MELIZZA"Maghanda ang dalawang babanggitin kong pangalan, sila ang mauunang maglalaban" sabi ni Mister Vector.
Ito ang unang araw na magagamit ko sa ibang tao ang aking kapangyarihan. Sana nga lang ay magawa ko ito nang maayos, baka mamaya ako lang ang tatanga-tanga. Sayang ang puntos na makukuha ko.
"Ysa at Mazu!" dumiresto ang dalawa sa gagamiting panlaban at kaming hindi natawag ay gumilid para manood sa kanila.
Kumuha sila ng kanya-kanyang armas. Ang kinuha ni Ysa ay isang Bow & Arrow at Dagger. Samantalang kay Mazu naman ay isang Daywalker Sword.
Pumwesto silang dalawa sa gitna at biglang nalang lumiwanag ang kanilang mga katawan. Ilang sandali lang ay nag-iba ang kanilang mga damit from Long dress to Sleeveless fitted croptop and shorts naka boots at kneepads din si paloma color brown and white ang kulay nito. Samantalang kay mazu ay nakapangjudo type ang top nito na kulay white at long skirt na black, nakapuca din ang mga buhok nito.
Sa postura pa lamang nila malalaman mong may taglay na silang kaalaman sa pakikipaglaban.
Inunahan agad ni ysa ang pag-atake, nagpakawala ng isang arrow ito patungo kay mazu at buti nalang nakailag agad ito. Biglang sumugod si mazu kay ysa at inaatake niya ito gamit ang kanyang sandata. Sinasangga naman ni ysa ang mga atake ni mazu gamit ang bow niya. Nagkakaroon na ng gasgas ang bow ni paloma kung kaya't kinailangan niyang lumipad sa likod ni mazu at kinuha niya ang kanyang dagger sa kanyang bewang at binigyan niya ng hiwa ang kaliwang kamay nito.
"Aray!" ungol sa sakit ni mazu at halatang hindi nya ito inaasahan mula kay ysa.
Nagbago ang ekspresyon ng aking mukha, hindi ba delikado ang aming ginagawa? paano kung mapunta ito sa hindi inaasahan.
"Don't worry, healing ang power na mayroon si Mister vector" bulong sa akin ni ysa, napansin ata n'yang nag-aalala ako.
Kinuha ni mazu ang kanyang sandata bigla itong lumingon sa likod nakita niyang tatakbo palayo si ysa nang nagantihan niya agad ito nagkaroon ng malaking hiwa ang likod nito. Nang makalayo-layo na si ysa, bigla niyang tinuro ang mga paa nito at nagkaroon ito ng lubid upang hindi ito makatakbo pa. Kukuhanin na ulit sana ni ysa ang kanyang dagger para tanggalin ang lubid na nakakabit sa kanyang mga paa.
"AAHHH!" sigaw ng malakas ni mazu kaya nagkaroon ng pansamantalang lindol sa training room at napatakip kami ng mga tenga dahil sa tinis at lakas ng boses nito.
Ginawa niya iyon para maalis ang atensyon ni ysa sa pagtanggal ng lubid nito sa paa, nang matigil ang naganap na lindol ay biglang tumakbo si mazu sa kinaroonan ni ysa. Kaya't dali-daling kinuha ulit ang dagger at tinatanggal ang mga mahihigpit na nakataling lubid sa kanyang mga paa, palapit na ng palapit si mazu sa pwesto niya at base sa mukha niya ay kinakabahan na ito.
Ngunit bago makarating ng tuluyan si mazu ay natanggal na ni ysa ang mga lubid at agad niyang kinuha ang bow at arrow nito at itinutok kay mazu. Nagliliparan na ang limang pana sa pwesto ni mazu nang bigla siyang gumawa ng barrier sa kanyang katawan upang hindi siya matamaan nito, nagbounce lang ang mga pana sa barrier at bumaliktad ito ng pwesto kaya ngayon ay patungo na ito sa pwesto ni ysa. Hindi na mapakali si ysa dahil limang pana ang papunta sa kanya hindi niya na alam kung papaano ito maiiwasan, papalit lang ito ng papalit nang bigla itong naging abo isa-isa.
"40 points for Mazu and 20 points naman kay Ysa" tumingin kaming lahat sa nagsalitang si mister vector na ngayon ay unti-unti niyang binaba ang kanyang kamay.
Siya pala may gawa non.
50 points lang daw ang pinakamataas na puntos dahil madali lang naman daw 'tong training namin kumbaga sa gagawin naming mga activity next time.
"Next is Akki and Volt but this time may illusions akong gagawin" kumuha ng Bard Sword at Chain Mace si akki samantalang si Volt ay ni isa ay walang kinuha. Na-amazed akong tumingin sa kanya, masyadong confident si volt ah.
"Yabang, matatalo rin 'yan" biglang salita ni fin sa gilid.
