Aya's POV
*Tok Tok Tok*
"Aya, kakain na ng dinner, bumaba ka na." dinig kong sabi ni Dad.
"Susunod nalang po ako!" sigaw ko at nagsimulang mag-ayos.
Habang nakatingin sa salamin, sinipat sipat ko muna ang kabuuan ko.
'Anlaki na ng pinagbago ko.'
Tumingkayad pa 'ko at ipinorma ang puwetan ko.
'Oha, pak!'
Maya maya pa, napatitig ako sa repleksiyon ko. Nagbago na nga ako. Nagbago ngang talaga.
Hindi ko na pinansin pa ang itsura ko at bumaba nalang. Naabutan kong nag-aayos sa hapag si Exile habang namamangha naman siyang tinitignan ni Mom.
'Chef, huh?'
Tinaasan ko lang siya ng kilay nang mapagawi ang tingin niya sakin atsaka ako umupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Dad. Ayokong tumabi kay Mom baka magsabunutan lang kami niyan. Maya maya pa, tumabi saking umupo si Exile kaya naman napatahimik nalang ako.
"Kumusta ang 1st day of school, Aya?" sarkastikong pagbubukas ni Mom ng usapan. Pabagsak ko namang inilapag ang kubyertos at tumingin sa kanya ng diretso. "May nagkakandarapang mga babae na naman ba ang sumugod sayo dahil sa pang-aagaw mo sa sari-sarili nilang nobyo?" nanatili ang pagiging sarkastiko nito at maarte pang iwinawagayway ang isang kamay sa ere.
"Paano kung sabihin ko sayong, 'oo'?" namamangha niya naman akong tinignan dahil sa pagsagot ko.
"Hindi na bago. For sure, tatamarin ka na naman mag-aral. Hindi na bago yun hahahaha hindi ko nga alam kung paano ka pa pumapasa dahil d'yan sa katamaran mo." sabi niya pa at parang napipikon na..
"Sabihin na nating tamad ako. Pero sino bang nagsabi na hindi ako puwedeng pumasa dahil may alam ako?" seryoso kong sabi sa kanya at saka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"May alam ka? Ah, talaga? Kaya pala no'ng mga oras na tinatanong kita tungkol kay Athe--"
"Enough!" malakas na sigaw ni Dad na siyang nakapagpatahimik saming dalawa ni Mom.
"Hindi ba kayo nahihiya? May ibang tao sa bahay na 'to, oh!" muli pang sigaw niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ilang months kami mawawala, ayos lang ba hijo?" tanong ni Dad at tumingin kay Exile ng diretso. Sandali pa siyang kumuha ng table napkin at pinunasan ang bibig niya bago sumagot.
"Yes po, tito. Sinabi ko po na tawagan nalang ako if there's a problem." napatango-tango naman sa kanya si Dad.
BINABASA MO ANG
Perfect Romance
RandomMayroong isang babae ang mapaglaro ng damdamin ng mga lalaki, ang hahamakin ng tadhana kung hanggang saan ang kakayanin nito. Mayroong darating sa buhay niya na muling magpapatibok ng kanyang puso na halos walang pinagkaiba sa kanyang dating gusto...