CHAPTER 3: THE ROYALS

17 1 0
                                    

Work of Fiction

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are all fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead or actual event are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

~*~

Chapter 3: The Royals

Napahinto kami sa pag-uusap ni Leila nang huminto ang sinasakyan naming kalesa. Sabay naming inalabas ni Leila ang aming ulo at napanganga. Nasa tapat na kami ng isang malaki at mataas na kulay puting gate. May nakaukit sa taas na City of Zamora at sa taas naman nito ang isang simbolo. Puting dragon na bumubuga ng asul na apoy.

"Pwede na kayong bumaba."

Ginawa namin ang sinabi ng isang babae. Dala-dala ang mga bagahe ay isa-isa kaming bumaba sa kalesa at gumawa ng isang linya. Pumwesto ang babae sa pinakaharap habang may dala-dala siyang ilang pirasong papel.

"Itaas ang kamay at lumapit sa akin kapag natawag ko ang pangalan niyo. Ako nga pala si Celia Gorzon. Ang assistant ng principal ng Zamora Academy." sabi niya at inayos ang salamin bago nagsimulang magbanggit ng pangalan.

"Erica Magdangal."

"I am here!"

"James Salvation."

"Nandito po!"

"Leila Ayala."

"I'm here!"

Umalis si Leila sa linya niya at lumapit kay Ms. Gorzon. Nakita kong pumitik si Ms. Gorzon at bigla nalang may mga dokumentong nakalagay sa kamay ni Leila. Napanganga ako. How did she....?

Pagkatapos ay may sinabi siya kay Leila na ikitango nito. Tumingin sa gawi ko si Leila bago ngumiti at sinenyasan ako na maghihintay lang daw siya sa loob. Tumango ako bago ngumiti at nag-thumbs up.

"Zamia Alfardo."

Huminga ako ng malalim bago lumapit kay Ms. Gorzon. Pumitik siya at may mga dokumentong lumitaw sa dalawang kamay ko. "Read this documents. Nakalagay diyan ang history ng Zamora Academy. Ganoon din ang sa City of Zamora. Nakalagay din diyan ang mga building na pupuntahan niyo kapag nakapasok na kayo sa City."

"Hindi niyo na po kami sasamahan?" Wala sa sariling tanong ko na sana hindi ko nalang ginawa. Tumingin ang iba sa gawi namin at natawa. Inayos ni Ms. Gorzon ang salamin niya bago tumitig sa akin.

"I believe that you can take care of yourselves. Besides, may mga guide diyan ng mga gagawin niyo bago kayo makapasok sa Zamora Academy. Kailangan ko pa ba kayong samahan? O kung gusto mo ay ikaw nalang ang sasamahan ko."

Napayuko ako bago napahakbang ng ilang beses patalikod. Kinagat ko ang dila at nagbilang ng isa hanggang sampo. Hindi ako sanay mapahiya. Napahinga ako ng malalim bago iniangat ang ulo at tumango bago pumasok sa loob ng City. Rinig ko parin ang tawanan sa labas kaya itinuon ko nalang ang pansin sa paligid.

Napanganga ako sa nakita. Maraming malalaki at matataas na building. May mga tindahan na may sari-sariling simbolo na nakalagay sa taas. Katulad ng simbolong espada na may nakapaikot na dragon. O katulad ng isang potion na simbolo at kumikinang. Walang sinabi ang mga maliliit na tindahan sa bayan na kinalakihan ko. I wish my parents are here to see this beautiful place.

"Zamia! Tara na!"

Tumingin ako kay Leila at napasimangot. Kahit kanina lang kami nagkakilala ay magaan na ang loob ko sa kaniya. Tumawa siya bago ako inakbayan. "Oo na. Hindi kita aasarin sa ginawa mo kanina."

Ability niya ang makarinig kahit gaano pa ito kalayo. Pero sinabi niya na hindi niya pa daw ito masyadong nako-kontrol kaya pinaaral siya dito ng mga magulang niya. Sinabi niya din na minsan ay sumasakit ang tainga at ulo niya sa tuwing hindi niya ito makontrol ng maayos.

Ngumiti ako sa kaniya bago tinignan ang documents at sinabing magsimula na. Naglakad-lakad kami at hinahanap ang building na nakalagay sa isang page ng documents. Dito daw namin babayaran ang tuition fee para sa Zamora Academy. Hindi pa namin nahahanap ang building nang biglang nagtakbuhan ang mga tao.

"May rally ba?" Rinig kong tanong ni Leila sa gilid ko. Nagkibit-balikat lang ako at tinignan kung saan sila papunta. Sa gate palabas ng City.

"Nandito na daw ang Royals!"

"Talaga? Ibig-sabihin ay tapos na sila sa misyon nila!"

"Oo nga. Halos ilang linggo din silang nawala."

Nagkatinginan kami ni Leila nang marinig ang usapan ng mga babae habang tumatakbo. Sabay kaming nagkibit-balikat at sumama sa daloy ng tao. Royals? Hindi ba dapat ay Legends ang itawag sa kanila?

+++

A/N: Another update from your cute writer, cute kong readers. Another short update, I guess. Woot—woot!










Special Cities [Unscheduled] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon