O7O

1.7K 56 68
                                    

saturday, 12:25 pm

hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa professor namin dahil napaaga ng ilang minuto ang dismissal, o maiinis at sasabog sa pikon.

because the moment a car stopped in front of me, lumabas sa passenger seat ang ngiting-ngiti na si yasmine na tila masaya sa mga nangyayari.

"hi jisoo!" she even waved at me while hopping off the car. bumukas ang pinutan ng driver's seat at nagulat ako nang niluwa noon si taehyung.

what the..?

"anong.." i couldn't even speak properly. naglakad palapit sa akin si yasmine bago ngumiting muli at nagsalita.

"i have to do something here sa campus niyo eh! good thing taehyung offered a ride. lambing talaga ng lalaking to," she giggled and holy fuck- she even went near taehyung to give him a peck on his right cheek!

tahimik na nakatingin sa akin si taehyung, tila tinitignan ang magiging reaction ko.

gago ka!

i rolled my eyes at him before yasmine could even look at me. niyakap ko ang bag ko at hinintay silang matapos.

after finally facing me, nagpaalam na siya sa akin at nagwave muli. sa sobrang inis ko at hindi ko nanaman mapigilang huwag magsungit, tinanguan ko lang siya at umusog na pagilid.

close kami?!

i heard taehyung clearing his throat para lang mapansin ko. binalingan ko siya at tinaasan ng kilay, hinihintay kung anong sasabihin niya.

"sakay na, may meeting pa sa office mamayang alas dos. mag lunch muna tayo sa-"

"ayoko."

and he really did think na sasakay ako sa kotse niya matapos manggaling doon yung ex niya?! wow!

"what?" his forehead creased. "hanggang ngayon ba galit ka parin sakin? what did i even do wrong?"

"wala! ayoko sa kotse!" mas naiinis kong sambit.

"i used a car because i thought you'd like it better than riding a motor.."

i probably sound like a childish brat right now pero hindi ko talaga mapigilang hindi mainis sakanya. tumalikod nalang ako para hindi ulit kami mag-away pero hinawakan niya ko sa braso.

"i'm sorry. ano bang kinagagalit mo?" his voice suddenly became soft after apologizing. "we'll talk about it. halika na-"

"bakit kasama mo si yasmine?" tangina ng bibig ko. wala ding preno eh.

"she said she needed to go here-" hindi ko na narinig ng buo ang explanation niya matapos tumunog ang phone ko dahil sa sunod sunod na notifs.

the girls bombared me again with messages at may sinend pang screenshot galing sa ng post ng kung sino mang demonyo.

"haha cutie babie 💖"

nice.

"jisoo-" i showed him yasmine's post. he stared at my phone without having any expressions kaya mas lalo akong napikon. so he knew about it?! even the caption?!

teka nga, napakaselosa ko! eh.. hindi naman kami.

"kuya yoongi!" thank heavens! i saw yoongi walking out from the gate while holding his motorbike! mabuti nalang talaga at dala niya!

"kuya, pasabay ako!" i screamed as soon as he noticed us.

"jisoo naman," malambing na tawag ni taehyung at hinatak pa ang uniform ko na parang bata.

tama, hindi kami. kaya bakit ako sasabay sakanya?

"dito ka na sakin-"

"gusto ko sa motor!" i exclaimed.

nagtataka kaming nilingon ni yoongi matapos nyang makalapit.

"sa main campus ka ba didiretso? halika na, gutom na ko. doon na ko kakain," he handed me his extra helmet.

"fine!" biglang sambit ni taehyung at binitawan ako
hinarap niya ang kaibigan namin saka sinabing, "yoongi, ikaw nalang magdrive ng kotse. kami na dyan sa motor mo."

"ano?!" pabulyaw na sagot ni yoongi. "ayoko, tangina traffic dun sa bandang ayala eh! bat ba kasi di nalang kayong dalawa dyan?!"

"ayoko, dyan nalang ako sa motor mo-"

"ay, hindi!" i was shocked when he grabbed his helmet back and hissed at us repeatedly. nagawa niya pa kaming ikutan ng mata bago muling pinaandar ang kanyang motor.

"kung magaaway kayo, wag niyo kong dinadamay ah! tangina di nalang magbati eh!" then he drove away.

what the hell..

wrote 15 chapters
today! YAAAY!! ✊

believe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon