CHAPTER ONE

76 2 0
                                    

Sinilip ko ang cellphone ko kung may chat na ba sa akin si Jax - ang matinong best friend ko. Mag-a-alas dose na pero wala pa rin sya. Baka naman narape na sya sa prom nila? Hindi na ako magtataka dahil halos lahat ng kaklase nyang babae ay may gusto sa kanya. Sa sobrang katinuan nga nya ay ayaw nyang mag-girlfriend kahit na pwedeng-pwede naman syang pumili na lang sa mga ito.

"Napakatagal naman talaga, Jax." marahas kong saad saka nagpagulong-gulong sa kama ko.

"Wala naman kasi akong makausap, eh. Inaatake pa ako ng insomnia, paano pa ko makakatulog nito?"

Napaangat ang ulo ko nang marinig na tumunog ang messenger ko. Agad ko namang dinampot ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang nagchat.

"Yon!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw sa sobrang excitement dahil sa wakas ay nag-online na rin sya.

Jax:
Aza!

Magrereply na sana ako nang biglang nag-ring ang messenger ko.

*Jax calling you on messenger...*

"Hoy, Jax! Ang tagal mo naman! Anong nangyari sayo?!" bungad kong sigaw sa kanya. Naka-off pa yung camera nya kaya hindi ko sya makita.

"Sorry, ah. Ang tagal kasi matapos nung program, eh. Napahaba masyado yung party-party na part, daming gustong sumayaw sa gitna."

"Hay nako! Akala ko pa naman, 10 eh nasa bahay ka na." binuksan ko ang effects sa camera ng videocall.

"Tinawagan na nga rin ako ni Daddy, eh. Ikaw, bakit ba gising ka pa?"

"Inaantay nga kita. Di'ba sinabi ko na sayo kanina di ako makatulog, bigla ka namang nag-off chat. Buksan mo nga yung camera mo. Ang daya mo naman eh."

"Kaya nga, bakit nga? May sasabihin ka ba? Kaya hindi nawawala insomnia mo, eh." sagot nya sakin pero hindi nya pa rin binubuksan yung camera nya kaya pinatay ko na lang rin yung akin, kaya ang ending naka-voice call na lang kami.

"Nyenye, whatever. Insomnia lang yan, batas ako," sagot ko sa kanya saka ako tumawa. "Hoy buksan mo na kasi, nakapagpalit ka na ba? Tingin ng itsura mo kanina." patuloy ko pa ring pilit sa kanya. Hindi nya kasi pinakita sa akin kung ano itsura nya kanina bago maganap yung prom nila.

"Huwag, ayoko. Nakapagpalit na ko kanina pa."

"Eh bakit ayaw mo, ang corny mo naman."

"Pake mo. Oy, Aza. Alam mo ba ang gago nung mga kaibigan ko. Nilagyan pala nila ng hard drinks yung inumin ko kanina. Tangina ng mga yon alam naman nila na hindi ako umiinom eh."

"Oh ano nangyari sayo? Edi nagsuka ka?"

Para lang akong tanga dito sa kwarto at nakatitig sa kisame na para bang iyon ang kausap ko.

"Hindi. Buti na nga lang hindi at kaunti lang nainom ko. Hindi ko pa nalasahan nung una kasi may halong juice akala ko tuloy juice lang talaga. Tapos tangina nung mga babae sa school ang lalaki ng dede," humagalpak pa sya ng tawa. "Fit na fit ba naman mga suot nila, kadiri di ako sanay."

Na-i-imagine ko tuloy yung mukha nyang hindi maipinta dahil sa sobrang pagkadiri. Akala mo nakakain ng tae.

"Arte. Di raw sanay. Tuwang-tuwa ka lang eh."

"Tanga kadiri nga. Nilalayuan ko nga sina Ashley kanina pag napapadikit sakin eh. So eww."

Natawa pa ako sa huli nitong sinabi.

"Bakla ka talaga."

Kaya ko sya laging inaasar na bakla eh, kung umasta ba naman daig pa babae sa kaartehan.

My Best (Fuck?) BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon