4

29 1 0
                                    

"THIS WEEK ang monthly exam niyo kaya maghanda na kayo sa Thursday-Friday." Yan ang anunsyo ni Sir Eric pagkatapos ay umalis na.

Nag-ingay kami dahil wala pa naman si Mrs. Agnes siguro ay nalate.


"CLASS QUIET parating na ang teacher niyo!" Sigaw nung babaeng college student na nasa pintuan na practice teacher pala namin.


Lumingon ako sa mga kaklase ko mukhang pareho kami ng mga iniisip. Nainis kami bigla, sino ba siya para patigilin kami? Humina ang ingay sa silid ang tanging naririnig namin na malakas ang patuloy na pagsabi ng babae na "Class Quiet."


Ilang oras ang lumipas nang matapos na ang dalawang subject namin. Nang English time na, pumasok na sa aming classroom si Ma'am Nirie. Tinawag niya yong  practice teacher na nasa likod na mukhang nag oobserve para magpakilala sa harap. Hindi pa sila nagsisimula ay lumabas saglit si Ma'am Nayi dahil may tumawag sakanya.


" Goodmorning. I'm Fei. Kung gusto niyong magkasundo tayo, ayus-ayusin niyo yang mga ugali niyo." Seryosong pagkakasabi niya kaya mas lalo kaming kinabahan.


"Bata pa ang mga anak ko, ayaw ko pang mamatay sa stress ng dahil lang sa inyo. Kaya kung gusto niyong maging mabait ako sa inyo, respetuhin niyo ko." Dagdag pa niya.



Buong Lunes at Martes ay nakinig lang kami sa mga lessons. Pagkarating ng Miyerkules ay naging busy kami sa pagkuha ng permit para makapag exam kami. Hindi naman importante masyado ang permit pag monthly exam pero gusto nga namin kumuha.


Medyo naiinis pa kami sa practice teacher namin dahil napaka taray. Naka arrange na ang upuan namin, magkakalayo sa isa't isa bago pa man dumating ang teacher naming may hawak na test paper.


Nakaupo malapit sa pintuan ang aming P.T at nagmamasid masid. Hindi ko alam kung sa direksyon namin siya nakatingin dahil kanina pa nangongopya ang nasa harapan kong si Keibhert.


"Bigyan mo ko papel isusulat ko na lang yung ibang sagot." Pasimple at pabulong kong sabi sabi kay Keibhert habang nag iingat baka mahuli kami nung Ms. Minchin naming P.T


Nagbubulungan na kaming sagot sa may likod. Ewan ko ba kung nahalata na kami ni Ma'am Fei  na nagkokopyahan o hindi dahil hindi naman niya kami pinapakealaman. May mga sinisita naman siyang iba pero sa parte namin ay tila pina-pabayaan niya lang. Ay mali pala ako, dahil sinita na niya rin ang dalawa kong kaibigan.



Ganon ang routine namin nung exam day. Nakakahalata naman masyado yung pagkokopyahan sa room pero ewan kung alam niya. Hinayaan ko na lang at tinapos ang exam.

----

ISANG ARAW wala kaming guro dahil busy sa faculty. Busy rin ang aming P.T sa paggawa ng kanilang lesson plan. Nag ingay lang kami ng nag ingay kahit ilang beses na kaming sinita ng ibang teachers na napapadaan sa room namin.

Napatingin kami sa tao na nakatayo sa may pintuan na kanina pa tinatambol ang pintuan para kunin ang atensyon namin.

"CLASS QUIETTTT!" Yan na naman ang linya niya pero hindi yan ang nagpatigil sakin o samin.

Kundi ang sinabi niyang. " Please lang tumahimik na kayo. Alam niyo bang lagi kayong pinag uusapan dun sa may area namin pati na rin sa faculty? Pinaparamdam nila sakin na hindi ko kayo kayang mahandle. Na mahina ako. Eh ano bang laban ko 40+ na estudyante laban sakin na nag iisa? Pero hindi yun yung iniisip ko kundi kayo! Pinapahiya niyo lang yung sarili niyo. Pinapakita niyo lang na wala kayong modo at pinag aralan." Umalis na siya pagkasabi non.

"Tumahimik na kasi kayo." Ani ng President namin.

"Wag na kasi kayo magulo Rovins."

"Hoy Wade ang lakas lakas ng boses mo."


"Hoy Remar tumahimik ka na kasi." Sita ng isang classmate ko di ko alam kung sino dahil nakadungaw lang ako sa may bintana

Naguilty ako don. Bumalik sakin yung mga pinagsasabi namin na ang taray niya. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko dahil hindi ko naman alam kung bat ako iiyak.

--------

"Goodmorning Ma'am." bati ko sa kanya sa may line.

Ilang linggo na rin pala ang nakalipas simula nung nangyari, napansin kong may improvement samin.

Yung dating magulong line ng section namin, umaayos na.

Pagpasok mo sa room yung dating hindi pa nalilinisan tuwing umaga at hindi pa naitatapong tambak na basura? Lumilinis na.

Yung dating sobrang ingay na classroom na akala mo asa palengke, medyo hindi na maingay.


Lahat ng yun dahil sa kanya. Yung akala mo Ms. Minchin lang ang peg pero hindi pala, unti unti mong maiintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari.

Kusa kaming nababago dahil sa kanya.

PRACTICE TEACHERWhere stories live. Discover now