Kabânata 2

1 0 0
                                    




MELIZZA

Tulala pa rin ako sa nangyayaring iyon, umayos lang ako ng may narinig akong nagkakagulo.

"Ilabas nyo na ang hinahanap namin!"

"Huwag nyong intayin na maiwan kayong walang malay at duguan dito"

"NASAAN!?"

There are people who are kneeling at halatang walang laban sa mga malalaking tao na may full of gardbrace sa kaliwang kamay. Ang kanilang pambaba naman ay may cuisse sa binti at poleyn sa kanilang tuhod mayroon namang greave at sabaton hanggang paa. At pinatungan ang bewang ng fauld of four lames at sa baba nun may tasset. Meron din hawak na longsword.

"wala po talaga kaming alam, parang awa n'yo na" pagmamakaawa ng mga tao.

I am suddenly pulled by tita alida into a corner that have filled wood.

"Villanian ang tawag sa mga taong nakaluhod na iyon. at barclay naman ang tawag sa mga walang pusong taong iyon." tita said. They individually enter all the houses here at binubulabog ang loob tila ba sinisira para lang mahanap ang gusto nila.

"What is this place?" biglang lumingon si tita sakin na kanina lang nakatitig sa mga iyon.

"Tethoris" pag-aalalang mukha ni tita.

"Hindi po ba dito yung sinabe ni ina na delikado ako? bakit dito tayo napunta?" hindi ko mapakaling tanong.

"Hindi ko rin alam kung bakit, pero isa lang ibig sabihin nito may dapat kang matuklasan dito."  biglang may paparating na mga kabayo sa harap ng mga barclay. At napahinto ang mga ito sa kanilang mga ginagawa ng makita kung sino ang pababa na lalaki dito, batid sa kanila ang takot. Hindi ko makita ang mukha ngunit nakasuot siya ng full plate armor at may claymore sword.

nang tuluyan na siyang makababa, he removed the galea armor on his head.

Nang titigan ko ang kanyang mukha. Matangos ang mga ilong. mapupula ang mga labi. pa v-shape ang mukha at nakatagilid pa siya sakin kaya kitang kita mo yung jawline niya. yung buhok niya naman straight lang ito na hinati sa gilid. At matangkad din, o sa madaling salita para syang boy version ko as in. Ang pinagkaiba lang ay ang mga mata niya ay kulay ginto.

Biglang natigil ang aking pagtitig sa kanya ng hatakin ni tita ang aking mukha papunta sa kanya para siya ang aking tignan.

"Melizza, it's not the right time for you to see him. Kung alam ko lang na siya ang dadating at dapat mong makita sana umalis na tayo kanina pa." bigla nalang natumba ang isa sa mga kahoy dito sa tabi namin dahilan din kung bakit nagkaroon ng ingay at napatingin ang mga taong tinataguan namin.

"Sino ang nandyan!?"

Sigaw ng lalaking nang kaninang aking tinitignan.

"Hindi ka pa niya dapat makita, Halika na melizza" at winawangis niya nanaman ang kanyang kamay para sa black dimension.

Naramdaman ko naman ang mga bilis ng yapak na papunta sa kinaroroonan namin.

"Tara na!" nauna na ulit si tita na makapasok at sumunod ako ngunit bago pa man ako makapasok naramdaman kong nakarating na ang lalaking kanina kong tinitignan sa kinaroroonan namin.

Ngunit likod lang ang makikita sakin, kaya dali dali akong pumasok sa black dimension.

Paglabas namin tulad lang din sa Tethoris kung saan puro bahay ngunit ang kaibahan lang ay katamtaman lang ang laki ng mga bahay at puro bato at kahoy lang na walang pintura. Mas pinaganda nito ng gabi dahil sa mga lampara ng bawat labas ng pinto ng mga bahay. At kumpara sa Tethoris na maingay at magulo dito ay napakatahimik para bang nasa probinsya.

"Kamachya, yun ang pangalan ng lugar na ito. Dito ka pansamantalang titira, halika sumunod ka sakin" dire-diresto lang siya at bawat bahay ay binabati siya.

"Buti nakabalik ka na, alida?" tanong ng isang babae.

"May kailangan lang akong alagaan at bantayan." sagot nito.

Nang makapunta kami sa aming titirhan isa lamang itong normal na bahay. Hindi gaanong kalaki pero tama lang sa pandalawang tao. Pagpasok na pagpasok namin bigla nalang nagsalita si tita.

"Ang lugar na kamachya mas tahimik ikumpara sa tethoris sapagkat mas malapit itong lugar na ito sa wairfith kingdom. Kaysa sa tethoris na mas malapit sa Khisfire, kung nasaan si Rusałka at dito mas ligtas ka kesa doon. At ipapaalala ko sayo, melizza, wag na wag mong babanggitin ang pangalan kung sino ang mga magulang mo sa kahit kanino. Hindi pa pwede hangga't hindi ka nakakapunta sa wairfith at hindi pa nakakabalik ang iyong mga magulang."

"Ang mga tao dito pili lang ang nabibiyayaan ng mahika. Dahil mas marami ang may kakayahan lamang, ngunit mahalaga parin iyon. Kaya wag na wag mong kukutyain ang mga taong kakayahan lang ang meron dahil kayang kaya ka parin nila pabagsakin." dugtong nito habang naghahanda ng panghapunan.

Napatingin ako sa bintana, kahit gabi na kitang kita mo pa rin ang ganda ng paligid dahil sa mga ilaw ng kalsada at mga punong napapalibutan ng alitaptap. May mga hangin na tumatama sa aking mukha, napapikit ako.

Sa lamig nito at simoy ng hangin, mararamdaman mo kung gaano kaligtas ang lugar na ito.

Tahimik kaming kumakain ng hapunan ni tita nang hindi ko mapigilan na magtanong.

"Kilala niyo po ba kung sino ang hinahanap kanina, na anak daw ng hari at reyna?" pagkabasag ko ng katahimikan.

Napatigil si tita sa kanyang kinakain.

"Sino rin po 'yung lalaki kanina na bawal kong ma-meet agad?" dugtong ko.

"Hindi ko alam, sino ang tinutukoy nila" sagot nito. "Kumain ka nalang riyan, melizza. Maaga pa tayo bukas" hindi pagsagot sa aking tanong.

Hinayaan ko nalang at baka pagod din si tita.

Nakahiga na ko kanina pa. Hindi naman mainit, wala rin naman mga insekto pero hindi ako makatulog at paniguradong ang laki nanaman ng eyebags ko nito bukas dahil sa kakaisip ng sagot sa tanong na hindi naman nasagot ni tita alida. Isama pa na baka ano oras na ko magising nito at mayari ulit ako.

The Crown in the DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon