CHAPTER 5: FIRST DAY, FIRST FIGHT

16 1 0
                                    

Work of Fiction

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are all fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead or actual event are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

~*~

Chapter 5: First day, First fight

Tinitigan ko ang sarili sa salamin dito sa kwarto ko. Itim na skirt at puting blouse na may pulang ribbon sa gitna. May nakalagay na nameplate sa kaliwang bahagi ng dibdib. Nakalugay ang itim na mahabang buhok. Napabuntong-hininga ako. Estudyante na ako.

"Zamia? Tapos ka na ba? Kailangan pa natin hanapin ang magiging classroom natin," rinig kong tawag sa akin ni Kaira sa labas. Mabilis kong kinuha ang bag na nakalagay sa kama at lumabas. Nadatnan kong maghihintay sa akin ang dalawa. Napaawang ang labi ko. The uniform suits them!

"Okay lang ba sa akin? Halos walang-wala ang uniform sa pinapasukan kong paaralan dati sa bayan ng Parkersville..." nahihiyang sabi ni Kaira. Napalapit ako sa kaniya bago hinawakan ang balikat ang niyugyog.

"Ano ka ba? Bagay na bagay kaya sa'yo!" hindi makapaniwalang sabi ko. Totoo naman. Bagay na bagay sa kanila ni Leila ang damit.

"O siya. Tara na at male-late na tayo!" sigaw ni Leila bago mabilis na bumaba. Nagtawanan kami ni Kaira bago siya sinundan.

–—–

Napanganga kami habang tumitingin sa paligid. Hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin ang buong Zamora Academy dahil masyado akong pagod. Pero ngayon ay mapapanganga ka talaga. Kumikintab ang carpeted na sahig. May mga magagandang halaman na nakalagay sa mga gilid ng hallway. Halos mapagkamalan mo ng kastilyo sa laki.

"Owemji. I can't believe na makakatapak ako sa lugar na ito," napatango ako sa sinabi ni Leila. Maraming estudyante na din ang naglalakad sa mga hallway. Ang iba ay napapatingin sa amin at ang iba naman ay walang pakialam. Pero iba ang tingin sa akin ng ilang estudyante. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

"Look girl! Siya yung babaeng natumba kasama ni Miss Ivy kahapon."

"Owemji. Siya nga. Ang kapal ng mukha niyang mag-aral pa dito. Tignan lang natin kung hanggang kailan siya tatagal dito."

"Oo nga. Lalo na at may bago na namang bibiktimahin si Miss Ivy."

Napabuga nalang ako ng hangin nang marinig ang usapan ng ilang mga estudyante. Napa-tsked ang dalawa kong kasama bago tinapik-tapik ang balikat ko.

"Don't worry, Zamia. Nandito naman kami para sa iyo e." sabi ni Kaira na sinang-ayunan naman ni Leila. "Oo nga. Kahit rinding-rindi na ako sa mga pinag-uusapan nila ay hindi ko sila susugurin. Hindi talaga."

Nagkatinginan kami ni Leila at sabay na tumawa. "Anong connect nun?" Ngumuso lang si Leila at hindi na nagsalita pa kaya nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

"Talaga? Papasok na ulit ang Royals? Ibig-sabihin ay wala munang iaatas na misyon para sa kanila!"

"Tama ka girl. Sheez! Makikita na natin ulit ang kakisigan ni Aiden at Larry!"

Sabay sabay kaming napahinto nila Kaira at Leila. Geez. Wala ba talagang magawa ang ibang babae kundi ang purihin ang mukhang mayabang na lalaki at isa pang lalaki na walang ibang ginawa kundi ang mag-poker face at magsabi ng mga masasakit na salita? Wala sa sariling napameywang ako at humarap kay Leila at Kaira.

"Guys, sa tingin niyo? Bakit kaya nagkakandarapa ang ibang babae sa dalawang lalaki na iyon? I mean, anong special sa kanila? Yung mga mukha nila?" sunod-sunod na tanong ko. Parehas silang natigilan at lumagpas ang tingin sa akin at sabay na napalunok. Hindi ko pinansin ang sinesenyas sa akin ni Leila at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ano kayang pinakain nila sa mga babae na iyon? Gusto ba nila ng sandamakmak na atensiyon? Hindi sa pagiging KJ pero nabibingi na kasi ako kakasigaw nila ng AHHHHH! AIDEN! Or LARRY ANG GWAPO MO! OWEJI NANDITO NA ANG ROYALS!" sabi ko at ginaya pa ang boses ng ibang babae. Hindi ko alam kung kinakabahan ba sila o matatawa. Napakunot ako ng noo at tinuro ang mga ekspresyon nila.

"Anong mukha iyan? May problema––"

"Yes, there is."

Literal akong natigilan at nanlaki ang mga mata. Napalunok ako bago dahan-dahang humarap sa likod at sinalubong ang malamig na tingin niya. Napakagat ako ng dila at nagbilang ng isa hanggang sampo bago napahakbang ng ilang beses patalikod.

Captain ng Royals, Aiden Zamora.

"Do you have a problem with the Royals? As their Captain, you can say it to me. If you don't have then why are you blabbing some nonsense things to your friends?".

Hindi ako makapagsalita. Kausap ko ang anak ng namumuno sa City of Zamora. Aiden Zamora. Hindi ko pa alam ang ability niya dahil hindi iyon nakasulat sa documents. Ang alam ko lang ay sa apat. Animation ang ability ni Larry. Yung mukhang mayabang. Kaya niyang bigyan ng buhay ang mga drawings ng ibang tao. Biokinesis naman ang ability ni Ariella. Kaya niyang gumamot gamit ang isip. Pero may hangganan ito kaya palagi daw siyang may dalang medicine kit o mga herbal kapag sasabak sila sa isang misyon.

Ang ability naman ni Ivy ay Chlorokinesis. Kaya niyang i-manipulate ang mga halaman o kahit anong may kinalaman sa kalikasan. Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang isang malamig na boses.

"Answer my question, Miss... Alfardo. Do you have a problem with Royals? Or do you have a problem with me?"

+++

A/N: Update! Good day, cute readers! Happy reading!

Special Cities [Unscheduled] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon