Chapter 29

160 5 0
                                    

Chapter 29 : Unexpected Visitor

---DRAKE'S-POV---

"WHERE DID YOU GET THAT NERINE!!?? " buong lakas kong sigaw. Wala akong pake kung matakot ko ang mga tao. Basta't gusto kong malaman kung nasaan si Thea. Desperado na talaga ko eh.

I know I've become a jerk. Pero totoo... mahal ko na talaga siya ngayon. Noong una, akala ko kaya ako nagagalit sa mga umaaligid sa kaniya ay dahil sa ayaw kong maagawan ng laruan. Pero hindi... Kailangan ko siya ngayon. Nagagalit ako kasi nagseselos ako. Ayoko siyang mawala sa paningin ko kasi gusto ko sa kin lang ang atensyon niya.

I can still freshly remember her hurt face from the last acquaintance party. Parang mas lalong sumakit yung puso ko kaysa sa kaniya. I can't bare too see her crying. Mas nasasaktan ako.

Pero sino bang niloko ko? Ako ang may gawa eh. Masyado kong naging kampante. Akala ko walang makakaalam... Na ayos lang kahit nung una ay target ko lang siya, pero ngayon mahal ko na. Pero ang sakit pala. Lalo na nung pinagtulakan niya na ko. Hindi ko naman gustong masaktan siya eh. Pero tang*na! First monthsary palang namin alam niya na! Pero pinagbigyan niya pa rin ako. Ang tanga-tanga ko lang na tao. Pinakawalan ko yung taong nagmamahal sa kin ng sobra. Sobra kong nagsisisi.

"Good bye, Drake"

That's the last thing she said. At that point parang gusto ko na lang himatayin. Hindi kayang i-proseso ng utak ko ang sinabi niya. It's like she's slowly slipping away from my hand... Na parang talagang kakalimutan niya na ko. Ang sakit-sakit.

Tama nga sila. Nasa huli ang pagsisisi.

But I'm winning back my girl. Hindi ako papayag na may makakuha sa kaniya. At mas lalong hindi ako papayag na kalimutan niya ko.

I may be a jerk. But this jerk will have you again, Thea. At any cost, babalik ka sa kin, love. And this time, I'll treat you better.

Hindi ako inimikan ni Nerine, basta't inirapan lamang at bumalik sa upuan niya. But I'm very determined to see my girl. Lumapit ako rito at hinila siya papuntang lounge at doon ko siya pinaupo.

She just look at me while raising her eye brow. "Wala akong sasabihin. " she said.

"Please Nerine. Sabihin mo sa kin kung saan mo nakuha ang video. Sigurado ako na ikaw ang nagvideo nun kaya saan mo yun kinuhanan. I badly want to see my Thea. " pagsusumamo ko rito.

"Tumigil ka nga, Drake. Alam mo, fan na fan mo ko dati. Pero nang makita ko yun... I know for a fact na hindi ka na magbabago. Even the great Thea Valdez can't tame you. Kaya please lang... Wag mo na siya guluhin. Masaya na siya dun. She's recovering from her heartbreaks. And as i can see, she's turning back to her usual self. Minsan mo nang nasira si Thea, wag mo na ulitin. Akala ko ba 'once is enough' ang line mo? Ba't binabalikan mo siya? "

"Because i love her. " i helplessly said.

"Ah talaga? Push mo yan Ah? Neknek mo, Drake! Yan ang hirap sa inyong mga lalaki eh! Kapag inayawan na kayo, tsaka kayo naghahabol! Wala kang mapapala sa kin, Drake. I'm leaving. " she said and made her way back to the Party.

"I'M BEGGING YOU, NERINE! " I shouted and knelt. Wala na kong pake kung kaawa-awa na ko ngayon. Ang makita si Thea na lang ang mahalaga sa akin. And i don't care if i swallow all my pride.

Napatigil ito sa paglalakad at napanganga. Ngumisi ito ng nakakaloko at pumalakpak. "So Drake Bertulfo can really kneel for Thea. " it was a statement she is saying. "So..... Don't care. Isa pa, hindi naman ako ang nagvideo nito. Si-nend lang yon sa kin ni Thea. Nagrequest kasi ako sa kaniya since birthday ng best friend niya. At siyempre pumayag siya. Humopia ka noh? Hahaha!! Buti nga sayo! Para yan sa mga babaeng pinaasa mo! " she said before leaving.

Being Mr. Gorgeous' Target✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon