"Girls, tignan niyo andito na si Aya'ng haliparot na inagaw yung boyfriend ko." sabi nung babaeng humarang samin ni Phoebe.
"Hoy, Gellian, tigilan mo nga ang kakasabing inagaw ni Aya yung boyfriend mo! Oo-- 'ano' siya.. ano... Playgirl siya pero hindi siya haliparot dahil wala ka namang pruweba na inagaw niya yung boyfriend mo diba?!" sigaw ni Phoebe dun sa Gellian.
"I'm not talking to you, bitch! Aya! Anong ginawa mo't ganon nalang kung maging cold si Felix sa'kin nung isang araw?!"
"Puwede ba?! Kung si Felix mo ang ikinapuputok ng buchi mo jan-- tigilan mo 'ko dahil unang-una, siya ang lumapit at nagpupumilit na ligawan ako kaya huwag kang magiskandalo dito! Sayo na 'yang boyfriend mo!"
"Aba't-- bakit?! Ano bang ipinagmamalaki mo? Na naagaw mo yung atensiyon ng boyfriend mo ganun ba? 'Yan ba ang kaibigan?!"
"Ha! Kaibigan? Bobo ka ba? Sating dalawa, ako lang ang tumuring na kaibigan kaya huwag mo sakin isisi 'yan!" sigaw ko sa kanya sabay hatak kay Phoebe papalayo.
"Nice one, Aya! Akala ko hindi mo papatulan, eh." sabi ni Phoebe nung makalayo kami.
"Hindi ko na kayang pagtimpian pa siya hindi niya alam kung gaanong umiinit yung ulo ko sa tuwing nakikita ko siya!" inis na daldal ko.
"Good morning ma'am, excuse ko po sana si Racy Addison." paalam ni Phoebe sa Prof ng ate niya nung labasin kami.
"Ms. Addison, tinatawag ka ng kapatid mo sa labas." dinig pa naming sabi nung Prof bago lumabas si ate Racy.
"Oh, Aya, Phoebe, anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa'min.
"Ate Racy, .. ipapaalam ko sana si Phoebe--"
"Nako, sure! Tawagan ko nalang si Mom. Kailan ba?"
"Ah, bukas sana--"
"Okay. Behave ka lang Pibs, ha? Ako na bahala kila Mom and Dad. Bye! Muwaps!" sabi niya sabay beso samin.
'Magkapatid ngang talaga!'
"Magkapatid na magkapatid talaga kayo ni ate Racy, 'no?" natatawang tanong ko kay Phoebe.
"Bakit nakakapagduda ba? Eh, sa ganda palang naming dalawa, makikita mo na-- mas maganda nga lang ako." sabi niya sabay ngiti ng malawak.
'Okay na sana, eh..'
"Oh, anong sabi sa inyo ni ate Racy?" bungad ni Nadya pagkaupo namin.
"As usual hehehehehe lakas ko kaya kay ate Racy!" proud na sagot ko.
"Sanaol pinayagan." malungkot na sambit ni Nash.
"Drama mo! Eh, hindi ka pa nga nagpapaalam!" bulyaw ni Yui sa kanya sabay batok.
"Ah, oo nga pala hehe. Mamaya na 'kong pag-uwi magpapaalam." kakamot-kamot sa batok na sabi niya.
"Mamaya rin ako, paano ba kase magpaalam?" nababagot na tanong ni Nadya.
"Sabihin mo lang sa parents mo, "ba-bye!" Tapos!" sabi ni Luke at nagtawanan kami na lalong ikinasimangot ni Nadya.
"Oo, sige! Tignan nalang natin kung hindi ako mabato ng kaldero ni Mom!" inis na sabi niya.
"Ay kaldero lang? May-ari kayo ng isang sikat na hotel sa Manila tapos kaldero lang yung ibabato sa'yo? Dapat rice cooker para sosyal!" singit ni Keevah kaya napuno kami ng tawanan.
BINABASA MO ANG
Perfect Romance
RandomMayroong isang babae ang mapaglaro ng damdamin ng mga lalaki, ang hahamakin ng tadhana kung hanggang saan ang kakayanin nito. Mayroong darating sa buhay niya na muling magpapatibok ng kanyang puso na halos walang pinagkaiba sa kanyang dating gusto...