Kasalukuyan kaming magkasama ngayon ni Jax dahil bio-break namin ngayong hapon. Tulad ng dati ay tinawagan nya ko para pumunta kami ng canteen at kumain. Iyon naman ang madalas naming ginagawa, kapag may free time kami pareho ay kami ang magkasama. Simula ng grade 7 kami ay magkasama na kaming dalawa na inaakala ng iba na magjowa kami, pero hindi naman talaga kasi magbest friend lang kami. Never naming pinag-usapan at tinry na pumasok sa relasyon na ganoon. Siguro kasi alam namin sa sarili namin na komportable na kami sa isa't-isa na magkaibigan lang kami. Kahit na madalas kaming nag-aaway, maya-maya ay ayos na kami kahit walang mag-sorry samin. Iniisip ko paano kung magjowa kami? Baka kailangan may bumaba o tumaas pa ang pride bago kami magkapatawaran na dalawa. Tss. Masyadong maraming arte, kaya ayoko ng ganon, mas okay na ako na magkaibigan lang kami.
Kaso, paano na kung ganito ang sitwasyon namin? Magkaibigan nga kami pero nagpapakitaan kaming dalawa. Nakakabaliw sa totoo lang.
"Hoy lutang ka na naman. Ubusin mo na yang pagkain mo."
Napatingin ako kay Jax na nasa harapan ko na tapos na palang kumain.
"Ayos ka lang ba?" Muling tanong nya sakin.
Isinubo ko na ang huling kutsara ng carbonara na kinakain ko. Ni hindi ko man lang nalasahan ng ayos yung pagkain o sadyang wala lang talagang lasa, ibang stall ata ang binilihan nito ni Jax ng carbonara ko, eh.
"Oo, duh." pagtataray na sagot ko sa kanya.
"Duh. Duh ka dyan. Tulala ka dyan kanina pa, mukha kang tanga." ani nya bago ako tinawanan.
"Epal ka? Iniisip ko lang kung may assignment ba kami mamaya."
"Weh?" inayos nya yung pinagkainan naming dalawa at inilagay muna sa gilid ng lamesa. "Nga pala, may sasabihin ako sayo."
"Ano yon?"
"Ahh... I have a deal for you."
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Deal? Anong deal naman yan? Baka puro katangahan yan Jax, ha? Nung last time na nakipag-deal ka sakin na sabi mo sasamahan mo akong manood ng gig eh hindi naman natuloy, muntik pa kong pagalitan ng adviser mo dahil pinagkunwari mo akong half-sister mo para makapag-excuse lang sa klase nya."
"Hoy. Hoy. Iba naman 'to ngayon, tsaka sorry na nga don diba? Tagal-tagal na non eh."
"Oh ano nga yon?"
"Can we be," tumigil sya sa pagsasalita at mas inilapit pa ang mukha sa akin habang ako naman ay inaantay na tapusin ang sasabihin nya.
"Fubus?" mariing napapikit si Jax nang sinabi nya ang bagay na yon.
Teka... Anong sabi nya?
Nanlalaki ang mata na napatitig ako sa kanya.
"Fubus?! Teka? Ano yon? Wag mong sabihing fubu, as in f-"
Fubu? As in fuck buddy?!
"Oh, ops! Wag kang maingay... Kung ano yang nasa isip mo, yun nga." agad nya namang tinakpan ang bibig ko na lang tinabig ko rin kaagad.
"Ha? Pero-"
"For the mean time lang naman. You know? Parehas naman nating gusto. Wala naman tayong boyfriend or girlfriend sa ngayon. Once we are already hitting on someone, doon na lang tayo titigil. What do you think?"
Napatingin ako sa paligid ng canteen. Pasimple rin na chinecheck kung may nakakarinig ba sa amin.
"Baliw ka ba? Baka mamaya kung san mapunta 'tong deal na gagawin mo? No, hindi ako ready. Hindi talaga Jax. Ayoko."
BINABASA MO ANG
My Best (Fuck?) Buddy
Fiksi RemajaHave you ever wondered having sex with your best friend? Because if you're going to ask me? It's a NO. But hey, what happened to us?