa ni Artemis na ang laki ng mata.

"Psh, manahimik kana nga!" Sabi ko pa tsaka nanahimik nalang.

{Ting}

Saktong pag pasok namin sa elevator ay sya ding pag pasok ni Jaisen, tinignan nya sila Artemis bago sakin, mukang hindi nya ako kilala dahil sa uri ng tingin nya.

Hindi na ako umimik dahil nakakatamad na mag salita lalo na't wala naman akong mahalagang sasabihin.


Nang makarating kami sa school ay bulungan agad ang nadidinig ko.

"Bakit ba nila kasama yang panget nayan?!"

"Duh She's so attention seeker kaya."

"Ang panget nya bakit ba nakapasok dito yan?!"

At iba pa nilang bulungan, pero imbes na pansinin ay pawang wala akong naririnig habang dinaraanan ko sila.

Masyado akong cool para pansinin sila, nakakaaksaya din ng oras pag pinansin ko sila.

Hanggang sa makarating ako sa room namin ay hindi padin sila natigil sa mga walang kwenta nilang bulungan. Akala naman nila pag ginanyan nila ako mapapaalis nila ako dito. Psh!

"Oh! Nakita ko kanina nakaipit sa locker mo." Bulong ng kung sino sakin.

Kinuha ko muna ang inaabot nya bago ko sya lingunin.

"Luis?!" Gulat kong sabi, ngiti naman ang sinagot nya sakin.

"Konnichiwa Zap!" Sabi pa ng kung sinong nilalang sa likod nya.

"Aga nyo naka dating ah." Sabi ko pa, nag angat naman ako ng tingin kay Kai, psh, kahit kailan talaga ang tangkad nitong batang ito.

Ichi POV

Habang nag lalakad ako papunta sa room nila Jaisen ay sya ding pag kakita ko dun sa babaeng lagi naming sinusundan namay kausap na matangkad at singkit na lalaki.

Ms. Nobody is A Mafia [University Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon