Happy Monday!
______
Nanatiling blangko ang mukha ko habang pinapagalitan ako ni Boss. Bwesit talaga!
"Sana kinausap mo nalang! Andaming nasira na mga gamit! Mga imported lahat ng mga yon, galing espanya pa! Babayaran mo lahat ng mga yon!"
Walang imik. Tingin lang sa baba Maliyah!
"Alam mo matagal ko nang hindi gusto yang pagiging basag-ulo mo! Palagi mo nalang sinasali ang sarili mo sa away! Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?!"
"Paano pa kaya kung sa iba ka nagtrabaho? Siguro papalayasin ka agad-agad nila, dinadaan mo kasi lahat sa init ng ulo! Ano ba naman Maliyah! Because of this ruckus maraming customers ang posibleng hindi na bumalik! Tutumal ang bentahan! What have you been thinking?!" mahabang sermunan talaga to Maliyah.
Kasalanan ko din naman, pero di niyo ako masisisi kung hindi dadaanin sa bakbakan eh sila naman ang umuna eh.
Humirit na ako "e-eh boss, hindi naman ako ang nagpasimula ng gulo. Sila naman ang umuna eh-"
"Kahit na! Sana pinakiusapan mo na lang! Lasing sila, ikaw hindi! Tirik pa ang araw Maliyah oh! Maagang magsasara ang bar dahil sa kalat at gulo sa loob! Halos lahat ng mga mesa't upuan sira na! Paano uupo't iinom ang mga customers ha? Palulumpagi mo sila sa sahig?!"
"I'm sorry boss, h-hindi na po mauulit ang mga nangyari-"
"Talagang hindi na! You're fired! Labas! "
At ang buong araw ko ay badtrip talaga.
Nagdadabog kong nilagay ang mga gamit ko sa bag galing sa locker at biglang lumitaw si Gabriel sa harap ko.
"Ano ba naman!"
Tinaas niya ang dalawang palad na parang sumusuko "Oh, easy ako lang to."
Ngumiwi na lang ako "Ewan ko sayo. By the way, bounce na daw ako, suko na si boss sakin eh. Ikaw na lang maiiwan dito. Galingan mo nalang, hanap na lang uli ako ng bagong papasukan."
Mula pagkakaupo at pinuntahan din niya ang kanyang locker ang may kinakalikot
"Anong ginagawa mo?" ako.
"Mag-iimpake." simpleng aniya
Napaisip ako, nagtataka "Bakit naman!? Tinaggal ka rin?" gulat na busal ko
Umiling sya "Hindi. Alam mo namang kung saan ka ay doon ako. Ayokong malungkot ka kasi wala ako, naku mas lulungkot buhay mo pag hindi mo ako kasama! Sigurado yan!"
Binatukan ko siya "Tarantado! Aalis ka eh hindi ka naman pala sinisante! Baliw ang dahilan mo! Ibalik mo yan, at bumalik ka don sa Top! baka andun si boss at ikaw naman ang mapag-ititan!" at pagtapos ay isinabit kona ang bag dala ang aking mga konting gabmit na naiwan at extra.
"Edi magalit siya! It's his loss kung mabawasan siya ng empleyado, anong silbi sa sweldo kung badtrip naman ang amo diba?" aniya pa. At humirit pa talaga.
Reasons!
Huminga ako ng malalim at nagseryoso "Alam mo Gabriel, alam kong pinapagaan mo lang ang loob ko, pero wag kang aalis dito. May pamilya kang sinusuportahan, alalahanin mo ang nanay at mga kapatid mo. Okay na ding natanggal ako dito, less stress tsaka andaming pwedeng ibang lugar na pagtrabahuan. Nakapag ipon-ipon na din naman ako ng malaki kahit papaano." mahabang paliwanag ko. Hindi siya pwedeng umalis dito, sayang ang perfect attendance niya, may bonus din yun.
BINABASA MO ANG
Fantasia Universia ( New Version)
Подростковая литератураA NEW CHAPTER HAS AWAKENED. She's born to be the best of the best. To stand out and to conquer every challenges ahead upon her. Be ready, she's hiding the beast inside her soul. Ranked#238 in Fantasy Sheila D_Writer / 2022