Kabânata 4

1 0 0
                                    


MELIZZA

Papunta na kami ngayon sa aking magiging kwarto, habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapatingin sa mga suot ng mga tao dito. Honestly, ang gaganda't gwapo naman nila sa mga suot nila old fashioned dress ang sa girls and any color na suit naman sa mga lalaki. Ang nakakapagtaka lang bakit may mga taong nakakaranas ng ganitong karangyang buhay pero may mga taong nagugutom at sinusubok mamuhay sa labas.

"Who is she?"

"I think new student"

"May kamukha siya"

What are they talking about? may kamukha? ako? hindi ko na napakinggan yung ibang pinag-uusapan nila, sapagkat naramdaman ko ng huminto kami at napagtanto ko nalang na nasa tapat na kami ng pinto.  

When I entered to my room hindi ko masasabing malaki o maliit,  tama lamang sa akin ang laki nito.

"Nandiyan ang magiging damit mo sa cabinet, alpha andromeda. Goodluck!" nakangiting sabi nito bago umalis.   

Alpha Andromeda?

Naligo na ko at naghanap ng masusuot, para naman hindi ako malate sa first day of school.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin nang sinukat ko ang napili kong damit sa cabinet isa itong pang 80's na dress kulay peach at brown ang mga outline.

Naglalakad na ako ngayon para sana pumunta sa magiging classroom ko, nang may bumangga sa'kin muntikan na kong mapaupo sa sahig at buti nalang ay nabalanse ko ito agad. Tinignan ko ang walang modong bumangga sakin.

"Bulag ka ba? kita mo ng may tao, namamangga ka pa" pasigaw ko rito.

Buti nalang kaming dalawa lang ang nandito., nakatalikod ito kaya kailangan ko pang sigawan din.

Lumingon siya sakin at gilid lang ng mukha ang kita ko sakanya. 

"Paharang-harang kasi" sabay lakad nito paalis. 

Parang familliar yung boses sakin, pinabayaan ko nalang kaysa mabadtrip ako kauna-unang araw ko dito.

Naliligaw na ata ako sa laki ba naman nitong palasyo na ito, sa tingin ba nung giselle na yun mahahanap ko yung room ko. Bakit di man lang kasi sinabi kung saan, naisipan ko ng magtanong dahil baka malate pa ko at mapagalitan.

"Excuse me po? Alam niyo po ba kung saan ang room ng Alpha Andromeda?" sinubukan kong banggitin ang sinabi ni giselle kanina, nagbabaka-sakaling tama ang hinala kong section ko 'yon.

"Narinig niyo yon?"

"Andromeda siya? kabago-bago ang swerte"

"Nandun lahat ng hulog ng langit, te!"

"Gaga nakalimutan mo na ba si Aiden sa Cygnus?"

"Hoy! Ang dadaldal niyo!" sigaw nitong napagtanungan ko at inirapan lang nila kami at umalis na.

"Pasensya na sa kanila ah, duon din ang punta ko tara, sabay na tayo." sabi nito at habang naglalakad kami ay marami siyang kinukwento sakin tungkol sa lugar na ito. Tulad ng may limang klase ng alpha o kumbaga sa mundo ng tao, section. Ang pinakamataas ay ang Alpha Cygnus sumunod naman kami ang Alpha Andromeda at ang pangatlo ang Alpha Draco pang-apat ang Aquila at ang huli ang mga minor palang o bata ay 0rion. Madali siyang pakisamahan kasi friendly at masiyahin.

"Oo nga pala, ako pala si Ysa Freud, ang dami dami ko dinaldal 'di man lang tayo nagpapakilala." sabay tawa nito at napangiti naman ako.

"Melizza Arceta" sabay abot ko ng kamay niya. 

Nang tignan ko siya, ang kanyang mukha ay gulat na gulat.

"Kaano-ano mo si Aiden Arceta?" tanong nito sakin. 

The Crown in the DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon