O48

1.8K 55 43
                                    

saturday, 7:32 pm

"mga hija! hijo!"

"de puta naman oh," naiiritang bulong ni jungkook matapos hatakin ni seokjin ang kamay nyang susubo sana ng cupcake. magrereklamo pa uli dapat siya kung hindi lang siya siniko ni lisa at tinuro ang papa ni taehyung na ngayo'y papalapit na sa amin.

"punyeta, kook," reklamo ni lisa. "main course palang kami. ikaw nasa dessert na."

"tito! happy birthday po!" i greeted as soon as he saw me. ako kasi ang pinakamalapit sa hinintuan niya kaya lumapit na ako at humalik sa kanyang pisngi.

"jisoo!" he laughed softly then thanked me. sumunod na bumati ang iba pa naming mga kaibigan habang nakatayo lang si taehyung sa kabila, malapit kay hoseok na katabi ko.

"thank you, thank you mga anak!" tinapik niya ang mga balikat ng mga lalaki habang nagaasaran na sila.

"ang tagal niyo nang hindi nakakapunta sa bahay, ah!" turo niya bigla sa aming apat na babae. "mabuti pa itong mga lalaki at nakakadalaw. masyado kayong busy sa mga boyfriend niyo?" he once again chuckled.

"naku, tito! yang mga yan, magkaka-boyfriend?! masasapak muna namin mga poporma sakanila," pagmamayabang ni seokjin na ikinatango naman ng iba pa.

sunod sunod na agad nagreklamo yung tatlo kong kaibigan.

lisa immediately pouted, protesting, "wala kayang nagbabalak manligaw sa amin, tito! kasi lagi silang nakabantay. daig pa mga tatay namin, eh!"

tumawa ulit si tito at nagulat ako nung binalingan niya ako saka sinabing, "that's better that way. after what happened to jisoo, you can't expect them to let you get played by others, diba?"

tumawa si hoseok at pumalakpak pa ng paulit ulit. "sapakin ba naman nila jimin, jungkook at yoongi sa harap ng univ yung ex ni jisoo! syempre matatakot na yung ibang lumapit sa mga to!"

i grimaced and glared at him. patago lang, syempre. baka makita ni tito eh. "tumigil ka nga."

"ah, oo! yung nanloko kay jisoo noon?" tawa pa ulit ni namjoon.

these bitches..

"nakatanggap pa kaya ng bugbog kay taehyung yun nung uwian-"

"gutom ka diba?" pagputol bigla ni taehyung sa kung ano mang dapat sasabihin ni jungkook na hindi naman naintindihan dahil tinuloy niya pala ang pagkain ng cupcake. "sige, kumain ka pa. wag ka na magsalita."

mukhang magbabangayan pa nga ata sila. but then jennie started another topic which, at least, made me calm down. ang pangit lang kasi na uungkatin pa nila yung nangyari noon, eh ayaw ko na nga sanang pagusapan pa.

"unfair kaya, tito! yang mga yan kung saan saan lumalandi!"

"hoy, hindi ah! wala kaming jowa!" jimin defended and even slapped his chest repeatedly para lang magmayabang.

"yang si taehyung lang naman nagkagirlfriend ah!" hirit ni jungkook at tinuro si taehyung na nanahimik ulit sa gilid.

"sino? si ate yasmine? yung senior nung freshmen palang tayo?" paguusisa ni chaeyoung.

mabilis akong napalingon kay taehyung na wala atang balak gawin kung hindi ang tumunganga lang. i wanted to roll my eyes but i know jennie is watching me.

syempre, alam niya lahat eh.

"i actually invited her tonight. pinabigay ko lang ang invitation kay taehyung at siya na ang nag-abot. kaso mukhang hindi makakarating dahil busy. balita ko'y accountant na siya sa isang kompanya di kalayuan sa bayan," daldal pa ni tito.

"gago, nakakausap mo parin pala yon? kayo parin ba?" nagtatakang tanong ni yoongi. wow, nandito pala tong antukin na to.

i was waiting for taehyung's response but i got none. hindi siya nagsasalita at hindi narin naman na siya inusisa pa ng mga lalaki.

nagpaalam si tito sa amin nung tinawag siya ng isa nyang ka-batchmate para batiin at kamustahin.

"tangina, kayo parin ni ate yasmine?! hindi nga?!" nagulat ako nung biglang daldalin ni lisa at chaeyoung si taehyung.

gusto kong malaman yung sagot niya, kaso ayokong marinig.

"ji, namumutla ka," hoseok whispered and held my hand. dinala niya ito sa baso ng tubig sa harap ko para mainom ko at umayos kahit papaano.

"ayos ka lang?" i was shocked when i saw taehyung's worried face. hindi niya pinapansin yung dalawa kaya tinatawanan ng iba pang mga lalaki.

tumango lang ako at umiwas na. mabilis kong sinubo ang pagkain sa harap ko kahit pa hindi ko na talaga alam ang lasa.

"akala ko naka-move on na tong gagong to dun sa senior na yon," i heard yoongi laughing. seokjin and namjoon started sharing their opinions too at wala na akong ibang narinig kung hindi ang topic na iyon.

"ji, huminga ka nga," jennie mumbled. maingay ang mga kaibigan namin kaya paniguradong walang nakakarinig.

at dahan dahan akong tumayo. hindi ko alam pero nakaka-suffocate sa table na to.

"oh? kukuha ka pa ng pagkain?" nagtatakang tanong ni jimin na agad ko namang inilingan. i pointed the powder room na nasa kabilang parte ng malawak na venue kaya hinanap pa nila ang tinuro ko.

"saglit lang ako," sambit ko at tinanggihan ang offer ni jennie na sasamahan dapat ako.

God. hindi ko alam kung bakit hindi ko gustong marinig yung usapan nila. i should not give a fuck about that. noon pa lang, dapat wala na.

i hate him. i despise him, right? ayoko siya kasi masama ang ugali niya. masungit. hindi mabait.

but why am i having a hard time accepting the reality that yasmine is still in his life?

matagal ko naman ng alam yun ah..

at wala na dapat akong pakealam.

"jisoo."

kulang nalang sampalin ko yung humatak sa kamay ko dahil sa gulat. i raised my other hand, ready to beat him kung hindi niya lang naharangan.

"ano ba!" reklamo ko agad nang nakitang si taehyung lang ang humawak sa akin.

"tara dito," he only said, grabbing me by my hand while he parted one of the curtains that was covering the whole venue para makita kung ano ang nasa likod nito.

i didn't know it was a veranda. tahimik niyang binuksan ang glass door at dahan dahang nakalabas. the night air blew like fire and the classical music inside slowly faded from my ears.

"bakit mo ko dinala dito? sabi ko pupunta akong powder room-"

"hindi kami."

"huh?"

"hindi kami." pagu-ulit niya.

"sinasabi mo?" i creased my brows, acting like i had no idea what he was talking about kaya lalo lamang kumunot ang kanyang noo.

"ni yasmine. hindi kami ni yasmine."

"oh.." i nodded, kunwari ay walang pakealam pero ang totoo'y ang dami ko pang gustong itanong. "so?"

madilim, pero kitang kita ko ang dahan-dahang pagsilay ng ngiti sa labi niya. like he was happy right at this moment ㅡ sa hindi ko malaman na dahilan.

"nothing. i'm just telling you that i'm single," he took a step forward, then asked me, "how about you?"

believe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon