“Mahal na kita, Mina.” Sabi sa’kin ni Gian habang yakap niya ‘ko mula sa aking likuran.
Humarap ako sa kanya at hindi ko napigilan na maluha ng konte.
“Pero mas mahal mo siya, hindi ba?” sabi ko sa kanya.
“Mahal mo ba ako?”tanong niya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot dahil tinanong ko rin ang sarili kong damdamin kung mahal ko nga ba siya.
Oo, mahal ko si Gian kahit mahigit isang linggo pa lamang mula ng kami’y magkakilala, pero mas mahal niya ang girlfriend niya at malapit na rin silang ikasal.
“Mas mabuti pa siguro kung ‘wag mo na lang sabihin sakaling ma-inlove ka man sa’kin”
Ha? Ano daw?
Bigla akong napatingin sa kanya upang tignan siya sa mga mata. May bahid ng kalungkutan iyon na hindi ko maipaliwanag kung bakit.
Nalungkot ako at nasaktan sa sinabi niya at halos maiyak na ‘ko, pero pinigilan ko ang sarili kong damdamin at hindi nagpahalata sa kanya.
“Ayaw kitang masaktan, kaya ‘wag mo akong mamahalin para na rin sa ikatatahimik ng lahat.”Sabi pa sa’kin ni Gian at humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin.
He kissed me goodbye on my lips. It was just a gentle and light kiss and then, he left.
Yun na yun? Hanggang dun na lang ba kami? Hindi ba kakasabi niya lang na mahal niya ako?
Bakit iniwan niya ako? Bakit ayaw niyang mahalin ko siya? Ngayon niya pa sasabihin na ‘wag ko siyang mahalin kung kailan mahal ko na rin siya?
Ngayon ko napatunayan na hindi niya ‘ko kayang ipaglaban. Hindi niya kayang ipaglaban at panindigan ang nararamdaman niya para sa’kin.
I’m sorry but I can’t un-LOVE you, kahit ako, para sa’yo ay isang
Hiram