CHAPTER 9: TRAINING-PART 1

13 1 0
                                    

Work of Fiction

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are all fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead or actual event are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

~*~

Chapter 9: Training––Part 1

Sabay-sabay kaming nagpaalam sa isa't-isa bago pumunta sa sari-sariling classroom pero hindi ko na namang mapigilang mapasimangot. Sila sabay na pumunta sa kanilang classroom tapos ako? Nahiwalay sa kanila. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may umakbay sa akin.

"Hey, cutie. Remember me?"

Biglang uminit ang ulo ko nang marinig ko ang boses niya. Malakas ko siyang siniko bago mabilis na pumasok sa classroom pero sinundan niya ako kaya humarap ako sa kaniya at nagpameywang.

"Ano na namang problema mo, Zero?" naiinis na sabi ko. Ramdam ko ang pagtahimik ng lahat kaya napangisi siya bago mabilis na itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Okay, chill. This is my classroom too, cutie," wika niya bago lumaki ang ngisi. Natuod ako sa kinatatayuan bago tinignan ang lahat na nakatingin sa akin na akala mo ay ako ang pinaka-weird na tao sa mundo. Napatakip ako ng mukha bago dali-daling pumunta sa upuan ko at umupo. May narinig akong tawa sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin pero nagulantang ako nang makita ang nakangising mukha ni Zero.

"D-diyan ka din nakaupo?" gulat na tanong ko. Tumango siya bago inextend ang kamay. "Hi, I am Zero Morris. Nice to meet you again, cutie."

Ramdam ko ang mga matatalim na tingin sa akin ng mga babae kaya napalunok ako at tinignan ang kamay niya na hinihintay ang kamay ko. Gwapo din naman si Zero. Matangos ang ilong, maputi, manipis na labi, mapupungay na mata pero may hiwa lang siya sa kanang kilay. Masasabi mo talagang basagulero pero hindi mo mapipigilan na hindi kakabaliwan ng mga babae ito.

"Come on, cutie. Hindi ka mamamatay dahil sa kamay ko," natatawa niyang sabi. Dahan-dahan ko inextend ang kamay at maaabot na sana nito ang kamay niya nang may marahas na bumukas ng pinto at pumasok ang isang professor na nakakunot ng noo at seryosong-seryoso ang mukha. Sabay-sabay tuloy kaming napaayos ng upo.

"I'm Enrique Alvarez, your training professor. Now, go to your own locker and wear your training uniform. Faster!"

Sabay-sabay kaming napatayo at tarantang lumabas ng classroom para pumunta sa sari-sariling locker. Nang matapos magbihis ay pumunta kami lahat sa battle field. Wala na itong damage hindi katulad noong araw na nag-away ang dalawang ugok. Wala talagang imposible sa magic.

"Make a line! Right for girls and left for boys! We will do a stretching!" Sigaw niya na naman kaya bigla kaming nataranta at mas lalo akong nagulantang nang bigla niya akong tinuro.

"You!" napaturo ako sa sarili. "Yes, you! Lead the stretching!" Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ako? Argh! I hate this! Pasimple kong kinagat ang dila habang papunta sa harap. Matapos mag-streching ay bumalik na ako sa linya ko pero biglang may nagsalita sa kaliwa ko.

"Hey, nice lead. But it must be really nice if you have a nice figure," sinamaan ko ng tingin si Zero at unti nalang ay ibabato ko na sa kaniya itong sapatos ko.

Special Cities [Unscheduled] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon