I

16 4 0
                                    

“Bria, let's go," todo hila ako sa isa kong kaibigan na ayaw pang pumunta ng dance floor. Mugtong mugto ang mata kaya napailing na lamang ako. Hawak ko ang alak sa isang kamay. Binaba ko muna iyon sa table namin at dalawang kamay na ang pinanghahatak ko pero hindi talaga papatinag yung kaibigan ko. Nagpupumiglas pa rin siya sa pagkakahawak ko sa kanya.

“Bria! Ano ka ba. Sayang ang binayad natin," umiling ako lalo ng bigla siyang lalong umiyak. Doon na ako sumalampak sa sofa. At uminom. Damang dama ko ang init sa lalamunan ko non. Wala ata talaga akong choice kung hindi tumambay muna dito sa table namin. Ang iba naming ka-block ay nakikipagsayawan na kung kani-kanino. Habang kami dito ay nagte-teleserye pa.

Tinulak niya ako kaya muntik na matapon ang basong hawak ko, “Gaga ka kasi! Kung sino sino pa rinireto mo sakin," at doon na ako napatawa kahit halatang namumula pa yung mata niya. Napatawa nalang din siya sa pagtawa ko. Wala naman din akong choice kung 'di yakapin nalang din siya.

“E kung nakita ko lang talaga iyon. Hinampas ko pa sa kanya yung pinagmamalaki niyang babae," umirap ako at todong hinatak siya ulit. Hindi ako pamilyar sa kung anong klaseng bar ang pinasukan namin dahil naki-in lang talaga kami sa mga blockmates namin. Maliit na area lang ito, at sobrang daming tao at estudyante dahil katatapos nga lang ng “hell week”.

“Drinks, ma'am?" Tumango si Bria habang ako ay umiling. Pinandilatan ko yung kasama ko habang umirap ang din siya sa akin. Kinuha ko ang cellphone para na rin tawagan si Papa para sunduin kami dito. Siguradong bugbog ako nito paguwi.

Hindi pa sinasagot ni Papa ang tawag nang hatakin ako ni Bria! Ngayon, siya naman ang nanghihila sakin habang patalon talon siyang papunta sa dancefloor. “Ano ba yan, Bri! Magpasundo na tayo.” Umiling lamang siya sakin.

“Ayoko nga! Diba sabi mo, sayang bayad? Libre mo tonight ha!” At waa na rin akong nagawa kung ‘di magpadala sa paghatak niya sakin. In-off ko ang cp ko at inilagay iyon sa aking bulsa. Mukhang mas tatagal pa nga kami dito kesa sa inaakala ko dahil nagkamood na yung tropa ko.

Wala pang ilang minuto, nagulat kami nang parang may biglang nagsapakan malapit sa stage.  “What the fuck?" Lahat ng asa dance floor ay napahinto at ang iba ay bumalik sa kanya kanyang table. Habang ang iba ay kinuha ang bag habang hinahatak ang iba nilang kasama para umalis.

“Ang pabibo naman non!” At pinandilatan ko si Bria. Itong babaeng talaga na 'to! Walang paawat yung bunganga. Tinitigan ko kung sino man yung nakipagsuntukan malapit sa stage. Thank God, I now have the reason to leave.

Patay ang sindi ng ilaw at naaninang ko ang lalaking tumayo. Magulo ang buhok ng lalaki. He’s wearing a jeans and a polo shirt. Hindi naalis ang tingin ko sa kanya habang ang ibang nasa gitna ng dance floor ay pinagmumura siya, habang ang iba ay naguguluhan. Kinuha niya ang mic sa isang lalaking kumakanta.

“Ehem, sorry for that,” the guy chuckled. Hindi naalis ang tingin ko sa lalaki. Hinatak-hatak din ako ni Bria sa table namin. At akmang nagaayos ng gamit. “Umalis na tayo!” Nang hahatakin niya ako ay doon muling nagsalita ang lalaki kaya napatigil kami pareho.

“What is love nga ba? Love is undeniably stupid. Masasaktan ka ng paulit ulit habang umaasa doon sa taong akala mo mamahalin ka talaga. Maraming tao ang nagiging delusyonal habang nagmamahal,” napatahimik ang lahat. Hindi ko alam pero sobrang pamilyar ng boses niya. Ang mata niya rin ay hindi mapakali parang may hinahanap.

“Bakit nga ba ako tumayo dito para istorbohin yung saya niyo? I just wanted to say na habang may oras pa, magmahal lang kayo at wag na wag niyong isuko yung nararamdaman niyo hanggang alam niyong tama.” Mali, hindi ako magpapaka bobo para lang sa pagibig. I won't sacrifice my sane for that.

May iilang bouncer na ang malapit sa stage para yata awatin siya. Nang mapansin niya iyon, dali-dali niyang sinabi, “Venice...” At doon na rin ako nagpadala sa hatak ni Bria. Hindi ko na rin nakita kung ano ang sumunod na scenario nang akmang susugurin na siya ng guard. At iyon na pala yung simula sa storya kong magulo.

Hindi ko alam kung ako lang pero nung sinabi niya yung pangalan ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Tila ba kilala namin ang isa't isa.

“Venice!”

Love, Venice [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon