CHAPTER 8: RECRUIT

12 1 0
                                    

Work of Fiction

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are all fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead or actual event are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

~*~

Chapter 8: Recruit

Intense ang atmosphere ngayon dito sa loob ng office ng Principal pero ako lang ata ang kinakabahan. Nakadekwatro lang si Galvin habang nakasandal ang upo sa upuan at nakapikit. Nakasandal naman si Zero sa pader malapit sa pintuan habang nakangisi. Hindi ba siya napapagod tumayo?

Napalunok ako at napahigpit ng hawak sa palda. Bakit ba ako nandito? I mean, hindi ako kasali sa away ng dalawang ugok na ito. Tumikhim ang Principal bago nagsalita.

"So you two, again huh?"

"Tsk, isn't obvious?" Pabalang na sagot ni Galvin sa Principal. Napasimangot ako sa kaniya. Walang manners. Rinig kong napatawa si Zero at nagsalita.

"As you can see Principal Hemilson, may dumagdag sa aming dalawa..." turo sa akin ni Zero. Napalunok ako bago sinalubong ang tingin ng Principal. Napaayos ako ng upo.

"Actually, hindi naman po ako kasama sa away nila––"

"I know, I know. Kaya nga hindi kita isasama sa parusa e." Napakurap ako bago napakunot ng noo at magsasalita na sana nang may asungot na sumingit.

"What? Then why is she here?!" Reklamo ni Galvin. Napasimangot na naman tuloy ako. Hinay, hinay lang boy. Mano-nose bleed na ako kaka-english mo e. Tumikhim ang Principal bago sumagot.

"I am about to ordered the Captain of Royals to send you here kaya siguro kinuha niya ang chance na ito para mapapunta ka dito. Actually I want to recruit you as a fifth member of Royals––"

"Member of Royals?!" Gulat na saad ko at napatayo. Kahit ang dalawa ay nagulat din. Tumango ang Principal bago umayos ng upo.

"I saw in your students information that you can sense danger, right? Malaking tulong iyon sa Royals kapag nasa isang misyon sila," wika niya at ngumiti ng tipid. Napakurap ako at napayuko.

"But I... I... I still can't control my ability."

"That's right, Principal. She can't still control her ability. How come you want to recruit her. She is such a weakling." wika ni Galvin at ramdam kong nakangisi siya ngayon. Napasimangot na naman ako. Psh, kahit nakakainsulto yung sinabi niya ay tatanggapin ko nalang. Totoo naman e. Pero hindi ko mapigilan na patayin siya sa isip ko. Pwe!

"I already knew that too. That's why I am giving you a three weeks to learn how to control your ability. I know that you have a training to Mr. Alvarez every Wednesday and Friday. Three weeks, Ms. Zamia Alfardo. Three weeks." sabi ng Principal bago tumingin sa dalawang lalaki.

"Now, your punishment is to help the librarian clean the library and return the books to its designated shelves."

Napatayo silang dalawa at sabay na sumigaw. "WHAT?!"

–—–

Tuwang-tuwa sila Leila at Kaira nang sinabi ko sa kanila na nirerecruit ako ng Principal na maging bahagi ng Royals. Nalunok pa nga ni Leila ng buo ang ulam nang sinabi ko ito sa kanila.

"Owemji. Owemji. Owemji. Dapat pumayag ka agad, Zamia! Alam mo bang mahirap makapasok sa Royals?!" wika ni Kaira sa akin bago pinitik ang tainga ko. Napadaing ako bago kinuha ang baso na may tubig at itatapon na sa kaniya ang laman nang biglang lumutang ang tubig habang may sinasabi siyang hindi namin maintindihan. Napailing nalang ako bago binaba ang baso.

"I still can't control my ability. Hindi ba at sinabi ko na iyan sa inyo? Paano ako papayag kung mahina ako? Walang sinabi ang ability ko kapag tinabi ako sa Royals," sabi ko sa kanila bago sumubo ng pagkain. Napakamot si Kaira ng ulo bago napangiwi.

"Oo nga ano? Hehehe."

"Pero paano mo makokontrol ang ability mo sa loob ng tatlong linggo? Hindi ba't parang mahirap iyon?" biglang tanong ni Leila. Napatigil ako sa pagsubo at napaisip. Kung gugustuhin ay kakayanin. Pero gusto ko nga ba? Hindi ko alam. Nakita ko kung paano tratuhin ng mga estudyante ang Royals at nakita ko din kung ano ang ugali ng Captain nila. Pero masyado naman akong makasarili kung iisipin ko lang ang nararamdaman ko. Naalala ko ang sinabi ng mga magulang ko.

"Gusto sana namin na mapabilang ka sa The 5 Legends na magliligtas sa buong mundo sa darating na digmaan. Gusto namin na mapabilang ka sa kanila, Anak."

Napabuga ako ng hangin bago nagkibit-balikat at sinagot ang tanong ni Leila. "Hindi ko alam."

–—–

Nakatitig lang ako sa kisame sa loob ng ilang oras. Alam kong tulog na ang dalawa kong roommate sa mga oras nito pagtapos nilang magligpit at maghugas ng plato sa baba. Napabuga ako ng hangin bago naalala ang pinag-usapan namin ng Principal kanina bago kami lumabas sa office niya.

–—–

"Uh, Principal. May tanong pa po sana ako," pahabol ko bago kami makalabas. Ramdam ko na huminto din ang dalawa nang sabihin ko iyon pero napilitan silang lumabas nang mariin silang tignan ng Principal.

"Ano ang tanong mo?"

"Maraming estudyante po ang nag-aaral sa akademyang ito pero bakit po... ako?" tanong ko. Ngumiti ang Principal bago sumagot.

"I told you. That's because you can sense—"

"Pero imposible pong ako lang ang ganitong kakayahan. Wala na po bang estudyante ang may kakayahang tulad ko?" Putol ko sa sasabihin niya. Bastos man kung bastos pero gusto ko lang nalaman ang dahilan.

"You're smart." Papuri niya sa akin at lumaki ang ngiti. "Believe me or not, you are the only one who has that kind of ability. Be grateful and love it."

–—–

Napaupo ako sa kama bago niyakap ang dalawang tuhod. Mapait akong napangiti at wala sa sariling bumulong.

"How can I love it if it was the reason that I am so useless?"

+++

A/N: Another update! Stay tuned!



Special Cities [Unscheduled] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon