OO6

2K 65 15
                                    

friday, 12:37 pm

hindi pa man nakakahinto ng maayos ang shuttle, nagmadali na agad akong bumaba para hindi makausap si hoseok.

i even heard seokjin's laugh. kulang nalang ay itulak ko yung mga babae na nasa pintuan na pilit binabagalang lumabas para makasulyap sa tatlong lalaki na kasama ko.

"hoy, hindi niyo ba alam maglakad?" i snapped at them after ten seconds of counting and no one moved. agad na tumango yung sophomore at nagsorry bago hinatak yung mga kaibigan niya pababa ng shuttle.

"eto talaga," tawa muli ni seokjin at inakbayan ako. sabay kaming naglakad habang nakasunod si taehyung at hoseok na wala atang balak tumigil kakalecture sa amin.

"ayusin niyo yan, ha," he told us. "alam kong ayaw niyo isa't isa pero next time na kayo mag-away. malapit na regional."

"kahit naman di kami magbati tayo parin mananalo," pagmamayabang ko at tinutok na ang id sa machine. sumunod si seokjin at nagawa ko pang tawanan yung mukha niya nung lumitaw na sa screen.

"what the fuck?" ani taehyung at tinuro ang id ni seokjin.

"gago," he hissed and dragged me again away from them. matutuwa na dapat ako pero bigla nalang siyang hinatak ni hoseok at inilayo sa amin.

"mag lunch na muna kayo. may dadaanan lang kami ni jin sa guidance. oh, baka naman pati sa pagkain mag-away kayo?"

"you're really gonna regret this," pinanliitan ko siya ng mata bago sila tinalikuran. hindi naman nagsalita si taehyung sa tabi ko at naglakad nalang din palayo.

"sa labas ka pa ba kakain o sa cafeteria na?" tanong ko kahit hindi siya nililingon. dire-diretso ang lakad ko patungo sa kainan, dinedeadma ang mga tingin ng mga tao. madami kasing karenderia sa labas ng campus namin dahil nga mas liblib ito kesa sa main campus na nasa gitna lamang ng bayan.

"edi sana hindi ako pumasok kanina dito kung sa labas ako kakain," he scoffed at me like i was such an idiot for asking him that question.

inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagpasok sa cafeteria. hoseok's right. mas mabuting kumain muna kami kesa uminit lalo ang ulo dahil sa gutom.

habang nakapila ay nadidinig ko parin ang bulungan ng mga tao. hindi naman mawawala yon dahil iba ang uniform niya sa mga department na naririto, at hindi naman dito ang campus niya.

"sa department ko muna tayo-"

"sa building ng educ tayo magsimula. mas madaming profs don na p.e major. mas madami sila kaya mas mabilis-"

"ayan na nga sa tabi ng cafeteria yung building namin oh. edi yan na unahin natin-"

"kahit hindi naman lahat mainterview ngayon. unahin na natin yung mga p.e majors."

"ayaw mo talagang magpatalo noh?" naiinis na sambit ko at tinalikuran na uli siya para humarap sa pila.

so annoying.

"ate, o-order ba kayo?" tinanong ako bigla nung freshman na nasa likod ni taehyung. aba't hindi ata makapaghintay ang gaga.

doon ko napansing medyo malaki na pala ang gap mula sa nasa harapan ko at sa akin. mukhang kanina pa kami nagaaway ni taehyung.

believe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon