Enjoy reading!
---
The Devotion of Damien and Augustus
"Hoy, Damien! Nandito na naman yung manliligaw mo! Paalisin mo nga. Hanggang banyo sinusundan ka."
Inis na sabi nu'ng isa naming team mate na laging nakakasaksi ng pagsunod-sunod ni Haven sa kanya. Tumango siyaat tinapos na ang pagligo niya. Baka mamaya ay asarin na naman ng mga lalaking yon si Haven at kung ano pang gawin. Men's bathroom pa naman ito.
"Ang epal mo! Sana mainjured ka!"
Rinig na sigaw ni Damien ng nag-iisang babae sa loob ng banyo. Nang lumabas siya ay agad niyang nakuha ang atensyon ni Haven. Kita niya kung paano siya titigan nito. Kita niya rin kung paano nito gamitin ang mga mata upang ipahayag ang nararamdaman nito sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?"
Sa sobrang pagtitig ng dalaga ay hindi na nito nalaman na nasa harap na niya ang binatang si Damien. Nakabalik lang ata siya sa reyalidad ng itulak nito ng hintuturo ang noo niya. Pero nilagpasan rin niya ito upang kumuha ng mga damit na isusuot dahil may dinner pa silang pupuntahan kasama siya at ang barkada nila.
"Eto kasing manliligaw mo, sinusundo ka na."
Singit ni Augustus na halatang pinagtitripan si Haven. Bahagya nilingon ni Damien ang dalawa ng hindi siya nahahalata.
"Hindi nga niya ko manliligaw!"
"E ano nga? Manghahabol?"
Nagkaroon ng katahimikan sa dalawa. Nang lingunin niya ay masama ang naging pukol ng mga mata ni Haven kay Augustus dahilan para pumagitna na si Damien sa dalawa.
"Tama na yan."
Hindi na bago sa pandinig ni Damien na tinatawag na manliligaw niya ang kaibigang si Haven. Parang kahit sino ay ganoon ang tingin sa dalaga dahil sobrang vocal nito sa nararamdaman niya kay Damien. Nga lang ay hindi niya magawang saktan si Haven dahil iniisip niya rin ang matagal nilang pinagsamahan.
"Mauna ka na sa labas. Susunod na lang ako."
Nang mapansin niyang hindi ito sumagot ay isinara na niya ang kanyang locker at napabuntong hininga. Hindi na naman kasi ito nakikinig.
"Narinig mo ba ang sinabi ko?"
"Ay, sorry. Ano ba yon?"
"Sabi ko, mauna ka na sa labas. Sabay na lang tayo mamaya sa sasakyan patungo sa Helen's Achilles Restaurant."
Tinignan ni Augustus ang pagsunod ng tingin ni Damien sa dalaga. Natawa ng bahagya si Augustus ng kahit wala na sa paningin ni Damien si Haven ay nakatingin pa rin ito sa pintuan. Doon ay tinapunan ng tingin ni Damien ang kaibigan habang nakataas ang isang kilay.
"Gusto mo?"
Kumunot ang noo nito at bahagyang kinabahan. Hindi siya sumagot at hinintay ang susunod na sasabihin. Hindi pa ganoon kalalim ang pagkakakilala niya kay Augustus di kaktulad ng ilan nilang barkada. Si Risa lamang ang nakakakilala ng lubos dito dahil sila ang magkababata kaya hindi niya matantya ang ibig sabihin nito.
"Ako gusto ko."
Noon pa lamang ipakilala ni Risa si Haven kay Augustus ay nagustuhan na agad na niya ito. Siguro sa kanya gumana ang mga salitang love at first sight. Corny sa perspektibo at bokabularyo niya, pero iyon talaga ang totoo. Matagal na niyang gusto si Haven.
Buo ang loob ni Augustus na kausapin ang binata lalo na kapag naaalala niya kung paano nalulungkot si Haven sa tuwing iniisp nito na hindi siya gusto ni Damien.
"Kung hindi mo naman kayang akuin, ibigay mo na lang."
"Humihingi ka ba ng laruan?"
Matapang na tanong ni Damien kahit na ramdam niya kung saan papunta ang usapan na to. At hindi, hindi ang sagot niya kahit na makiusap ito sa kanya.
"Laruan ba siya para paglaruan mo?"
Tila napikon si Damien sa binitawang salita ni Augustus dahilan para itulak niya ito sa locker gamit ang siko at iipit ito sa leeg ng kaibigan. Ngumisi lamang ang nanunua na si Augustus at itinaas ang dalawang kamay.
"Chill. I was just asking."
"You're accusing me."
Madidiin ang mga salita ni Damien. Halatang pinipigil ang sarili na makasakit lalo na at kasama niya ito sa circle ng kaibigan niya.
"You won't go beyond violence if you're not guilty."
"So you're really accusing me."
"Not really. But I want it to come straight from your mouth."
Itinulak pang muli ni Damien si Augustus na itinawa lamang ni Augustus at inaayos pa ang kanyang buhok. Satisfied na napikon niya ang lalaking kaagaw niya sa babaeng minamahal niya.
Inayos niya ang pagkakahawak sa athletic bag niya at seryosong tinignan si Damien.
"I love her. If you can't love her back, set her free. Ikaw lang ang makakagawa non para magmahal ng iba si Haven. Hanggang walang abiso mo, patuloy siyang maniniwala na kaya mo siyang mahalin pabalik."
Those are the days that Haven still have all the courage to love him without asking him to give the love that she want from him immediately. And those days are gone mad. It was now revolving on another man now.
He already prepared himself if Haven went back with someone and introduce in to his face. As much as he wants, it was someone he didn't know.
Damien slowly walk out the room while feeling the heavy pain since he enter. He can't just swallow the hard reality. Not now especially he waited 8 years to see her again.
"Cheers to the newly engaged couple!"
Tears escape from his eyes as he closed the door.
Selfish may it sound, but he wants Haven all by himself. He believes Haven's last words before she finally flew away from him. He didn't thought that it will pain him so much he can't breath.
---
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events or locales is entirely coincidental.
Date Started: July 15, 2020
Date Finished:
You can follow me on twitter for some updates about the story @talonggest. It was a new one so, the timelines are empty :)))))) thank you for waiting. Loves!
BINABASA MO ANG
The Devotion of Damien And Augustus
FanficDamien was chased by Haven for a longer time not until she felt the misery of loving him and finding out the truth. While Augustus was just watching them silently on the corner while loving Haven secretly as he knows how she loathes him.