Chapter 14

225 8 0
                                    

Chapter 14 : Official

---THEA'S-POV---

"That's all for now. You may take your break. " saad ng Prof namin.

At last tapos na rin. Inaantok kasi ako eh. Nanunuod kasi ako ng kdrama kagabi. Ewan ko ba at kinahuhumalingan ko ngayon yung nasa weightlifting fairy. Ang ganda kasi ng storya at bagay na bagay yung mga bida.

Anyways... It's been what? 2 months na yata simula nung maging friends kami ni Drake. Maayos naman kaming dalawa. He's always been so caring. Kaya nga kadalasan kami asarin ng mga tao, daig pa daw kasi namin ang magjowa kung pag-uusapan ang pagiging sweet.

Minsan nagtataka ko sa kanila. Anong sweet? Eh hindi naman ako ganun ka-sweet kay Drake. Mas clingy pa nga siya kaysa sa kin eh.

"Tara na Thea. Maglunch na tayo. I'm famished. " aya niya sa kin at dinala ang gamit ko. Ang sweet lang diba? Para tuloy may naggagalawan na bulate sa tiyan ko.

Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. He's always smiling at me from ear to ear, syempre ngingitian ko rin siya diba? Tyaka para siyang sakit, sobrang nakakahawa.

Mauuna na sana ako sa kaniya dahil tinatawag ako ni France. Pero hinila nito ako pabalik at inakbayan. Kaya ngayon ay sabay na kaming naglalakad papalapit kay France na nakasimangot na ngayon.

"Ano ba Drake! Pakawalan mo naman si Thea. Hindi na kami nakakapagbonding eh. " asar niyang saad.

Tinawanan niya lang ito at hinigit pa ako lalo sa katawan. "Ayoko nga. Dun ka kay David. " asar niya sa kaniya at nagmwestra pa ng 'shoo'.

Ako naman ay tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya. Nagpout naman ito at nakakunot noong bumaling sa akin. Shet lang! Ang gwapo niya ta--- wala pala. Ano ba tong pinagsasabi ko? Umayos ka nga Thea!

"Ang bigat ng braso mo. Tara na nga. " sabi ko sa kaniya at inunahan na siya sa paglalakad.


Nakahabol naman ito sa akin at muli akong inakbayan. Argh!! Ayoko ngang hinahawakan niya ko eh. Pano ba naman, kinikilig kasi ako. Wag niyong ipagsasabi sa iba ah? Sikretong malupit yun mga tol. Marunong kiligin ang isang Thea Valdez.

We sat on a six chair table. Magkakasama na kami palagi nila Drake. Ang alam ko, si David lang ang nanliligaw. Pero parang magaling yata sa moral support yung dalawa niyang ka-tropa, sumasama din eh. Tapos itong si Drake... parang tuko eh. Laging nakakapit sa kin. Andami tuloy naiinis sa kin. Pero anyways, ano pa bang bago? Every girl hates me for being close to guys. Except na lang siguro kay France, Dahlia at yung girl na type ni Alex na hindi naman siya pinapansin. Haha katawa lang mga tol.

"Anong gusto mong kainin? " tanong sa akin ni Drake.

Napaisip naman ako. "Burger na lang. " i simply said.

Kumunot naman ang noo nito at kita ang pagtutol sa sagot ko. "No. You'll gonna eat rice and pork. Hindi mo dapat ginugutom yung sarili mo. " pangaral niya sa akin.

Hindi ko naman ginugutom ang sarili ko ah? The burger here in cafeteria is very big like those burgers on states. May carbs siya at meat. Plus, meron din itong veggies and other condiments. Asan ang gutom dun?

Being Mr. Gorgeous' Target✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon