Ok Lang Ako Prt. 1

1 0 0
                                    

📝: Yours Truly
⚠️ SPG : Violent

"Hoi babae, ang pangit pangit mo naman"

My tears started to fall, habang sinisipa sipa nila ako dito sa CR

"Oww, iyakin, hu hu hu" they mimicked me.

Sinabunutan nung isang babae ang buhok ko at tinapat sakaniya

"Pag nakita ka namin, hindi lang ito mapapala mo"

At bigla akong sinampal. Napangisi nalang ako at naiyak pero deep inside pagod na pagod na ako.

Inayos ko na ang aking sarili at naghoody na uli.

At pauwi na sa bahay.

...

"Oh babaita, kamusta naman ang test niyo kanina"

At naalala ko kung pano punitin nung mga babaing iyon kanina ang test paper ko.

"B-bagsak po" sabi ko at kita ko agad yung galit ng nanay ko.

"Pinapaaral ka namin tapos ibabagsak mo lang yung test niyo, ano bang nangyayari sayo, minsan naman may mga nagsusumbong na babae na inaaway mo daw sila"

I chuckled. That brats i guess.

"Wag kangang patawa tawa jan" at sinampal ako ng nanay ko.

"ANO BA! PAGOD AKO, PUPUNTA NA AKO SA KWARTO" nagulat ang aking ina sa pagsigaw ko. Pati ako ay nagulat pero huli na ang pagsisisi

Sinabunutan ako ng nanay ko at dinala sa basement at nilock niya ang pintuan.

"Jan ka 1 week, ipapadrop nadin kita, walang kwentang bata, sigaw nito mula sa labas at narinig ko ang pagalis niya.

Nung nakaraang ikinulong niya ako dito ay di ko dala ang phone ko, ngayon dinala ko ang phone ko sa hoody ko.

Kaya nagphone lang ako habang andon lang. Hanggang sa nakaidlip ako at nagulat ako ng paggising ko ay sinampal ako ng aking ina.

"ANO, NAGDALA KA PA NG CELLPHONE NGAYON, BAKIT, ISUSUMBONG MO SA POLICE?"

"Ma, nakikinig lang ako sa musi-" sinampal niya akong muli.

"Wala akong pake!" At inihagis niya ang phone kong napakaluma na nga lang. Don na ako naiyak, pagod na pagod na ako.

"Pati yang cellphone iiyakan mo, tsk" at lumabas na siya.

...

Pinapakain naman ako pero andon lang ako sa basement ng isang linggo at sawakas eto, pinalabas na ako.

Wala si mama ngayon, pumunta siya sa palengke binalak kong maglayas.

16 yrs old pa lamang ako pero ayaw ko ng mamuhay ng ganto.

Nagimpake ako ng nga gamit na kakailanganin ko at ang mga perang naipon ko. 20k din iyon.

At lumayas na sa bahay ng walang paalam, at walang sulat.

...

Triny kong pumunta sa mga naging kaibigan ko.

"Kadiri ka ghorl, lumayas ka ang bata bata mo pa, wag ka dito ewwy" sagot nung isa.

...

"No way, kinaibigan lang kita para hingian ng pera" sagot nung pangalawa

At ang pangatlo naman.

"Sorry pero hindi ako tumatanggap ng hampas lupa"

Naiyak na lamang ako, ng maalala ko kung pano sila humingi ng mga kailangan nila sakin. Mga peke.

Lumakad ako ng lumakad sa makakaya ng aking paa.

Hindi ko alam kung saan na ako, basta ang alam ko malayo na ako sa bahay.

Umupo nalang muna ako sa bench na nakita ko. Gabi nadin, siguro don nalang muna ako matutulog.

Nakatulala lang ako sa langit habang nakaupo.

"Miss, disoras na ng gabi, bat nasa labas kapa?" Tanong sakin ng lalake na dumaan.

"Ok lang ako" un nalang sinagot ko.

"Miss, kailangan mong umuwi baka mapano ka dito"

"Edi ayus, kung oras kona, oras kona"

"Miss hindi yun ung point ko"

"Then leave, i want to be alone"

"Hay, sige miss, alis na ako" at tumango na lamang ako.

...

Naghoody na lamang uli ako at nakatulala sa langit.

May mga dumadaang lasing pero hindi kona intindi yon.

Tumingin yung mga lasing sakin pero dumiretso din naman sila.

At nakatulog na ako na nakaupo.

...

'Grabe naman yan, natutulog sa kalsada kababaeng tao'

'Mama, kawawa oh'

'Maligo kana girl, nangangamoy na'

Rinig kong mga sabi ng tao  ng pagkagising ko.

Tumayo nalang ako at chineck ang bag ko, andon padin naman ang mga gamit.

Naglakad lakad uli ako at naghanap ng makakainan.

...

Pagkatapos maglakad ng ilang oras ay nakahanap din ng makakainan.

Grabe naman tong bayan na ito, halos puro gamit lang ata ang binebenta walang pagkain amp.

'Ewww' sabi ng mga tao ng makita ako.

"Goodafternoon maam, bawal ka po dito, sorry po"

At lumabas na lamang ako, ayaw kong gumawa ng eksena. At dahan dahang fumaloy ang luhang kanina pa gustong kumawala.

Lahat nalang ng tao tinataboy ako, porke ganto na itsura ko? Judgmental society sucks.

...

To be continued

©️DothyWryts
____________________________________________

I hope you liked it.

Have a nice day.

Fb: Dorothy Faith Young
IG: drthy.fth
_____________________________________________

𝐒𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐢𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 [𝐓𝐚𝐠𝐋𝐢𝐬𝐡] ♡Where stories live. Discover now