Bigla nalang nag-iba ang paligid kung kanina ay nasa training room kami, ngayon ay nasa pinakataas at pinakamalawak kami ng gusali.
Madilim na rin ang paligid at sobrang lakas ng hangin.
Pumwesto ang dalawa tulad kela mazu at ysa ay nag-iba rin ang mga suot nito. Hindi rin tulad kanina na umatake agad ang isa, ito naman ay naghihintayan silang dalawa tila ba humahanap ng tyempo kung kelan aatake. Nakakatakot ang aura ni akki ngayon, may mga shadow ang kanyang paligid na katawan. Dahil alam mong desidido siyang makakuha ng mataas. Ganoon din si volt na kalmado lang. Inihampas ni akki ang hawak niyang chain mace sa sahig kaya nagkaroon ng crack ang pinagbagsakan ng hawak niya.
"Magtititigan lang ba kayong dalawa d'yan? nakakainip kaya, magpatayan na kayo!" inip na sabi ni Eli habang naka-indian sit pa.
Nakita ko ang ibang kasama ko ay nakaupo na din at si fin ay nakasandal lang sa pader.
Nagulat kaming lahat nang nagkaroon ng liwanag ang paligid pagtingin namin kay volt ay nagkakaroon ng parang spark ng electricity ang kanyang likod at umiilaw na ang kanyang mata. Maya-maya lang ay inaatake ng magi ni volt ang pwesto ni akki kung saan man ito mag punta ay duon din ang tama ng spark.
Nang papunta si akki sa pwesto ko ay may papalapit din sa kanyang spark kung kaya't agad siyang lumayo sa'kin ngunit nang makita kong hindi nawala ang spark alam kong naging papunta ito sakin. Papalapit na ito nang papalapit sakin, hindi ko alam gagawin ko nagpalingon-lingon na ako sa paligid.
Napapikit nalang ako at naghihintay na tumama sakin.
Ngunit makalipas ang limang segundo na walang tumama, una kong idinilat ang aking kanan na mata para masigurado. Nang makita kong ayos naman at tuloy-tuloy lang ang laban ng dalawa. Parang nothing happened lang ha? napagtanto ko rin na may nakayakap sa'kin, ang kanang kamay n'ya ay nasa harap ng bewang ko at likod nya ang pangsangga kung sakaling makukuryente ako ng magi ni volt.
"Be careful, next time. Isip at katawan ang ginagamit" bulong ni fin at umalis.
Nakita kong papalapit na sila ysa sa akin na nag-aalala.
"Ayos ka lang ba, melizza? muntikan ka na ron" pag-aalalang tanong nila, tumango lang ako at tinignan ko ang pwesto ko kanina may konting gasgas ang sahig at umuusok na ito.
"42 points volt and 35 points akki. Next Fin and Eli" nagulat ako ng nagsalita na ng puntos si Sir.
Ang bilis naman non.
Nakita kong nakahiga na si Akki sa basang part at puro galos galing sa spark, nang tignan ko naman si volt ay puro dugo ang dalawang balikat nito at may gasgas din sa pisnge galing siguro sa sandata at chain mace ni akki.
Biglang nag-iba ang paligid nandito kami ngayon sa field, ngunit hindi ko alam kung saang lugar ito dahil panigurado ako ay hindi ito WairFith Kingdom.
Naghanda silang dalawa ang kinuha ni Eli ay isang Maximus Gladius at kay Fin ay Oatkeeper. Ang gaganda ng mga suot nila bagay sa kanila.
"Pre, alam kong mas magaling ako sa''yo pero easy lang tayo ah, baka patayin mo ako" birong sabi ni Eli at ngumiti pa ito.
Bigla silang sumugod dalawa sa isa't-isa, inaatake ni Eli ng mabilis si Fin ng kanyang sandata pero dahil super speed at super strength ang mga ability ni Fin nagagawa niyang mas mabilis na isangga ang pag-atake ni Eli at ngayon ay si Fin naman ang umaatake dito. Pag-ikot ni fin ay bigla niyang malakas na hiniwa si Eli sa dibdib nito, kung kaya't nagkaroon ng punit ang damit ni Eli.
Napaatras si eli sa hapdi at dumudugong dibdib nito.
"fvck! ang maganda kong katawan!" napairap nalang ako sa hangin.
Bigla niyang itinaas ang kanyang mga kamay at nagkaroon ng maraming liwanag na espada sa paligid niya, halata mong susugurin bigla ng mga espada ang kinaroroonan ni Fin.
Maya-maya lang ay hinarap ni Eli ang mga palad nito kay Fin at eksakto rin na nagsisunod ang mga espada.
Hindi ito gumagalaw sa kanyang pwesto at nakatitig lang ito kay Eli.
Papalapit na ng papalapit ang mga espada kay Fin, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit hindi s'ya kumikilos?
BINABASA MO ANG
The Crown in the Dust
FantasyThis story is pure fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual event or person is entirely coincidental. The cover photo I used...