It's Friday! I'm back again for a new chapter! Lesgaurr!
_______
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa Fantasia Universia ay nagpalinga-linga ako sa kapaligiran. Tunay ngang magandang pagmasdan ang tanawin, malilibang ka sa mga ibong malaya kung lumipad, ang hanging kay presko kung amuyin, ang mga nagtaaasang puno na siyang nabibigay buhay sa mga kabundukan.
Ito rin ang mga matatayog na punong pumapaligid sa kabuuan ng Universia. Kung aakyatin mo ang pinaka mataas na bundok na matatagpuan sa kanluran ay tanaw ang kabuuwan ng bayan ng Fanta.
Lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang pagkakakilanlan. Hindi niya matukoy kung sino ang mga magulang niya. Buhay pa ba sila? Nasaan kaya sila't bakit nila ako iniwan sa gilid ng isang kubo na walang nakatira. Buti nahagilap siya ni Aling Paulita, ito ang nagkupkop sakanya hanggang sa magkamalay siya sa kapaligiran at malaman ang mga bagay-bagay na kanyang dapat malaman. Ngunit sa panandaliang panahon lamang ibinigay ng Panginoon si Aling Paulita kay Nicky sapagkat noong siya'y nag labing dalawang gulang ay tuluyan na itong binawian ng buhay at namahinga na. Makikita na rin ang kataandaan sa matandang iyon. Batid niyang ito ang pinakamabait na tao sa kanilang bayan sapagkat ito'y bukal sa loob kung magbigay ng tulong sa mga tao, lalong-lalo na sa mga kabataan kagaya niya.
At isa siya sa mga pinalad na pangalagaan, minahal at kinupkop ng matanda. Utang niya ang buhay sa matandang ito dahil kung hindi siya ipinulot ay marahil wala siya sa sasakyang ito at patuloy na lumalaban sa buhay.
Hindi ko man kilala ang mga magulang ko, may ibang mga tao naman ang gumanap bilang pamilya ko. Sapat na saakin ang pagmamahal, alaga at pagdidisiplina nila saakin.
Kaya nga kumakayod ako upang hindi ako magmukhang pabigat sa kanila. Kung kaya kong magnakaw para lamang may makain kami ay ginawa ko na, ngunit hindi iyon tama at hindi nila ako pinalaking ganid sa salapi at maging makasarili.
Napa-iling na lamang sya at muling ibinaling ang pokus sa kanilang byahe.
Tanaw ko na ang nakakasilaw na bukana ng Fantasia Universia. Ni minsan hindi namin ginawa ni Gabriel ang lumapit sa pinaka labas nito. Ipinagbabawa din kasi ang pagpunta doon nang walang dahilan. Hanggang tanaw lang kami sa isang bundok na siya ring pahingahan namin. Sa bulubunduking iyon ay tanaw na ang Fantasia Universia, ang kulay ginto nitong tarangkahan. Makikita ang karangyaan ng lugar, malayong tingin pa lang ay nakakasilaw itong pagmasdan lalo pa kaya't eto na siya sa harapan ko. Ilang sentimetro na lang ang layo nito sakin.
Bumaba kami ng sasakyan at naghihintay ako ng hudyat sa kung ano ang kanilang susunod na gagawin.
Ano kaya ng itinatago ng Universiang ito. Nakakapanabik malaman, ako'y nagagalak. Ngunit mayroong bumabagbag saakin na para bang may pahamak na naghihintay sakin sa loob. Umiling nalang ako sa aking iniisip.
Isinawalang bahala ko nalang iyon at sinundan ko ang kanilang paglakad.
"Magandang hapon sa inyo, ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?" iyon ang unang pambungad ng bantay sa tarangkahan nito.
May inilabas na maliit na papel ang lalaking tumilapon kanina sa kabilang kalsada at inilahad iyon sa taga bantay "Sa tingin ko ay sapat na iyan upang malaman mo ang pakay namin kung kaya't kami ay naparito."
Pinagmasdan naman ng taga bantay ang kapirasong papel na iyon. Kulay kahel ang nasa pagitan, may naksulat sa gitna na hindi ko mabasa sapagkat ito ay nakabaliktad. Naka sulat iyon sa padaloy na berso ( cursive).
"Of course, alam ko ang bagay na ito. Tanging ang mga eksklusibong tao lamang ang may ganitong card, kung ganoon ay hindi ko lamang kayo namukhaan sapagkat sa dinami-rami na ng gustong magtangka at linlangin ang pagpasok sa Universia ay sinisiguro ko lamang ang kaligtasan. Lalong-lalo na sa mga taong katulad ninyo, senyor." mahabang usal ng taga-bantay.
BINABASA MO ANG
Fantasia Universia ( New Version)
JugendliteraturA NEW CHAPTER HAS AWAKENED. She's born to be the best of the best. To stand out and to conquer every challenges ahead upon her. Be ready, she's hiding the beast inside her soul. Ranked#238 in Fantasy Sheila D_Writer / 2022