FANTASIA UNIVERSIA....
Alam na ba ng lahat?
Hindi pangkaraniwang pangalan.
Nakakapanghindik-hindik kung ito ay hindi mo alam.
May nalalaman kaba?
O di naman kaya.... SINISIKRETO mo lang?
Alam naman ng lahat na ito ay isang paaralan.
Pero, paaralan nga ba? Paano kung laro ang umiikot sa kalakarang ito?
Paano kung, iba pala ang kalakaran sa lugar na ito? Malayang manakit ngunit bawal pumatay?
Syempre, may twist diba? Walang kwenta ang buhay mo kung mananahimik kalang sa tabi o magtatago ka lang?
Lakas ng loob at tapang ang kinakailangan para maramdaman mong kabilang ka sa samahang ito.
Malawak na lupain, nagniningning ang mga ilaw na syang nagpapaganda sa lugar.
Nagtataasang mga gusali, na siyang nagiging barikada sa loob at labas ng Fantasia.
Nakaka- exite diba?
Kung ikaw ba? papasukin mo naman diba?
Isang daang milyon ang papremyo kung makikilahok ka sa samahang ito.
So saan ka pa? Giginhawa ang buhay mo, ng pamilya mo, ng mga taong nakapaligid sayo ay matutulungan mo.
Ngunit alam naman nating lahat na may kapalit ang pera.
Buhay.
Oo, buhay mo ang nakasalalay.
Syempre walang libre na sa mundo ngayon.
Pati nga sibuyas, yamashita treasure na. Makikita mo.
Anyways, so ano? malaki ang kitaan.
Paano nga ba iikot ang laro?
Malalaman niyo rin. Abang-abang din. Masaya to panigurado.
Pero pwede rin namang hindi ikaw ang sumabak sa laro. Pwede kang tumaya, ngunit hindi aabot sa milyon ang mapapanalunan mo. Yun ay kung gahaman ka sa pera.
Ay kung hindi, hindi uunlad ang sarili mo.
Dapat kayanin mo ang mga laban sa larong ito, lahat ng sumusuporta sayo. Itatapon at pagtutulungan ka.
Maging matapang. Lakas ng loob. Ano pa ba?
Syempre galing. Patalinuhan.
Kinakailangan mong galingan.
Ikaw ba, papasok ka? Kasi ako, a big yes.
Aba't bakit hindi? Walang kwenta rin naman ang buhay ko.
Wala akong kamag-anak. Walang magulang, kapatid, o kahit sino man na nakakakilala sa pamilya ko. Basta na lang daw ako natagpuan sa gilid ng basurahan na parang basura.
Ang sakit. Pero wag na natin pag-usapan ang bagay na iton.
Kinakailangan kong pumasok sa laro, para na din mapakinabangan tong mga kapangyarihan ko.
Oo, may abilidad at kapangyarihan ako. Na tanging ako lang ang pwedeng maka-alam. Dahil alam kong gagamitin ako ng mga tao upang pagkakitaan.
At hindi nila magugustuhan na pagbuntunan ko sila ng galit. Iba ako magalit.
Ngunit dahil sa angking kapangyarihan na mayroon ako.
Ngunit ang sabi ng nakararami, pang-mayaman lang ang pwede .
Oo nga no? paano ba ako makakapasok at makakasali sa larong ito?
Nagbabakasakaling isa ako sa mga mapalad.
Ngunit ang tadhana ay sadyang ayaw makisama.
Kinakailangan ko mang manggamit ng mga tao? Kailangan kong magnakaw ng pera? Aba't bakit hindi? Talamak din naman ang mga nagnanakaw sa bayan ng Fanta, hindi ako ang mapag-iinitan.
Handa na akong sumabak sa bagong yugto ng buhay ko. Handa ko nang suungin ang hamon.
Eh ikaw? Naka handa kana rin ba?
- Sheila_DWriter
Note: It's been a while, my Shei'sters.
BINABASA MO ANG
Fantasia Universia ( New Version)
Teen FictionA NEW CHAPTER HAS AWAKENED. She's born to be the best of the best. To stand out and to conquer every challenges ahead upon her. Be ready, she's hiding the beast inside her soul. Ranked#238 in Fantasy Sheila D_Writer / 2022