Biglang may nag pop sa fb ko. Bigla din naman tumawag. Tinitigan ko lang hanggang sa maging Hye Mi Young Aragon missed a call from you nalang sya. Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Shit! Ang bakla. Kaya ko na ba? Kaya ko na bang kausapin sya? Tumatawag ulit sya. Kaya ko na ba talaga? Sinagot ko nalang bigla at biglang bumungad saakin ang buong Levelup! O____O bakit ganyan mga itchura nila? Mga naka costume. Si Dale naka dress na tapos nakawig na pambabae OxO Si tep naka short na maikli at naka fitted skirt -_____- Shiro too. Jv naka pang fairytale. Jaimel is HAHAHAHAHAHAHA! XD Naka backless dress habang nakafokerface. Sheyt! Si hyemi ngiting ngiti. Nakaramdam naman ako ng lungkot. Namiss ko tuloy tong mga kups na to. Esp her ;(
"Sap! How are you?" Jai.
"Omo! Ilong, miss you." HyeMi.
"Where are you now kambal?" Shiro.
"We miss you. Uwi kana!" Stephen.
"Laki eyebugs mo tol. Hahaha!" Dale
"Kelan balik mo?" Jv.Woah. Sunod sunod na mga tanong at salita nila. Grabe, tabunan daw ba ko. Sabay sabay sila eh.
"HAHAHA. Chill! Im here in Los Angeles California. Im fine guys :) Soon i will come back. I refresh my mind and also my hea....Ah! Head. Head! Haha. I miss you all guys. Im going out. Mag gogrocery pa ko, naubusan ng stock. Sige bye!" Paalam ko.
Hindi naman siguro nila ako nahalata diba? Yes. I still have a feelings to her. To my bestfriend. Kung alam nyo lang kung gaano kahirap kalimutan yung babaeng yun. Mahalaga talaga sya sakin. Special pa! Hindi naman nya kasalanan kung nasaktan ako. Kasalanan ko kasi minahal ko sya. Pero kagustuhan ko naman yun. Pero kahit na ganun, hindi sya umiwas. Nandyan pa rin sya para sakin. Kaya lang si shiro, sinabi nyang i take advantage daw. But no, pinabayaan ko sila. Kasi kung saan masaya si HyeMi kahit masakit sakin handa ako. Makita lang syang masaya.
Lumabas na ko ng condo ko at nag-lakad papuntang sa grocery store. Malapit lang naman yun kaya konting lakad lang. Nag-simula nakong mag-lakad at nakarating din naman ako agad. Pumasok nako sa loob at nag-simula ng kumuha ng mga pwedeng makain. Hahaha! Bigla kong nakita yung favorite ni HyeMi na Mogumogu. Meron pala nyan dito? Lumapit naman ako agad para kumuha kaya lang pag-hawak ko may humawak din na isa. Napatingin naman ako sakanya at ganun din naman sya. Nag-sukatan kami ng tingin dalawa habang hawak yung Mogumogu.
"Excuse me?" Sabi nya.
"Oh! Daan." Sabi ko naman. Hindi nya pa din binibitawan yung pagkakahawak sa Mogu. Sino ba tong babaeng to? Tsh, ang arte eh.
"Oh, pinoy ka din. Look oh!" Sabay turo nya sa labas. Tiningnan ko naman din. At bigla nyang hinablot yung Mogumogung hawak ko.
"Gotcha. Thanks, hihi. Bye cute." Sabi nya habang nakangiti. Naisihan ako dun ah. Shiz. Yun lang yung nag-iisang flavor eh. Pano ba yan! Amp. Hayaan na nga. Badtrip naman oh. Yun pang yung paraan para maalala ko si HyeMi eh. Inagaw pa. Aish! Bakit ba si HyeMi nanaman nasa utak ko?! Ugh. Lumapit na ko sa cashier at nag-bayad. Pagkatapos ay lumabas na ko at nag-deretso sa condo.
Nag-bukas ako ng light beer. Tinungga ko lang ng tinungga hanggang sa maramdaman kong tipsy nako. Bigla nanaman nag flashback sakin kung pano kami nag-kakilala ni HyeMi. Kung paano kami naging close. Kung paano ko nakalimutan yung mukha nya nung umalis sya ng Pinas. Kung paano kami ulit nagkita at nag bonding nung bumalik sya sa Pinas. Kung paano ko sya protektahan. Kung paano ko sya ipagtanggol. Kung paano ako nahulog sakanya. Naramdaman kong may pumatak nanaman na luha galing sa mata ko. Napatingala nalang ako sa kisame. HyeMi, mahal pa rin kita. Sorry kung minahal kita. Sorry kung pinipilit kong kalimutan na tong nararamdaman ko para sayo. Gusto ko lang naman maging masaya kana eh. Ayokong makita kang malungkot. Ayokong makita kang nasasaktan. Nandito lang ako HyeMi kahit anong mangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/29610303-288-k7340.jpg)
BINABASA MO ANG
Playfulfate.
Teen FictionPlayful fate. Writter by ChayQtqt via Ehm. Naranasan mo na ba pag-laruan ng tadhana? Hindi ba parang nakakaloko pakinggan. Pero masakit pag sayo mismo nangyari. The worst is they don't know your feelings. Pero hindi lahat ay masakit, kadalasan tinut...