"Let's party! Party!"
Ang malakas na boses ni Armelle ang una kong narinig pagkapasok ko sa bar ni Alex, napapailing ako. Baka napadami na naman ang nainom nito.
Agad akong nagtungo sa bar area, nandoon si Alex,nagseserve ng drinks, sina Armelle naman at Angela ay nasa gitna,sumasayaw kasama ang mga ibang babae, kaklase yata nila.
"Hey,pare." Untag ni Alex sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Drinks?" Offer ni Alex, tumanggi ako, ayaw kung uminom baka malasing ako hindi ko mabantayan si Armelle.
"No,thanks pare. Naka ilang shots ba si Ara?" Tanong ko rito, ngumisi lang ito. Alam ko ang ngiting iyon.
"I texted you na huwag mong bigyan ng bigyan ng alak." Pinandilatan ko ito ng mga mata, nagkibit balikat lang ito.
"Hi boyfriend..." Si Armelle, nakalapit na pala ito sa akin, paglingon ko agad na naglanding ang labi nito sa labi ko. Nalasahan ko pa ang alak na ininom nito.
"Let's go home." Bulong ko rito ng maghiwalay ang labi namin, hinapit ko siya sa baywang at kinintalan ng halik ang gilid ng leeg nito.
"Magpapaalam lang ako kay Angela." Sabi nito tsaka lumapit kay Angela na nasa gitna pa ng stage sumasayaw.
"Can i borrow you car Alex?" Tanong ko sa kaibigan, ngumisi lang ito at iniabot ang susi sa akin.
"Thanks."
"You're welcome man."
Agad na kaming lumabas sa bar, 9pm pa lang ang dami ng tao sa bar kaya niyaya ko ng umuwi si Armelle, tsaka gusto ko ng e claim ang birthday gift nito sa akin.
"Oh, gagamitin natin ang kotse ni Alex? Hindi tayo maglalakad?" Nagtatakang sabi ni Armelle ng makarating na kami sa kotse ni Alex.
"Nope, pupunta tayo sa apartment mo. I will claim my birthday gift." Kinindatan ko pa ito, nagrerent lang ito ng maliit na apartment malapit sa school. I don't know about her family dahil sabi niya sa akin ulila na siya.
"I love that." Napakagat labi ito,tsaka kinuha ang susi sa kamay ko kaya napakunot ang noo ko.
"I'll drive." Masayang sabi nito sa akin. Nauna na itong pumasok sa driver seat.
"Are you sure marunong kang mag drive?" Hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya.
"Yes, let me show you. Sakay na."
Sumakay na rin ako, sa front seat area kung saan katabi ko si Armelle. Kinakabahan ako pero pinanatag ko ang sarili.
Nawala lang ang kaba ko ng malaman kong marunong naman pala talaga itong magdrive ng kotse, ngayon ko lang nalaman.
"Paano ka natutong magdrive?" Curious kong tanong dito.
"Uhm, when i was 14 years old tinuruan ako." Tipid na sagot nito s aakin, napatango nalang ako. Nahihimigan ko sa boses nito na ayaw nitong pag usapan ang nakaraan niya.
Napatingin ako kay Armelle, para itong natulala, hindi ko alam kung may naiisip ba o ano dahil sa hitsura nito naging lutang ito, may nasabi ba akong masama? Naitanong ko sa sarili.
"Oh shit!!!" Bigla akong napasigaw ng biglang nagpreno si Armelle, buti nalang agad ko itong nayakap kaya hindi sumubsob ang mukha nito sa manibela, sumasakit ang balikat ko dahil iyon ang tumama, napalakas yata ang impact.
"Are you okay?" Worried kong tanong sa kanya. Nasa madilim na bahagi pa naman kami ng daan. Nakatulala pa ito at naramdaman ko ang panginginig ng katawan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/232917863-288-k934554.jpg)
BINABASA MO ANG
Rampage Bachelors : The Innocent [Completed]
RomanceSEASON 3 WARNING: You need to be 18 above to read this story unless you have a matured mind. [Matured content] ~~ "Song of Solomon 8:3?" Masuyong saad ni Orris sa babaeng nagbigay ng kulay sa buhay niya. "I am my beloved's and my beloved is mine" B...