Chapter 31

152 4 0
                                    

Chapter 31 : Shout Out To My Ex

---THEA'S-POV---

"Get your filthy hands off, Gomez! " singhal ng sa hindi kalayuan.

Hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha pero mukhang may kutob na ko kung sino ito. With that husky yet sexy voice, everyone could turn their heads and get attracted to that guy. Boses pa lang niya, agaw pansin na. And i know for sure that if they get to see his face. They would really drop their jaws on the floor.

Teka nga... Ba't ko ba siya pinupuri? Thea naman! Tama na ang kahibangan! He made you his target. Get a grip will yah? Niloko ka ng lalaking yan!

Hinila niya ako palayo dun sa judge na pangisi-ngisi lang. Kinuha niya rin ang towel at siya na ang naglagay sa akin nuon. Hinawakan nito ang aking ulo upang ilagay sa kaniyang dibdib. It's like he didn't want me to see the judge kahit na nakita ko na naman siya kanina. Na-describe ko pa nga kanina diba?

"Stop looking at her, will yah!? Your are looking at MY GIRL! " giit niya habang nakabaon pa rin ang ulo ko sa kaniyang dibdib. I could feel his heart beating erratically.

"Why are you here, dude? First time ah. First time mong pumunta sa match ng pinsan mo. Or... Are you here to see that wonderful girl? And dude... My girl? Your kidding, right? You never had a girl, dude. Wag mo siyang paasahin. " anong paasahin? As if naman na aasa pa ko ulet. No way, dude!

I rolled my eyes and push Drake. Napakahigpit ng hawak niya sa akin kanina, hindi na ko makahinga.

"Wala kong balak umasa. " saad ko kay Kuyang Judge at saka bumaling kay Drake. "Bakit ka nandito? Next batch pa yung pinsan mo, napakaaga mo dumating! " inis kong sabi sa kaniya at saka nagwalk out.

Ang lamig ng pakiramdam ko and my heart is beating so fast. Calm down, heart. Wag kang mahulog ulit diyan. Sasaktan ka lang niya.

Mamaya pa naman ang recognition of the trophies kaya mamaya na lang din ako babalik.

I went to my room and took a shower. Ang presko sa pakiramdam. Nakakawala ng init ng ulo kay Drake.

Bakit nga ba nandito yung lalaking yun? Napaka-advance niya ah. Matatapos na ang isang buwan, tiyaka pa siya pumunta dito. Ang ganda na ng nangyayari dito tas bigla siyang eepal. Yung totoo, pinanganak talaga siya para bwisitin ako. Wala na talagang nagawang maganda yung taong yun.

Pero sabi nung Judge baka daw pumunta siya dito para kay Blake. Let's stick on that thought, Thea. Wag kang paapekto. Hay...

Halos mapatalon ako pagkalabas ko ng CR. Nandito kasi si Philip na seryosong nakatingin sa kin habang naka-cross arms. Ano na namang kailangan nito?

Inikutan ako nito na parang sinusuri ang aking katawan. Sira talaga siya. Wala naman siyang masusuri dito eh. Nakamaluwang akong T-shirt at shorts kaya wala siyang mache-check out dito. Baliw talaga.

"Anong ginawa mo? Bakit may dalawa kang fafa kanina? Ang popogi nila besh!! Kaingget ka talaga!! " himutok nito habang nagpapagaspas ng paa habang nakaupong muli sa kama ko.

At fafa? Seriously?

"I didn't do anything. " balewala kong saad at pumwesto sa dressing table ko upang doon mag patuyo ng buhok.

Nagprisinta si Philip na siya na daw ang magbo-blower ng buhok ko. I could do it myself but I'm too tired because of seeing Drake a while ago so i let him. Opo, marunong na ko magblower. It's one of the changes i had.

"Eh sino yung nakipaghilahan kay Judge? "

"Drake. " i simply said.

I saw his reflection in the mirror. Napatango lang ito at nagconcentrate sa pagbo-blower. Onti na lang pwede na siyang maging parlorista. Tsk. May future nga talaga siya.

Being Mr. Gorgeous' Target✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon