CHAPTER 2

17 4 2
                                    




"Kay Nadya o kaya kay Keevah ka nalang muna pala magpasama, Pibs. Nagtext si Dad, pinapapunta akong Head Master's office." paalam ko at nauna nang tumayo.

"Hindi na. Mamayang uwian nalang ako magpapasama sa'yo baka kase hindi ko makumbinsi si ate na payagan ako kapag hindi ikaw yung magpaalam. For sure, maraming itatanong si ate AHAHAHAHAHA" sagot niya.

"Okay, sige Aya. Ingat. Sa library ka nalang  namin hintayin." sabi ni Nash sabay tapik sa balikat ko. Tinanguan ko nalang sila atsaka tumalikod papaalis.

*FLASHBACK*

"Ano ba 'tong binigay mo? Hindi ko naman kailangan nito. Ang corny pa nung pinagsusulat mo. Bakit ba ang kulit mo?" inis na sabi sa'kin ng binatang nasa harapan ko.

"A-ah hehehe o-osige akin na itatapon ko nalang kung gusto mo--"

"Ako na! Ako na'ng magtatapon nito. Ha! Walang kuwenta! Tabi!" bulyaw niya atsaka ako tinalikuran. Tumulo naman ang luha sa kaliwa kong mata na agad ko rin namang pinunasan.

*END OF FLASHBACK*

"A-aray! Ano ba!?" sigaw ko dahil may nabunggo akong kung sino at sanhi para malaglag yung gamit ko. 

"S-sorry, miss. Ayos ka lang ba?" tanong ng kung sino atsaka inilahad ang kamay sa harap ko pero hindi ko 'yon tinanggap. Bagkus, kinuha ko ang mga gamit kong nalaglag sa sahig. Inabutan niya 'ko ng panyo kaya naman nagtataka ko siyang tinignan. Doon ko lang napagtantong lalaki pala ang nakabunggo ko. Payat, matangkad, perpektong hugis ng mukha, bumabagay din ang gupit niya sa kanya at... mapupulang labi. 

"Miss, heto panyo." sabi niya at tipid na ngumiti. "A-ah, nakita kase kitang umiiyak. Transferee ako kaya kung makikita mo, hindi pamilyar yung mukhang 'to." natatawang aniya sabay turo sa mukha niya. Tinanggap ko ang panyo at ipinunas sa mukha ko.

"Salamat." ngiting sabi ko sa kanya. 

"A-ah, sa'yo na 'yan hehe." tanggi niya nung sinubukan kong ibalik yung panyo niya.

"Sige. Gotta go, bye." nakatungong sabi ko rito atsaka ipinagpatuloy ang paglalakad ko.

'Taon na ang nakalipas pero hindi pa rin kita makalimutan...'

HEAD MASTER'S OFFICE

"Kaya nga napagdesisyunan ko sanang kung may magbabantay sa kanya, mas mapapadali ang pag-alis natin. Para na rin may magsasabi satin kung anong ginagawa niya sa bahay--" naputol ang sinasabi ni Dad kay Tito nang akma itong uupo dahilan para makita ako.

"Hija..." bati ni Dad.

"Maupo ka, Aya." turo ni Tito sa upuan na katapat ni Dad. Umupo naman ako don at nagpapalit-palit ng tingin sa dalawa.

"*sigh* Anak, napagdesisyunan kong kunin si Exile bilang tagabantay sa'yo habang wala kami ni Mommy mo. Siya lang kase ang kilala kong tao na talaga namang katatakutan mo." naguguluhan ko naman tinignan si Dad na kay Tito ang tingin na nakatungo.

"Dad? Naguguluhan ako. Hindi ba puwedeng sila manang nalang ang magbantay sa'kin? Atsaka Dad mygahd 17 na 'ko! Hindi na kailangang bantayan. Ano ako? Bata?" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Look. Kung may kinalaman man 'to sa kahit na sino, ipagpaliban mo muna 'yang galit mo." sabi naman  ni Dad.

"Pero Dad--"

Perfect RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon