Space

3.7K 81 2
                                    

Brooke's Pov.

Alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong okay lang ako. Kasi ang totoo hindi. Maling mali. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito, hindi dapat ako nasasaktan na malaman na nagseseryoso na siya.This is what I want right? Pero bakit ang sakit? Ang sakit sakit, yung tipong gusto mo ng magpakamatay dahil hindi mo mainda ang sakit. Pero siguro, ngayon lang naman to diba? Siguro bukas okay na ako. Oo, bukas, lilipas rin to.


Agad kong pinunasan ang mga luha ako at lumabas sa washroom. Agad akong magpaalam kay Scar para umuwi dahil hindi maayos ang pakiramdam ko, napansin naman niya yun at hindi na nagtanong.


I immediately locked myself in my room and cry myself out.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mawalan na ako ng luha at nakaramdam nalang ako ng antok.

3rd person Pov.


Gabi na ng dumating si Seth dahil may dinaanan siya, maaga siyang umalis sa mansyon dahil maaga ring umuwi si Scarlet, pero hindi na niya kasama si Brooke na bumalik, nang tanungin niya ito ay nauna daw umuwi si Brooke sa condo nila dahil hindi maganda ang pakiramdam niya, uuwi sana siya kaagad para tignan ang kalagayan niya ng tumawag si Liz, ang akala niyang saglit lang ay umabot sa limang oras.


Agad niyang tinangal ang kanyang sapatos at dumeretso sa kusina para ipagluto ng soup si Brooke. Nang maluto niya ay pumunta siya sa kwarto ni Brooke, hindi yun nakalock kaya agad siyang nakapasok.

Nakita niyang himbing na himbing sa tulog si Brooke kaya hindi na niya ito ginising. Kinapa niya ang ulo at leeg niya para sana alamin kung meron itong lagnat pero wala naman. Aalisin na sana niya ang tingin kay Brooke ng mapansin niya ang nakapikit na mata nito, para itong kagagaling lang sa iyak, pero hindi siya sigurado kung umiyak nga ito o sanhi lang ng masamang pakiramdam. Bigla siyang nakaramdam ng awa kaya napahaplos siya sa mukha nito. Alam niya kung paano mawalan ng ina, at paano pa kaya si Brooke na walang ama at ina. Mabuti nalang at kinupkop siya ng ama. Napatitig siya bigla sa mukha ng dalaga, mahahabang pilik mata, singkit, maliit ngunit matangos na ilong, manipis at mapula-pulang bibig at maporselanang kutis, ibang iba sa ina nitong morena. Kung tutuusin, mas mukha itong intsik kesa sa kano, kaya nagtataka sila nung malaman nilang kano ang ama niya pero bukod sa maputing kutis nito ay wala ng bahid ng pagkakano rito, maliit rin siya at may natural na itim na buhok. Gayunpaman ay hindi nila kwinokwestyon ang pagkatao ni Brooke dahil hindi pa nila nakita ang ama nito,naisip nalang nila na may halong intsik ang ama niya.

Biglang nagring ang cellphone niya kaya agad siyang tumayo at sinagot ito.

*

Ramdam at rinig lahat ni Brooke ang nangyayari. Pagpasok ni Seth sa kanyang kwarto ay nagpangap itong tulog dahil hindi niya alam ang sasabihin nito pag ngkaharap sila.


Nang maramdaman niyang tumayo at lumayo si Seth sa kanyang kama ay dun niya binuksan ang mata, kitang kita niya si Seth na nakatalikod mula sa kanya, nasa kanyang bintana siya at may kinakausap. Rinig na rinig niya ang pag-uusap nila kaya hindi niya ulit maiwasan nasaktan.


"Just got home.. I'm sorry, I didn't inform you fast..ipinagluto ko pa kasi si Brooke ng soup kasi may sakit siya...."


"Babe, nothing to jealous about,she's just my bestfriend..." Mariing napapikit si Brooke,tama nga naman, she's just his BESTFRIEND.


"Okay, goodnight.."Ipinikit niya ulit ang mata ng ibaba ni Seth ang kanyang cellphone, huling naramdaman niya ang pagkumot sa kanya ni Seth.


Sa pagsara ng kanyang ilaw ay namulat siya, nagisip-isip ng dapat gagawin, she decided to take a space....a life without Seth.

She stand up and took her luggage out. Isa-isa niyang naglagay ng damit sa kanyang maleta. Tama, kaylangan muna niyang umalis, at mag-isip isip.

Her Possessive BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon