MIRELA"ladies and gentlemen, our lady of the evening.." pabitin ng emcee.
Today is my birthday and I am here now at the top of a very long staircase waiting for the emcee to call my name para sa aking engrandeng pagbaba sa hagdan.
"MELIZZA ACY ARCETA!" at dahan dahan na kong bumaba while the beautiful and calm music are starting to play. Nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita habang bumababa ako sa hagdan at habang hawak ang aking gown pataas para hindi ko ito matapakan at madulas.
"There she is ladies and gentlemen, Blooming and lovely!" pahabol ng emcee.
I looked around.
Everything was literally so perfect and magical.
Ang dami rin flash ng camera at may isang malaking screen projector sa harap kung saan nag pop ang isang slideshow video ng aking mga litrato simula ng pagkabata ko. My parents met me at the end of the stairs and their faces were proud and crying. I think tears of joy.
Ito ako ngayon nakaupo sa isang upuan sa harap. Hindi ko na alam gagawin ko dahil oras naman na para kumain pero wala akong gana. Ang aking mga magulang naman ay busy sa pakikipag-entertain sa mga bisita kung kaya't hindi na nila ako napapansin o tinatanong man lang kung gusto ko kumain. Ilang beses ko na rin tinawag ngunit parang hindi ako naririnig dahil ata sa lakas ng music.
Gusto ko magpahangin kaso pag lumabas ako ay mapapagalitan nanaman ako for sure, so I just went straight to the comfort room.
Pagpasok ko ron ay dumiresto ako agad sa salamin. Winide ko ang aking dalawang kamay sa sink at tumitig sa salamin. Tinignan ko aking sarili, parang may kakaiba sa akin hindi ko alam kung ano. Napunta ang aking tingin sa aking brown eyes. Nang tignan ko ito parang bang iba bukod sa alam ko ang pagkakakulay ng brown. Masasabi kong hindi ito kulay brown.
"Bronze? Oo bronze nga! " sambit ko sa aking sarili.
Naalala ko bigla kapag tinititigan ko ang mga mata ng mga magulang ko.
"Diamond? diamond ang mga mata nila, posible kayang totoo ang hinala kong hindi kami taga rito?" I asked myself.
"Your theories are correct." napukaw ng aking atensyon ang babaeng nagsalita.
Pag-lingon ko sa aking likod.
"Tita Alida!" maligaya kong sambit.
Si tita alida ay matalik na kaibigan nila mom and dad. May katandaan na rin ngunit maganda pa rin dahil sa maputing balat nito at blonde na buhok. Tinignan ko ang mga mata nito, diamond. Ngunit bigla bigla itong nawawala rin at nagiging brown.
"Hindi pa rin ba sinasabi sayo ng iyong mga magulang ang totoo?" biglang nagkunot ang aking noo. Nakakapagtaka na pati si tita alida ay parang may alam.
"Based on your expression, hindi pa nga" sabi nito.
"Ang kukulit din kasi ng mga magulang mo eh, sinabi ko ng malalaman at malalaman mo rin naman bakit pinapatagal pa." dugtong nito.
"Ano po ba ang dapat kong malaman?" bigla siyang lumapit at tumabi sakin. Hinagod niya ang mga kamay niya sa aking buhok na parang sinusuklayan.
"Melizza iha, wala ako sa posisyon para sabihin sa'yo ang totoo. Ang dapat ko lang gawin ay ang gabayan ka, hindi sa mundong ito kundi sa mundo natin. Ang totoong atin." naguguluhan talaga ako.
"But, how can I do that if my parents are against it?" bigla akong nakarinig ng pagbukas ng pinto galing sa venue.
"Anak?" narinig ko agad boses at ang pag-aalala sa mukha ni mama at kasunod nito si papa na ganun din ang itsura. Nang matignan nila si tita alida ay walang expression ang kanilang mga mukha para bang inaasahan na nila ito.
"Ang gusto ko lang naman ay mabuhay tayo ng normal tulad ng mga tao sa mundong ito. Ngunit hindi ko inaasahan na mahahanap nila tayo dito."
"Mga tauhan ni Rusałka, ang mga kalaban." Habang nakatingin siya samin ni tita alida.
Bigla kaming may narinig na sigawan. Lahat kami ay napatingin sa pinto.
"Ma? what's going on outside? and kalaban?" tanong ko.
Biglang napatingin si mama kay tita alida tinanguan nito ito. At bigla tinaas ni tita ang kanyang kanang kamay at iniikot-ikot nito.
May hindi maintindihan na binibigkas ito. Ilang segundo lang ay may itim na dimension na lumabas duon. Sabay nito ang pagkalabog ng pinto ng comfort room tinulak tulak na ko ni mama.
"Sumama ka na kay alida, anak" nakita kong nag aabang si papa sa may pinto tila bang prinoprotektahan kami kung sakaling makapasok agad ito.
"Ano ba nangyayari, ma?"ulit kong tanong sa kanila.
"Paano kayo ni Alios, Morri?" tanong ni tita
"Hayaan mo na kami alida, babantayan muna namin ang lahat ng kalaban sa lugar na ito para wala silang masagabal na mortal bago kami bumalik sa mundo natin. Ngunit ipangako mo sakin na iingatan mo si Acy. Wag na wag mo munang ipagsabi sa kahit kanino kung sino ang mga magulang niya." pagmamakaawang sabi ni papa.
Unti-unti nang nasisira ang pinto gawa ng may pumipilit pumasok.
"Huwag na huwag mo rin s'yang dadalhin sa tethoris." sambit ni mama habang malalim na titig ang binigay kay tita.
"Sapagkat maraming nagkakalat na kalaban sa Tethoris. Hindi sila tumitigil hangga't 'di nila nahahanap ang gusto nila, kaya ipangako mo sa'min alida" dugtong ni mama
"Sa lahat ng ginawa niyo para sakin ito lang ang magagawa ko, kaya pangako." sabay nito ang tuluyan ng pagkasira ng pinto.
"halika na melizza!" nauna nang pumasok si tita alida
Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko at naguguluhan pa rin sa nangyayaring iyon.
"Acy, ano pang ginagawa mo sumunod ka na." nag-aalala akong tumingin kila mama na nakikipaglaban.
Dahan dahan akong sumunod at bago ako makapasok, hindi ko maiwasang tumingin sa aking mga magulang kung pano sila makipaglaban para lamang protektahan ako.
hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili magkikita pa kaya kami? biglang lumingon ang aking ina sa akin.
"Pangako anak, babalik kami magkikita pa tayo."
Huling salitang narinig ko bago ako pumasok sa itim na lagusan.
BINABASA MO ANG
The Crown in the Dust
FantasyThis story is pure fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual event or person is entirely coincidental. The cover photo I used...