Kabanata 4

9 3 1
                                    

Kabanata 4Mori

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 4
Mori

Silence.

Katahimikan ang bumati sa 'min nang marating ang lamesa. I scanned the unfamiliar faces. Lahat sila ay nakatingin sa'kin. Saka ko napansin na halos kalalakihan ang mga ito bukod sa nag-iisang babae na nakatayo sa isang gilid at may hawak na silver tray. Kakaiba rin ang suot niyang damit. Nangunot ang noo ko habang sinusuri ito. She was wearing some medieval clothes—a gown with trumpet sleeves and a tight fitting bodice with a long, flowing skirt down to her ankles. Bumaba ang tingin ko sa kulay luntian na corset nito. Halos mapangiwi ako sa pagkaka-tali niyon. For a second, parang gusto ko siyang kumusta-hin kung nakaka-hinga pa ba siya ng maayos.

She was pretty but pale—too pale for me. Hindi ko alam kung nasisinagan ba siya ng araw o hindi. Kumpara sa 'kin na kayumanggi ang kulay. Maliit lang ang mukha nito at may malambot na features ngunit hindi maitatanggi ang tapang sa mga mata nito. There was a strong glint in her eyes as if she had fought countless battles and cried thousand tears but still standing. I shrugged. I guess we still have something in common. Her brows creasing in confusion. I stared. Oh, the feeling is mutual. I'm confused as hell! Konti na lang at sasabog na ako. Nilipat ko ang tingin sa iba. Sa unang tingin ay aakalain mong iisa lamang ang kasuotan nila. Lalo na sa mga tulad ko na hindi sanay sa ganitong fashion. Bukod sa pagkakaiba ng mga kulay at disenyo. Ang iba ay nakasuot ng tunics, doublet o 'di kaya ay close-fitted jackets samantalang ang iba ay simpleng dress shirt lamang na may laces sa dibdib na bahagi. Halos lahat ay nakasuot ng knee-length pants and leather boots. Walang bakas ng modern fashion. Para kaming nasa isang stage play at umaakto sa daloy ng kwento.

Nasa tele-pantasya na ba ako? I grimace at the thought.

A minute passed. Then another.

Tanging ingay lamang mula sa mga kalapit na lamesa ang maririnig.

The guy beside me coughs. Mabilis na nalipat ang atensyon ng grupo sa kanya. The moment their prying eyes left mine I blew out a shaky breath.

"He's—I mean the traveller."

Another silence. Everyone from the table didn't say a word. And from the looks of it, mukhang nasabi na ng isang lalaki ang nangyari sa storage room. Pero kapansin-pansin pa rin ang weird facial expressions ng mga ito. Tila ba hindi nila ako inaasahan. My eyes found the table. May mga alak at pagkain na nakalapag dito. Naghihintay na kunin at kainin. My mouth watered at the sight of it. Napalunok ako. Kailan ba ako huling kumain? I don't know. I can't remember. Pero sa paraan ng pagkalam ng sikmura ko ay mukhang wala pa akong kinakain sa loob ng isang araw.

Binalik ko ang paningin sa babae, her eyes met mine. Nanatili pa rin ang pagtataka sa mukha nito. Hindi ko sigurado kung mas dumoble ito ng marinig niya ang salitang binitawan ng lalaki. Kung bakit ay hindi ko alam. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang isatinig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once upon a PirateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon